KABANATA 3

88.3K 4.7K 2.9K
                                    


Kabanata 3:


"D-Don't go, Mommy."

Napanganga ako dahil sa sinabi ng gwapong lalaki, ilang beses akong kumurap-kurap bago pagak na tumawa.

Ibang klase talaga ang mga tao ngayon, gagawin lahat para makapanloko ng kapwa nila.

"Nagpapatawa ka ba? Wala pa akong anak at saka ang laki mo na kaya para maging anak ko baka mas matanda ka pa sa'kin," natatawang usal ko. "Naaksidente lang ako sa jeep pero hindi ako naaksidente sa rumaragasang t-tì," usal ko tapos napangiwi.

Napakurap-kurap ang lalaki habang mahigpit pa rin ang hawak sa dulo ng aking damit.

"Bitaw!" madiin usal ko at sinubukan umatras pero kumakapit pa rin siya.

"Ano ba?! Bakit ka ba kumakapit? Kulang nalang lumawa na suso ko kakahatak mo!" inis na aniko tapos tinuro ko pa ang cleavage ko kung mayroon man.

Napatingin do'n ang lalake "De-de." mahinang bulong niya kaya nanlaki ang mata ko. Manyak ata ito?

Tinampal ko ang kamay niya nang medyo malakas dahilan para mapabitaw siya, itinaas ko ang aking kamay upang patigilin siya sa paglapit. Umamba siyang didilaan ang kamay ko kaya umatras ulit ako.

"Huwag kang lalapit sa'kin!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin.

Hindi porket gwapo siya ay magiging marupok na ako. Baka mamaya nagpapanggap lang ito at may masama palang balak.

"Huwag kang susunod kung 'di sisigaw talaga ko!" banta ko sa kaniya tapos ay malalakinang hakbang na naglakad na palayo.

Nakakasampong hakbang pa lang ata ako ay may narinig ako. Kumunot ang nuo ko nang may marinig akong parang bumagsak.

Agad akong napalingon sa lalaki, nagulat ako nang makita siyang nakasalampak sa kalsada at pumapasag-pasag ang paa animong batang pinagkaitan ng tsokolate.

Nagpalinga-linga ako at nakita kong pinagtitinginan na kami.

Mabilis akong lumapit sa lalake na umiingit sa sahig animong ang liit-liit niyang tao e ang tangkad niya tapos gumaganon siya. Sa totoo lang mukha siyang tanga.

"Hoy damulag ano bang problema mo?!" inis na suway ko sa kaniya at nameywang pa ako.

Tumigil siya sa paglumpasay sa sahig tapos ay tumingala siya sa akin napalunok ako ng makita ang mapungay niyang mata at nakangusong labi.

"M-Mommy," aniya animong tinatawag niya ako.

Paos na ang boses niya, hindi ko alam kung normal na boses niya iyon o ano.

"Hindi nga kita anak ang kulit naman, ang laki mo na. Ang damulag mo na puro ka pa Mommy! Ako nga walang Mama rito nagwawala ba ako?" inis na sabi ko.

"I'm hungry, Mommy," balewalang usal niya tapos kinusot ang mata.

Putcha imbes na ma-turn off ako sa pinaggagawa niya ay napapanganga na lang ako, kinilabutan ako sa tingin niya sa akin.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil gusto ko siyang iwanan pero hindi ko magawa. Hindi ko na maihakbang ang mga paa ko.

Shit hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko.

Napaangat ako ng tingin sa madilim na langin nang may pumatak sa aking ilong.

Hanggang sa sunod-sunod na pumatak ang maliit na tubig, umaambon na. Bakit ba puro kamalasan na lang ang nakukuha ko?

Napatingin ako sa lalaking nakaupo pa rin sa sahig habang nakatingala, nakapikit at may ngisi sa labi animong natutuwa siya sa ulan.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon