KABANATA 37

75.8K 3.5K 1K
                                    

Basahin mabuti para hindi malito.

Kabanata 37:

"Berto..."

Kunot-noong usal ko habang nakatitig sa lalaking nagbukas ng pintuan, hindi ako pwedeng magkamali. Oo nga't hindi ko pa siya nakikita sa personal sa dumaan tatlong taon pero nakakausap ko siya sa video call at alam ko ang pinagbago niya.

Tumikhim si Damulag.

"Ahm. First, let's go inside. I'll tell you everything, Mee."

"Korni ng tawag e baduy. Mee, Baklang-bakla." Komento ni Kier bago tuluyan pumasok sa bahay.

"Fuck off, babaero!" Inis na usal ni Damulag. He was exasperated by Kier.

Inalalayan ako ni Damulag pumasok sa bahay hanggang makapunta kami sa sala ay hindi ko maialis ang tingin ko sa kanilang tatlo. Putangina anong nangyayari?

"I'll check the room upstairs," iwas tingin ni Kier.

"Uh-magtitimpla muna ako ng kape." biglang usal ni Berto animong aalis na nang magsalita ako kaya napatingin silang tatlo sa akin.

Tumikhim si Damulag. "Wait, I need to restroom-"

"Walang aalis!" Bumitaw ako kay Damulag at nameywang, isa-isa ko silang tiningnan. They looked petrified.

"Maupo kayo at ipaliwanag sa akin kung anong kinginang nangyayari na hindi ko alam. Mababaliw na ako sa kakaisip. Alam niyo ba 'yong pakiramdam na pinagkaisahan ka ng mga taong nakapaligid sayo? Alam niyo ba 'yong pakiramdam na ikaw lang ang w-walang alam?" naiinis na usal ko.

Hindi ko maitago ang panginginig ng aking boses.

Nakita kong lumamlam ang mata ni Damulag habang nakatingin sa akin. Si Kier naman ay napakamot sa batok bago umupo, si Berto naman ay mabilis na tumabi kay Kier.

Tinaasan ko ng kilay si Damulag nagpakawala siya ng hangin bago umupo sa tabi ng dalawa sa isang mahabang sofa.

Pinagkrus ko ang aking braso sa harap ng aking dibdib bago matalim na tumingin sa kanilang tatlo na parang tuta na mababait.

Umupo ako sa pang-isahang sofa sa mismong harap nila bago ulit sila pasadahan ng tingin.

"Now tell me everything," madiin usal ko.

Nakita kong nagsikuhan ang tatlong dimuho tapos ay nagbubulungan pa silang tatlo.

"Bakit ako? Ikaw na," mahinang bulong ni Berto.

"Why me? Sinabi kong kapag nagalit 'yang babae na 'yan patay tayo," dagdag ni Kier kaya bahagyang naningkit ang aking mata.

"I don't want her to be mad at me, we're not okay yet," bulong ni Damulag saka umiwas ng tingin sa akin.

Mariin akong pumikit bago bumuntonghininga.

"You've got no balls. Go and talk to her like a man." Rinig ko pagpupursigi ni Kier kay Damulag.

"I do have big balls, you moron."

"Can you please stop being a pussy? You don't even have the balls to explain everything to me!" inis na aniko sa kanila. "Magtatanong ako, sumagot kayo nang maayos!" banta ko sa kanila.

Umayos naman sila ng upo animong batang napagalitan ng magulang bago tumingin sakin.

Napahilamos ako ng mukha gamit ang aking palad. "So tell me, ano bang nangyayari simula umpisa?" Tumingin ako kay Damulag "K-Kailan mo ako naalala? Bakit ngayon ka lang b-bumalik?" Nanginig ang aking boses habang sinasabi iyon.

Bumuntonghininga siya bago magsalita.

"Three months ago, I went to Singapore because I invested to some company there. To encapsulate what happened three months ago, Berto saw me in a hotel. He called me Damulag. Hindi ko siya kilala kaya naman nang lumapit siya sa akin ay hinarang siya ng mga guard ko. He told me 'Hinihintay ka ni Denzy!' sinisigaw niya iyon ng paulit-ulit. I got curious, kasi nakita ko sa mata niyang kilala niya ako. That time, naisip ko na masasagot na 'yong mga tanong ko sa isip ko."

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon