Chapter 62

5.9K 239 72
                                    

'Home'


XIN

"Dad, are you really sending me with them?" Tanong ko kay Dad na nakatingin lang sa mga papeles niya. Agad niyang inangat ang tingin niya sa akin at tsaka ngumiti. I just fiddled with my fingers and looked at him. "I haven't been really honest with you, pumpkin." Tumingin lang ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Umikot-ikot siya dun sa swivel chair niya at tsaka siya tumingin sa akin.

May kinuha pa siya sa drawer niya at tsaka binigay sa akin.

"They're your family, pumpkin. You should be with your family." Nakangiti niyang sabi sa akin habang nakatingin ako sa larawan na hawak ko. Napabuga nalang ako ng hangin nung makita kong may larawan nga ako na kasama 'yung mga lalaking 'yun at tsaka 'yung bata. I was standing next to the guy who approached me first. Jun.

Inalis ko muna ang tingin ko sa larawan at tsaka ako tumingin kay Dad.


"But I am with my family. I'm with you."
Diretso kong sagot pero ngumiti lang siya sa akin at tsaka tumayo at naglakad papunta sa sofa na kinauupuan ko at tsaka umupo sa harapan.


"Do you want to get your memories back?"
Tanong niya kaya agad naman akong tumango. All I wanted was to get those memories back even if I don't know if it'll hurt me or not. My whole being isn't complete with those memories missing in my head. "Then maybe the team can help you." Aniya kaya tumingin ako sa kanya at pinaningkitan siya.


"Maybe? Wow, for the first time, I've heard you say that word. Palagi ka kasing sigurado sa mga sinasabi mo."
Sabi ko kaya ngumiti na naman siya at tsaka na tumabi sa akin.


"That's because I'm not sure of what will happen to you this time. I've always been a lousy father."
Aniya at nagsalin ng tea sa cup niya. I just looked at him and smiled, along with a little laugh kaya tumingin na siya sa akin. "No, you're the best father." Nakangiti kong sambit at niyakap na siya.


"Is it bad to say that I don't want you to get those memories back? Because if you do, hindi ka na yayakap sa akin ng ganito. You were such a cold-hearted little pumpkin."
Natatawa niyang sambit kaya natawa narin ako at hinigpitan pa ang pagkakayakap ko sa braso niya. Ginulo niya nalang ang buhok ko at bumitaw na sa pagkakayakap sa kanya nung biglang lumitaw si Luce sa harap namin.

Umayos lang ako ng upo at tsaka tumingin sa kanya.


"Uhh.. I brought you some strawberries from California."
Aniya habang nakatingin sa akin at nakangiti. Nanlaki nalang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at nag-aalangan pa kung tatanggapin ko ba ang box ng strawberry na dala niya. Tinaggap ko nalang ito at tsaka nagpasalamat sa kanya. Luce just ruffled my hair and Dad was already barking at him like a dog.


"Oh, tapos? Anong dinala mo para sakin?"
Tanong ni Dad sa kanya kaya tiningnan ko lang si Dad kung seryoso ba siya. Sometimes, I don't really know how old he is by the way he acts. "I brought you.. another box of strawberries from California." Pasimpleng sabi ni Luce at binigay kay Dad ang box ng strawberries. Pinaningkitan lang siya ni Dad at tsaka kami tiningnan.


"Nililigawan mo ba ang anak ko?"
Agad akong napaubo dahil sa tanong ni Dad at tiningnan ko siya ng masama. Nag-iwas nalang ako ng tingin kay Luce na siyang hinila lang ako at tsaka inakbayan.


"Yes, I am. Today, I'm her suitor. Tomorrow, I'm going to be her boyfriend. Next week, I'm going to be her fiancée and by next month—"
Hindi na natapos ni Luce ang sasabihin niya dahil may biglang tumama sa ulo niya at nalaman kong sapatos pala ito ng bata. Agad kong tiningnan 'yung baby boy na nakatayo lang sa may pinto habang hinuhubad pa ang isa niyang sapatos at tinapon ito kay Luce pero umilag lang si Luce kaya si Dad ang tinamaan nito.

Team AlphaWhere stories live. Discover now