KABANATA 16

73.2K 4.3K 1.8K
                                    

Ps. Basahin mabuti para hindi malito. :)


Kabanata 16:

Naglipat-lipat ang aking tingin kay Damulag at kay Kier. Lumapit ako kay Damulag at nilagpasan si Kier dahil nakita kong namumutla na so Damulag habang nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang?" mahinahong tanong ko tapos ay niyapos ko ang kanyang braso.

Bahagyang umiiling si Damulag tapos ay sumubsob sa aking balikat bago bumuga ng hangin. Hindi ko alam kung pinagtitinginan kami wala na rin naman akong pakielam pa sa sasabihin ng iba lalo't mukhang natakot ata si Damulag.

"I'm s-scared. Mee, he's crazy. Kung ano-anong sinasabi niya." mahinang bulong niya sakin animong nagsusumbong.

Bahagya akong lumayo sa kanya.

Humarap ako kay Kier na nakapamulsa habang nakatingin lang sa amin lalo na sa akin animong pinag-aaralan ang mukha ko animong may mali siyang nakikita rito.

Nakasuot siya ng jacket na itim animong may tinataguan siya

"Mag-usap tayo," sabi ko sa kanya.

"That's why I'm here." ani Kier.

Humarap ulit ako kay Damulag naabutan ko siyang masama ang tingin kay Kier, bahagya ko siyang tinapik kaya napatingin siya sa akin.

"Dito ka lang." Turo ko sa inuupuan niya kanina bago tumuro sa kabilang lamesa. "Mag-uusap lang kami ro'n," aniko.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako, ayoko lang talaga ipahalata. Parang lahat ng tanong ko ay malalaman ko na ang sagot.

"Sama ako," ungot ni Damulag agad akong umiling.

"Usapang matatanda 'yon. Sandali lang kami." Bahagya siyang napasimangot bago pabagsak na naupo sa upuan niya kanina at pumalumbaba.

Sinenyasan ko si Kier na pumunta sa kabilang lamesa, kaagad naman siyang pumunta pinaghila niya pa ako ng upuan bago siya umupo sa harapan. Tumingin muna ako kay Damulag na ngayon ay nakapalumbaba sa lamesa habang nakatingin sa amin ni Kier.

Umayos ako ng upo bago seryosong hinarap si Kier kahit na sa ilalim ng lamesa ay nanginginig ang aking kamay.

Tumikhim siya bago magsalita.

"Miss na kita Diane. I missed you so much," mababang boses ni Kier habang pinag-aaralan ang aking mukha.

Bahagya akong napailing at napangisi. Sabi ko na nga ba e, paniguradong magiging mahabang usapan ito.

Inilagay ko ang aking kamay sa ibabaw ng lamesa bago seryosong nakatingin kay Kier sa totoo lang gustong-gusto ko siyang bigwasan ngayon.

"Bakit ngayon kalang nagpakita?" pinilit kong maging kalmado kahit sa loob ko ay halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko.

Hindi siya nagsalita "Paano mo ako nahanap?" tanong ko.

Hinawakan niya ang aking kamay habang nangungusap ang kaniyang boses. "Please makinig ka muna sakin magpapaliwanag ako sa lahat. Sasabihin ko lahat Diane."

"Gago!" inis na usal ko bago bawiin ang kamay ko. "Don't call me Diane wala kang karapatan." hindi ko maiwasan hindi mapataas ang boses.

Pilit niyang inaabot ang aking kamay pero iniiwas ko ito.

"Diane..."

"B-Bakit hindi ka bumalik?! Bakit hindi mo binalikan si D-Dem?! W-Wala kang kwentang Ama!" nanginig ang boses ko dahil sa sinabe ko.

Mariin pumikit si Kier bago tumingin sa akin. "Hindi ko alam Diane, hindi ko alam na buntis ka. Hindi ko alam nalaman ko na lang nitong nakaraan linggo na nabuntis kita. Hinanap kita, hinanap kita sa lumipas na pitong buwan," aniya.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon