KABANATA 41

71.7K 3.6K 1.9K
                                    


Kabanata 41:

Nanlalaking matang napatingin doon si Bianca, siya lang naman ang nasa video habang nakikipagsex siya sa isang matandang mayaman which is their family friend.

Nakangisi ako habang nakapalumbaba naman si Achilles na nanunuod kulang na lang ay may popcorn.

"No! No! Stop this video!" Sigaw ni Bianca.

Sunod-sunod ang pagflash ng mga camera at pagsinghap ng mga bisita.

Kaagad siyang tumingin kay Damulag na nahuli kong nakatingin sa akin. Kumindat si Damulag sa akin bago ibalik ang tingin sa stage.

"No, babe hindi ako yan! Ano ba! Tigil niyo ang video!" Nanggagalaiting sigaw niya pero tuloy-tuloy lang ang video.

Nagkibit-balikat lang si Damulag.

Ang sunod na video ay hindi ko inaasahan lalo na ng mga ibang nanunuod.

Bianca is kissing her own father on the video. Nasa isang kotse sila habang naghahalikan ng sariling Ama napatakip ako ng bibig at kinalibutan.

"Family strokes. Daddy's girl." Humagalpak ng tawa si Achilles sa tabi ko.

"Noooooo!!!" Sigaw ni Bianca at pilit tinatakpan ang screen pero huli na dahil napanuod na ng lahat.

Ang sunod na picture ay dumurog sa puso ko at ikinatahimik ni Achilles.

The video of their mother, begging and crying. Tumulo ang aking luha nang makita sa video si Damulag na walang malay sa gilid. Ang Mommy niya ay hinaharangan siya animong ayaw siyang masaktan.

Kitang-kita sa video ang pagmamakaawa ng mommy nila pero walang sabi-sabing ipinutok ng kung sino ang baril sa ulo ng Ginang at agad na natumba katabi ni Damulag na walang malay.

Lumitaw ang bumaril sa ina ni Damulag sa video. Napasinghap ang lahat nang makitang si Bianca iyon, inilagay niya ang baril sa kamay ng walang malay na si Damulag bago siya mawala sa video.

"No!!! Imposible!!" sigaw ni Bianca.

Tumayo na ako at tinapik ang balikat ni Achilles. Pumunta ako sa tabi ni Damulag na madilim ang mukha habang mariin nakapikit.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakakuyom. Wala siyang kasalanan, hindi niya pinatay ang sarili niyang Ina.

"No don't believe! Edit lang 'yan!" sigaw ni Bianca sa harap ng madaming tao. Nanginginig na siya sa stage.

Madilim ang mukhang humarap siya kay Damulag. "I-Ikaw... Plinano mo to?!" sigaw niya kay Damulag na ngumisi lang.

Tumayo si Damulag at bahagyang inayos ang nalukot na suit.

"I really want to throttle your neck, I want to choke you until you can't breathe, I wanna see you die in my own hands but I want you to pay every second of your worthless life inside the jail." Malamig na usal ni Damulag.

"Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa akin, sa pamilya ko at sa babaeng mahal ko." Kumabog ang puso ko dahil sa sinabi ni Damulag lalo ng bahagya niyang pisilin ang kamay kong hawak niya.

"Sa tingin mo bigla na lang ako babait pagkatapos ng paghabol-habol mo sa akin ng tatlong taon simula nang magising ako. Bakit bigla ako bumait sayo ng mga nakaraan linggo?" Ngumisi si Damulag.

"I trusted you!" sigaw ni Bianca.

"Well, then you're stupid. Hinayaan mong makapasok sa kuta mo ang kalaban." Malamig na ani Damulag hindi ko maiwasan mapahanga dahil ang hot niya habang nakikipag-away.

Kalmado pero nakakatakot.

"Four years ago, sinisisi ko ang sarili ko dahil ang buong akala ko ako talaga ang pumatay sa Mommy ko. I thought I got drugs and killed my mom. Nang nakakuha ako ng ibedensya hindi ako iyon kundi ikaw. You're my mom's goddaugther." Umiigting na ang panga ni Damulag. "You killed my mom because she found out that you killed a woman. An innocent woman." Sumikip ang dibdib ko habang buong puot na nagsasalita si Damulag.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon