KABANATA 39

72.1K 3.6K 1.8K
                                    


Kabanata 39:

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, kaagad na sumikip ang dibdib ko nang bumalik ang ala-ala sa akin na huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay.

Their moans and groans of pleasure.

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang mariin napapikit dahil muling kong maalala ang tagpo sa kwarto ni Damulag.

They lied to me. What was that? Iyon ba 'yong plano? Putangina pala.

Pinapaniwala lang nila ako, maybe they are laughing now because they fooled me.

"Heart, please don't. Please be strong," mahinang bulong ko habang hinihimas ang dibdib ko nang maramdaman kong sumisikip na naman ang aking paghinga.

Kaagad kong pinunasan ang luha ko nang bumukas ang pinto ng kwarto. Parang may sumakal sa puso ko nang makita si Damulag na humahangos na pumasok at nagmamadaling lumapit sa akin nang makitang gising na ako.

"Thanks God you're awake! You made me worried," aniya at mahigpit akong niyakap habang nakaupo kami sa kama.

Hindi ako gumalaw, wala akong maramdaman kung hindi paninikip ng dibdib.

Nasasaktan ako. Bakit ba niya iyon ginawa? Wala naman akong ginagawa sa kanila ah? Bumalik lang ba siya para paglaruan ako, is this part of their plan? Baka tama 'yong sinasabi ni Bianca.

Humiwalay sa akin si Damulag at taimtim na tumingin sa akin at sinapo ang mukha ko.

You're a good actor.

"What happened to you, Mee? Mabuti na lang at may nakakita sa'yo sa gilid ng dagat. Bakit ka ba nandoon? Hindi mo ba alam hindi ko alam ang gagawin ko nang makita kitang walang malay dala ng mga staff ng hotel." Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mata at halong pagkainis sa boses niya.

Pero hindi no'n natibag ang sakit na nakaharang sa puso ko. Is he good at lying? Ganyan ba siya kagaling magpanggap na nag-aalala siya dahil parang totoo.

Blanko ang aking mukha habang nakatingin sa kanya.

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala sa kanya pagkatapos ng nakita ko.

Akmang hahawakan niya ang kamay ko ay mabilis na iniwas ko ito at umalis sa kama.

"Hmm, m-magkasama kayo ni Bianca kagabi?" kunwaring walang alam ba tanong ko at nag-inat-inat.

Sandali siyang natahimik.

"Y-Yes..."

Tipid akong ngumiti, iyon lang gusto kong marinig. At least sinabi niya ang totoo.

"Nasaan pala tayo? Hindi 'to 'yong kwarto mo noon, hays nagugutom na ako," pinasigla ko ang boses ko.

Tumayo siya at akmang lalapit sa akin ay umatras ako.

"Mee... what happened, you okay?"

Ngumiti ako. "Naisip ko lang kagabi, wala na sa akin 'yong nakaraan. I don't want to help you to your plans, kung ano man 'yan. Ilabas niyo na ako, tutal wala na rin naman mawawala sa akin. That is not my problem anymore," mabilis na sabi ko at humakbang, bago ako tuluyan makalabas ay nilingon ko siya. "And oh, I don't want to work with you anymore. I'm resigning."

Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon. Mabilis akong pumunta sa kwarto ko at nagkulong doon ng ilang oras.

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak bago naka-idlip, sobrang frustration. Hapon na nang magising ako, mabilis akong naligo upang makababa, maybe I will try to contact Kier.

Sasabihin kong uuwi na ako.

Nang makalabas ako nang hotel ay napagpasyahan ko munang kumain dahil wala pa akong kain simula kagabi, nanghihina na ako.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon