Chapter 35

6.3K 222 170
                                    

'Into the Past'


XIN

"You okay?" Tanong ni Jun sa akin kahit nandun siya sa base nila kaya tiningnan naman ako ni Seth.


"Break muna."
Agad niyang sabi at nagsitakbuhan naman 'yung team papunta sa bleachers. The others didn't notice that I was bleeding, so it was best to hide in Jun's shadows as he handed me a piece of cloth to wipe the blood.

Pinunasan ko agad ang ilong ko at tsaka kinuha ang tubig na binigay sa akin ni Nicolas.


"You're a water boy, now?"
Panunukso ni Walter sa kanya. Hindi naman siya pinansin ni Nicolas at tinapik lang ang balikat ko tsaka na bumalik na sa tabi ni Ceanna. Lumapit naman ako kay Wolfie at binigyan siya ng tubig habang nakatingin parin ako kay Ceanna na may sinasabi kay Nicolas.


"You plan on telling her about the imprint?"
Tanong ko kay Wolfie na nag-aayos lang ng gloves niya. Umiling lang siya at tumingin sa direksiyon ni Ceanna at saktong tinuro ako ni Nicolas kaya tumingin narin si Ceanna sa direksiyon namin pero nabigla nalang ako nung bigla nalang yumuko si Wolfie para ayusin ang sintas ng sapatos niya na hindi naman nagulo.

May mesa kasi sa tabi namin kaya natatakpan siya nito kapag yumuyuko siya. Napabuga nalang ako ng hangin at tiningnan si Duke na nakapansin sa ginawa niya.


"Shut.. your mouth."
Paalala ni Wolfie kahit wala pang sinasabi si Duke. Natawa nalang ako at tsaka na bumalik sa mga posisyon namin. I just told Jun that the bleeding was nothing. He looked unconvinced but I have nothing more to say.

Inayos ko nalang ang gloves ko at tumingala sa araw na dahan-dahan nang natatakpan ng ulap.


"Hey, why is Jun the umpire? Shouldn't it be someone from our team?"
Tanong ni Dino habang nakaturo kay Jun. Jun's the umpire of the game, also the catcher at the base.


"Jun's the only one who can handle Xin's serves. Let it be. He's not a biased camel like Seth."
Napalingon agad si Seth kay Milo dahil sa sinabi nito ang Milo's not even a single line sorry for what he said. Natawa nalang ako at tiningnan 'yung elder line.


"He's the umpire, because he's a vampire. Get it?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni Hoshi pero dahil tinaas-baba niya ang kilay niya, dun na ako natawa pati 'yung iba. Jun just ignored him, but a smile was on his lips.


"Alright, let's play one more round. Losing team sleeps outside."
Napaawang lang ang bibig ko sa sinabi ni Seth. Is he really our leader? Nameywang nalang ako at tiningnan si Seth na tinaas-baba lang ang kilay niya. He's really this competitive, huh?

Kumuha nalang kami ng bagong bola dahil parang mahihirapan kami sa paghahanap ng bolang tinamaan ni Hoshi. I guess it went to another dimension or something. I positioned on the mound and looked at the younger team. Tumango lang sila sa akin at tsaka ko na binalik ang tingin ko kay Seth.


I don't know what got into me but the moment that I was holding the ball, I set it on fire. Kumunot lang ang noo nilang lahat pero umangat lang ang gilid ng labi ko.


"Looks like your team's sleeping outside, Seth."
Natatawang sabi ni Matthew kaya tinapon ko na agad ang bola. Seth missed the ball and Jun had to catch a fire ball towards him. Napa-ohh lang 'yung iba nung muntik nang matumba si Jun. Ngumiti lang ako at sinalo ang bolang tinapon niya pabalik sa akin.

Tumawa lang sina Dino sa kanya kaya mas lalong hinigpitan ni Seth ang hawak niya sa bat. I stretched my limbs for a better shot pero napatigil ako nung nagsimulang mag-ingay sina Jayden at Joshua. Tiningnan lang namin ang elder line na nagtatawanan habang nakatingin sa amin.

Team AlphaWhere stories live. Discover now