KABANATA 40

77.1K 3.5K 554
                                    


Kabanata 40:

NANG makabalik kami sa kwarto ay doon lang binitawan ni Damulag ang aking kamay bago ako iginiya paupo sa sofa roon. Nakamaang pa rin akong nakatingin sa kanya hanggang sa umupo siya sa tabi ko.

Unti-unti kong naisip kung anong nangyari.

"M-May kapatid ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Bakit hindi ko naalala?

Napabuntong-hininga siya bago isandal ang ulo sa sofa habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"Yes, Achilles is younger than me," aniya.

"Ibig sabihin h-hindi ikaw 'yong nakita ko? 'Y-Yong nasa restaurant kanina?" paninigurado ko.

Nakita kong tumaas ang sulok ng kanyang labi bago guluhin ang aking buhok.

"I will never do that to you, hindi ko gagawin 'yon. Alam mo ba nang bumalik ang ala-ala ko ay gusto na kaagad kitang puntahan, gusto kitang yakapin pero natatakot din ako. Natatakot akong pagbalik ko may asawa ka na, na wala na akong halaga sa'yo." Nakita kong lumalam ang kanyang mata bago hawakan ang aking kamay.

"Ang akala ko talaga nag-asawa ka na, hindi ko talaga alam noong una natin pagkikita. I hired an investigator para makasigurado dahil alam mo kung nagkataon na totoong may asawa at anak ka na pinag-iisipin ko na noon paano kita aakitin, I mean I can be the father of your kids. Naisipan ko na ngang ipapatay si Kier non. Good thing nagpaimbestiga muna ako kaya nalaman kong peke lahat bago ako mag announce ng shoot to kill." Natatawang aniya.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako natawa sa biro niya.

"B-Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Bakit ka nagpapanggap na hindi mo pa ako naaalala? Alam mo bang ang sama-sama ng loob ko," pag-aamin ko sa kanya.

"It's not the right time, may mga inaayos pa kasi ako," kalmadong aniya.

"A-Ano 'yon?"

Hindi siya nagsalita bagkus ay bahagya niyang pinisil ang kamay ko.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" nanghihinang tanong ko. Nakakapanliit lang na alam ng ibang tao pero ako hindi ko alam.

"The day after tomorrow." Napaangat ang tingin ko kay Damulag. "This game will end that day."

Hindi ko maiwasan hindi kabahan dahil sa sinabi niya, malalaman ko na ang lahat sa araw na 'yon.

"Nasaan si Bianca ngayon?"

He shrugged. "I don't know, nang-umuwi ako kahapon dito nakasalubong ko siya. I excused myself, I told her that I had a head ache. Siguro pumunta siya sa kwarto ko at ang magaling ko naman na kapatid ang naabutan niya doon."

Hindi ako nagsalita nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya.

"Do you want to know my story?" tanong niya dahilan para mapatitig ako sa abuhin niyang mata na nakatitig din sa akin.

"Sasabihin mo ba sa akin?" balik tanong ko.

"If that makes you feel better. Kung magiging panatag ka, sasabihin ko lahat sa'yo. But not about the organization, pwede kong sabihin sa'yo lahat ng gusto mong malaman kung naguguluhan ka pa basta hindi tungkol sa organization na kinabibilangan ko," seryosong aniya.

"Bakit naman?"

Tumingin siya sa kisame animong nag-iisip ng magandang salitang pwedeng maging sagot sa aking tanong.

"Let's just say that, kapag nalaman mo hindi mo na ako pwedeng makita ulit," malumanay na aniya bago halikan ang aking daliri kung nasaan ang singsing na ibinigay niya dati.

"Okay, sabihin mo sa akin lahat. Lahat ng pwede ko lang malaman."

Ayos na rin iyon kaysa nangangapa ako sa mga nangyayari.

Hindi naman kasi ganito ang gusto kong buhay, ni hindi ko nga naiisip na masasangkot ako sa mga ganitong bagay. I just want a simple life with a simple man I can spend the rest of my life. Hindi ko naman ginustong mahulog sa ganitong kakumplekadong tao.

Bumuga ng malalim na hininga si Damulag bago simulan ang kwento pati na rin ang plano.

***

           ISANG araw na simula nang umalis kami sa Palawan na animong walang nangyari, isang araw na rin simula noong makapag-usap kami ni Damulag.

Ngayon araw ay may ginaganap na importanteng pagtitipon ng mga negosyante, karaniwan ay mula sa mga politiko at business man. Auction for a cause. Marami rin mga media ang nagkalat sa paligid.

Nakasuot ako ng red long fitted gown. Ito ang unang pagkakataon na um-attend ako sa ganitong pagtitipon kaya kinakabahan ako. I'm here as a representative of Kier slash 'lost husband'.

Blanko ang aking mukha bago pumasok sa bulwagan. Sumalubong sa akin ang magagara at nagkikinangang na mga damit ng mayayaman na imbetado. Mabuti na lang talaga at nagpaayos ako kung hindi mukha akong muchaha rito.

This party is for the elite. Ang may pakana ng party na ito ay si Biancang bukangkang. Kaagad dumako ang tingin ko kay Damulag na nasa pinaka unang lamesa malapit sa pinaka stage katabi niya si Bianca na apura ang kiskis kay Damulag. Gustong-gusto ko siyang sugudin at kaladkarin palabas pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Tahimik na umupo ako sa isang lamesa, hindi na ako nagulat nang may umupo sa tabi ko. Bahagya ko siyang sinulyapan nahuli ko si Achilles na ngingisi-ngisi.

Oo nga't magkamuka sila ng kuya niyang si Alphanzí pero ibang-iba sila ng ugali. Kung gaano katino at kasweet si Damulag ay ito naman kaloko-loko ni Achilles.

Nakataas ang buhok niya, napailing na lang ako dahil nakasuot siya ng pekeng bigote at salamin para raw hindi siya makilala ng mga naging babae niya.

"This is gonna be fucking fun," aniya.

Napairap na lang ako.

Hindi na ako nagtataka kung bakit kilala si Damulag bilang sikat na business man ay wala pa rin akong makitang name niya sa google nuong hinanap ko siya.

Their organization deleted it.

Para lang palang mga artista, kapag may hindi gustong published article or video tungkol sa kanila ay nagbabayad sila upang burahin.
Napaayos ako ng upo nang magsimula na ang emcee sa pagsasalita sa harap.

Inilibot ang paningin ko sa buong lugar. Hmm. Tama si Achilles magiging exciting ito.

Hindi na ako nagulat nang tinawag ng Emcee si Bianca na proud na proud na tumayo at kumakaway-kaway pa sa mga tao.

"Oh I didn't expect this to happen," impisa niya tapos at tumawa. "Dear all, as I stand here looking upon all your eager faces, I realize that while I need to thank you, it is also important to keep my thank you speech short because you already know I am really grateful. A mere thank you is a small way in which I can repay you for what you have done. But I feel that this is the first step to telling you how special you have made me feel. Lalong lalo na sa iisang taong nandyan para sa akin," matamis siyang ngumiti dahilan para maikuyom ko ang aking kamao.

Tumingin siya kay Damulag na nakaupo lang at blanko ang mukha.

"I'm happy to announce to everyone that, I'm going to be married." Ngiting-ngiting aniya.

Kasunod noon ay malakas na palakpakan. Hah! Anong konek sa auction?

Napangisi ako nang kumurap-kurap ang screen na nasa likod niya kasunod no'n ay ang paglabas ng isang video.

A woman---Bianca, giving an expert blowjob to the duke of mecklenburg.

_________________
SaviorKitty | Back To Six

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon