KABANATA 35

73.9K 4K 1K
                                    


Kabanata 35:

Nagsalubong ang aking kilay nang paglabas ko ng elevator ay nakita kong nandoon si Bianca at parang may inaabangan. Kakauwi lang namin ni Damulag galing sa bayan. Hindi ko pa rin ako maka-move on sa mga pinaggagawa namin.

Nagtatampo ako pero kanina habang magkasama kami hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba iyon o talagang ginawa namin ni Damulag ang mga ginagawa namin dati.

Bumili kaming cotton candy at buko juice tapos nag-aya siyang bumili ng damit, couple shirt. Kaya naman dala-dala ko ang isa no'n na ibinigay niya sa akin. Tapos pumunta rin kaming palengke, naglibot lang kami hanggang magdilim. Walang oras na hindi siya nakakapit sa qkin kaya hindi maalis sa isip ko kung nakaalala na ba siya.

Ang hindi ko maintindihan ay nang dumating na kami sa resort ay sabi niyang mauna na ako at lumamig na naman ang pakitungo niya.

Kaya ito ako ngayon pupunta sa kwartong pinagmulan ko kanina.

"Saan ka galing?" ani Bianca nang nakatapat ako sa kanya kita ko ang pagtalim ng kanyang tingin sa akin.

Pagak akong tumawa. "The last time I checked, we're not close. Hindi kita kaibigan kaya huwag mo akong tanungin... Ma'am."

Nakita kong nagngitngit ang kanyang mga ngipin. "Kasama mo si Alphanzí kanina? Nilandi mo na naman siya? Hindi pa ba sapat sayo si Kier? Porket patay na si Kier si Alpha naman? Lahat na lang!"

Napailing ako saka bumulong  "Nababaliw ka na."

"Akala mo ba gusto ka ni Alpha? Sa tingin mo magkakagusto siya sa katulad mo? Pwes nagkakamali ka! Ginagamit ka lang niya!" inis na aniya.

Hindi ako nagsalita pero malakas ang kabog ng puso ko habang blanko ang mukha nakaharap sa kaniya.

"Ginagamit ka lang niya para magselos ako. Can't you see? We're getting married! Alam niya ang nakaraan namin ni Kier kaya ginagamit ka niya para makaganti kay Kier! Hindi mo ba yon nakikita?" Natatawang aniya.

Gusto ko siyang sampalin, hindi ako nagsalita habang nagsasalita siya dahil gusto kong marinig lahat.

Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng peke niyang dibdib.

"Sa tingin mo bakit madaming takot kay Alpha? Yes, he is a fucking rich but aside from that everybody scared to him because he is a monster." Pinasadahan niya ako ng tingin.

"He killed his own mother." Tapos tumawa siya ng nakakaloko. "Well, deserve naman iyon ng mommy niya kaya tama lang ang ginawa niya. Ayaw sakin ng Mommy niya kaya pinatay niya ang sarili niyang ina. See? Hindi mo pa kilala si Alpha, sarili nga niyang magulang nagawa niyang patayin. Ikaw pa? Hindi ka bagay sa kaniya!" madiin aniya.

Natulala ako dahil sa sinabi ni Bianca. He killed his mother? Oh no way.

Gusto kong magsalita pero lumilipad ang utak ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Hindi ako naniniwala sayo," pinanatili ko ang aking blankong mukha.

Tumawa siya. "Then don't, tingin ko nagtagumpay na siyang pahulugin ka para maganti kay Kier. Gano'n niya ako kamahal, handa siyang gumamit ng iba para sa akin," mayabang na aniya.

Lumapit siya sa akin at bahagyang tinapik ang aking pisngi.

"Mag-iingat ka Denzy." Makahulugang aniya bago maglakad palayo.


***

Lumipas ang oras hangang maghating gabi ay hindi ako pinatulog ng mga pinagsasabi ni Bianca. Hindi ko na ulit nakita si Damulag pero pumunta sakin si David at sinabing magkasama si Bianca at Damulag.

Parang may sumasakal sa puso ko sa iisiping magkasama sila sa kwarto ngayon. Magkayakap ba sila? May ginagawa ba silang milagro?

Oh gosh!

Padabog na bumangon ako at nagsuot ng jacket.

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto ko upang pumunta sa talampasigan.

Kailangan kong mag-isip ng tama hindi ako pwedeng magpatalo sa babaeng linta na iyon. Kailangan ko na rin mahanap si Kier, malaki ang maitutulong niya sa akin. Kailangan ko na rin sabihin kay Damulag ang totoo, kung hindi niya ako maalala edi ipapaalala ko na sa kanya.

Oo, natakot ako sa sinabi ni Bianca tungkol sa pagpatay ni Damulag sa sarili nitong ina.

Hindi ko maiwasan mapaisip kung isa ba iyon sa mga dahilan ng kaniyang trauma noon. Kaya niya ba ako tinatawag na Mommy? Dahil iniisip-isip niya ang ginawa niya sa Ina niya.

Napailing ako habang naglalakad.

Hindi kayang gawin iyon ni Damulag. Hindi siya gano'n tao. Oo minsan masama ang bunganga niya pero hindi niya kayang patayin ang sarili niyang ina.

Nagsalubong ang aking kilay nang makita ko si Bianca na nagmamadaling naglalakad papunta sa isang parte ng isla. Hindi niya ako napansin dahil nasa madilim akong bahagi.

Tahimik na sinundan ko si Bianca hanggang makarating kami sa mga puno ng buko.

Nagtago ako sa isang puno upang masilip kung anong gagawin niya sa lugar na ito sa ganitong oras.

"I told you to call me! Bakit ka pumunta rito? May pinag-usapan na tayo hindi ba?" mahina pero pasigaw na usal ni Bianca sa kausap parang pinipilit nitong hinaan ang boses pero napalakas pa rin.

Naningkit ang aking mata upang sipatin sila. Masiyadong madilim hindi ko makita ang kausap niya dahil nakatalikod ito sakin at si Bianca ang nakaharap sa gawi ko pero alam kong babae ang kausap niya dahil sa buhok nito at katawan.

"Maghintay ka ng tawag ko, bumalik ka sa Manila baka makita ka nila dito!" inis na ani Bianca tapos ay naglakad.

Nagkaroon ako ng magkakataon para makita ang kausap ni Bianca.

Napatakip ako ng aking bibig nang makilala ko ang babaeng kaniyang kausap. Kilalang-kilala ko ang babae na ito.

"Fine uuwi na ako pero siguraduhin mo ang ipinangako mo!" Pati boses nito ay kilala ko.

No... Diane! My twin sister.

Buhay na buhay siya habang kausap si Bianca. Dahan-dahan akong napaatras para sana tumakbo dahil gulong-gulo na ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung namamalikmata ako o kung ano.

Hindi ko namalayan na naapakan ko ang isang tuyong sanga dahilan upang makagawa ito ng ingay.

Sabay silang napalingon sa gawi ko pero bago pa nila ako makita ay may malakas na kamay na ang kumabig sa akin pasandal sa isa pang puno.

Nanlalaking mata ko habang nakatakip ang palad ng kung sino sa aking bibig upang hindi ako makagawa ng ingay.

Handa ko na siyang sipain nang bigla siyang magsalita sa aking tainga na ikinatigil ng aking paghinga.

"Sshhh.. Mee. It's me, your baby damulag."

______________
SaviorKitty | Back To Six

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon