Chapter 36

6.3K 218 137
                                    

'Hybrid Face-off'


XIN

"Mosquitoes bite and sucks blood. Vampires bite and sucks blood. Therefore, I conclude, that Jun is a mosquito." Tiningnan lang namin si Hoshi na nagrereherse raw para sa report niya mamaya sa isang klase niya. They were asked to do a comparative research about a certain animal and compare it to a certain creature. And as you see, napagtripan niya si Jun na ikompara sa lamok.

Jun just grimaced at him and threw a pillow at his head.


"'Yan talaga ang sasabihin mo sa harap mamaya?"
Tanong ni Duke sa kanya at seryosong sumagot si Hoshi at sinabayan pa ito ng pagtango. Tumingin nalang ako sa iba na napasapo sa noo. Nagkibit-balikat nalang ako. "You could compare yourself to a hamster." Sambit ni Xy habang nagdudrawing sa tabi ko. Agad namang napaawang ang bibig ni Hoshi at tumango-tango pa.


"Pwede rin. Pero okay na 'to."
Seryoso niyang sagot at niligpit na ang mga gamit niya tsaka hinarap si Jun na nananahimik lang dun sa kabilang sofa.


"Ey yo~ mosquito!"
Nakangiti niyang sabi dito at sumayaw pa sa harap nito. Jun just facepalmed and avoided not kicking Hoshi out of the dorm.


Well, after what happened at the library, pinaliwanag nila sa akin na isang buwan raw akong nakatulog. And as I was asleep for a whole month, nothing interesting happened in UHT, which makes me think that I'm really the cause of the buzz in UHT, or whatever it is. Also, as I was asleep for a month, all those dreams felt real to me.

Then again, they weren't dreams. They were memories.


"I need back up!"
Napapitlag kaming lahat dahil bigla nalang dumungaw 'yung ulo ni Baxter mula sa portal na ginawa siguro ni Dino. Agad kaming tumayo at lumapit sa kanya. Matthew pulled the portal wider at dun namin nakitang pinagtutulungan na pala sila sa mga malalaking isda kung saan man sila naroroon. Walang pagdadalawang-isip na pumasok sina Seth doon at tinulungan sina Baxter.

Kumuha naman ng baseball bat si Hoshi at pumwesto sa harap ng portal.


Tiningnan ko lang si Hoshi na pinapalo ang mga isdang tumatalon papasok sa dorm. Fishes? Where are they anyway? Bahagya akong sumilip sa loob ng portal at sinalubong lang ako ng isang malakas na hampas ng alon. Hinilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha ko at tsaka lumabas na sa portal. Tinawanan lang ako ni Matthew at binigyan naman ako ni Jun ng face towel.

Umupo nalang ako sa sofa at tiningnan sila na kalalabas lang sa portal. Basang-basa sina Seth at para namang basang sisiw sina Jayden at Joshua na basa ang mga pakpak.


"Ba't kayo pumunta dun?"
Tanong ni Seth kina Baxter matapos isara ni Dino ang portal. Ginulo lang ni Vernon ang basa niyang buhok at tiningnan sina Jayden. "We thought Poseidon's trident was there." Tipid niyang sagot at hinubad ang t-shirt niya. Umalis nalang ako at kumuha ng bathrobe sa mga kwarto nila at tsaka ito binigay sa kanila. I know that they won't have time to get them since Seth will be grilling them for hours.


"Sa susunod, 'wag kayong aalis na hindi nagpapaalam. You could've been hurt or worse, killed."
Tumango-tango lang silang tatlo sa sinabi ni Seth at may mga tinanong pa. Naghanda nalang ako ng lunch namin kasama si Matthew habang pabalik-balik pa ang lakad ni Seth sa harap nung tatlo.


"Zelle, huh?"
Tanong ko kay Matthew dahilan para sandali siyang matigilan at tsaka dahan-dahang humarap sa akin at tipid na ngumiti.


"She's nothing."
Muntik ko nang mabitawan ang bowl na hawak ko dahil sa sinabi niya. Sabay kaming napalingon ni Walter sa kanya na naglalagay ng seasoning sa niluluto niya. Nakayuko lang siya at walang ekpresiyon sa mukha niya. Tiningnan ko naman si Walter at nagkibit-balikat lang siya.

Team AlphaWhere stories live. Discover now