KABANATA 11

72.9K 3.9K 1K
                                    

Kabanata 11:

Lumakas ang kabog ng aking puso dahil sa balita, mas nilakasan ko ang volume ng telebisyon habang nakatitig sa larawan ng magandang babae na umiiyak.

She's crying in her interview while telling some information about her husband.

Si damulag ba si Kier Mauv?

Hindi ko maiwasan mapaisip, I don't know why I think that. Siguro desperado na akong makita kung sino kamag-anak niya. Mariin akong napapikit nang sabihin ng reporter na ipapakita ang larawan ng lalaki.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko habang hinihintay ang itsura nito.

"Awwwwww!"

Kaagad akong napalingon kung nasaan ang banyo dahil sumigaw si Damulag at may malakas na kumalampag.

"Anong nangyari?"

Kaagad akong napatayo para puntahan siya, baka mamaya ginawa na niyang swimming pool ang banyo ko.

"Puta!!" gulat na usal ko.

Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang palad nang makita si Damulag na nadapa una nguso sa labas ng CR dahil sobrang basa niya hindi lang iyon suot niya ang bra na isinampay ko banyo no'ng naligo ako pati ang panty ko.

Kaagad akong lumapit sa kanya upang  tulungan siyang bumangon.

"Ano bang nangyari ha?!" inis na aniko.

Tapos bahagya ko siyang pinasadahan ng tingin. Ang hot!

Bahagya siyang yumuko parang iniiwasan magtagpo ang aming mata. Pinaglalaruan lamang niya ang kanyang mga daliri.

"Urh!" iritang reaksyon ko habang nakatingin sa basa na ang kalat sa labas ng banyo. Tinalikudan ko siya para humanap ng basahan.

Hindi pa ako nakakalayo ay maramdaman ko ang malalaking bisig ni Damulag mula sa aking likod.
Para akong kinapos ng hininga lalo nang maramdaman ko ang hubad niyang katawan sa likod ko medyo awkward lang dahil nararamdaman ko ang foam sa bra ko na suot niya kahit hindi naman na niya nasara sa likod sa sobrang laki niya.

Hindi ako nakapagsalita.

Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang mahihinang hikbi niya kaya agad akong napaharap sa kaniya habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Anong iniiyak-iyak mo diyan?" kunwaring masungit na aniko.

Pero sa loob-loob ko ay awang-awa na ako sa itsura niya, nanginginig pa ang ibabang labi niya habang kumurap-kurap siya animong pinipigilan tumulo ang luha.

Nang magtanong ako ay mas lalo siyang napaiyak. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil ang laki niyang lalaki tapos naka bra't-panty siya sa harap ko, ngumangawa siya na parang bata animong napagalitan ng Nanay niya.

"D-Don't be mad, Mommy," mahinang aniya.

Hindi ako nagsalita nakatitig lang ako sa mga luha niya na magmamalabis pababa sa kanyang pisngi habang nakakulong pa rin ako sa kanyang braso.

"I just want to wear your clothes. I am sorry, Mee. Wag na pong magalit. Wag na pong sisigaw kay D-Damulag," aniya tapos ay kinagat ang ibabang labi.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit hindi? Sinuot mo ang damit ko, tingnan mo batak na batak na, tingin mo ba masusuot ko pa 'yan ulit e lawlaw na 'yan sa akin tapos nadulas ka pa paano kung tumama ang ulo mo sa may lababo? Edi mahihimatay ka mas malala pa kung mategi ka! Tapos dadating ang soco rito sa bahay ko at ako ang pagbibintay, baka sabihin pa nga ni-rape kita kasi nakahubad ka, naging kriminal pa ako," mahabang sabi ko..

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon