KABANATA 29

72.2K 3.6K 1.1K
                                    

Kabanata 29:

Napailing ako habang nagluluto ng almusal para sa mga bata, today is Sunday. Wala akong pasok sa office, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa amin ni Damulag.

He kissed me! Oh sweet Jesus, Alphanzí kissed me. Ang baby Damulag ko marunong ng humalik with matching dila pa.

Pagkatapos niya akong halikan ay ngumisi siya at tumalikod na. Tulala na ako hanggang makauwi no'n. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap pero sa tuwing naiisip kong hinalikan niya rin si Bianca, gusto kong putulin ang labi ko. Ew.

Napailing ako bago lumingon kay Dem na kumakalabit sa akin.

"Mama sunog na 'yong pancakes!" sigaw niya kaya nagmamadaling pinatay ko ang sindi ng kalat.

Napabuntonghininga ako, masyado ko kasing iniisip si Damulag. Gustong-gusto ko na talagang makaalala siya sa akin.

"Mama, ayos ka lang po?" Napangiti ako kay Dem bago guluhin ang kanyang buhok.

"Oo bebe, sige na maupo ka na magluluto ulit ako bantayan mo si Baby Sammy." Turo ko sa kapatid niyang nakahiga sa stroller niya.

Mabilis naman sumunod si Dem.

Wala ngayon ang mga katulong dahil day off nila. Si Kier naman ay maagang umalis. May tumawag sa kaniya tapos natatarantang umalis siya, mukhang may importante siyang pupuntahan hindi ko na siya natanong.

Saktong pagkatapos kong magluto ay may nag-doorbell.

"Mama ako na po!" mabilis na usal ni Dem bago tumatakbong pumunta sa sala upang buksan ang gate at pinto.

Napakunot ang aking noo dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Narinig kong tumunog ang pinto kaya alam kong nakapasok na ulit si Dem.

"Anak sino 'yan?" sigaw ko habang nag-aayos ng pinggan.

Halos matulos ako sa aking kinakatayuan nang pumasok sa kusina si Dem habang nakasunod sa likod niya ang taong hindi ko inaasahang pumunta rito.

Damulag.

"Alpha!" gulat na aniko.

Ni hindi siya ngumiti deretsyo lang ang tingin niya habang nakapamulsa. Nakasuot siya ng khaki short at puting tshirt. Kitang-kita ko ang magandang hubog ng kaniyang katawan dahil doon, lihim akong napalunok.

"Mama Boss mo raw. Boss upo ka po," aniya kay Damulag.

Napatitig sa kanya si Damulag tapos ay umupo naman sa upuan na tinuro ni Dem, tapos ay napatingin naman siya kay Sammy.

Nakagat ko ang ibabang labi dahil doon. Bakit ba nandito siya?

"S-Sir Alpha bakit po kayo nandito?" akunot-noong tanong ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya.

Hinalikan niya ako kahapon!

May dinukot siya sa bulsa niya. "Your wallet. You forgot to my car," malamig na aniya.

"Sana ho bukas niyo na lang binalik nakakahiya naman Sir Alpha," aniko habang titig na titig sa mukha niya.

"Alpha." Pagtatama niya tapos ay ipinalibot ang paningin sa buong kusina. "Nice house," komento niya.

Tinanggal ko ang apron na suot ko.

"Kay Kier ito hindi sa akin," nagsimula na akong magtimpla dinagdagan ko rin ng isang tasa para kay Damulag.

"Oh your husband," walang buhay na aniya.

Hindi na ako sumagot lumingon ako kay Dem na nagpapalit-palit ang tingin samin habang si Sammy naman ay pinaglalaruan ang laway niya.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon