KABANATA 17

74.5K 3.9K 1.3K
                                    

Kabanata 17:

"Alp—ano? At highest ano? Generic? Hindi ko gets pwede ipaliwanag mo nang dahan-dahan?" Kunot-noong usal ko habang nakatingin kay Kier.

"Alphanzí Eluard Alforcourd, 'yong isa kong sinabi kalimutan mo na."

Pesteng pangalan yan! Yung akin nga Denzy lang e.

Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na hininga bago tumayo kaya napatayo rin ako.

"Saan ka pupunta? May tinatanong pa ako sayo," usal ko.

Tumingin siya sa kanyang orasan bago ibalik ang tingin sa akin. "I need to go now, mas mabuti ng kaunti lang ang nalalaman mo, mas mabuti ngang wala ka ng malaman bukod do'n," makahulugang pahayag niya kaya lalong gumulo ang lahat sa akin.

Kaagad akong humarang sa dadaanan niya.

"Hindi, hindi ka aalis tapos magpapakita kung kailan mo lang gusto. Sabihin mo sa akin ngayon na!" inis na aniko sa kanya.

Umiiling siya na parang iyon ang pinaka sagot.

"I'm sorry—um what's your name again?"

"Denzy, I'm Denzy."

"Oh, I'm sorry Denzy all I can tell to you is his name," aniya tapos bahagyang lumapit sa akin. "You see, I'm still hiding, I want you to be safe too. Don't worry I will help you to him but not now, sa ngayon wala pa akong maitutulong. Akin na number mo." Inabot niya sa akin ang phone niya.

Wala naman sa sariling tinype ko roon ang aking number.

"I will call you, ako ang unang ko-contact sayo lagi, don't call me. Ako rin ang unang magpapakita kung pwede. And about my Son, thank you for taking care of him even I want to be with him now, I can't. Saka na kapag ayos na ang lahat," aniya at akmang yayakapin ako bilang pasasalamat nang may braso na yumakap sa qkin mula sa likod tapos naramdaman kong ipinatong nito ang mukha niya sa aking leeg.

"Damulag..." gulat na usal ko.

"She's my Mom. She's mine. Mine. Mine," madiin usal nito kay Kier.

Nakita kong napatitig si Kier sa amin parang hindi siya makapaniwala sa inaasta ni Damulag.

Nang makabawi ay bahagya siyang lumayo.

"Aalis na ako." Tapos tumingin siya kay Damulag bago sa akin. "Mag-iingat ka Denzy." Inayos niya ang suot na jacket bago nakayukong lumabas ng shop.

Mariin akong napapikit dahil hindi ko na naiintindihan kung ano bang nangyayari.

Nakita at nakilala ko na ang totoong Ama ng pamangkin ko, ni Dem. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit parang takot na takot siya, parang may pinagtataguan siya at kung makapagsalita pa siya ay parang nananakot siya.

Tapos nalaman ko na kung anong pangalan ni Damulag kaso iyon lang. Mukhang may alam si Kier kaso parang wala siyang plano tulungan kami ngayon.

Maski nga siya ay may problema rin tapos dadagdag pa ako.

Bumitaw na si Damulag sa pagkakayakap sa akin tapos naglalambing na hinawakan niya ang aking kamay.

"Ang ganda pala ng pangalan mo e. Pag-uwi natin mamaya mag-sesearch ako tungkol sayo, ang damot kasi ni Kier hindi man lang mag-share. Huwag kang mag-alala Damulag makakauw8 ka sainyo," aniko tapos ay ngumiti bago ko himasin ang kaniyang pisngi.

Ang gwapo talaga at ang kinis ng kutis. Nakangiting tumango lang si Damulag akala mo naman naiintindihan niya ang mga pinagsasabi ko.

Dumaan kami sa bayan bago umuwo para bumili ng pagkain. Nakakapit lang sa aking braso si Damulag. Hindi ko alam pero nasanay na lang siguro ako na lagi siyang nakakapit sa akin o kaya naman nakapalupot sa akin.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon