Prologue

2.9K 31 3
                                    

Habang naka-blind fold si Max, boyfriend ni Maryan, ay inaalalayan niya ito sa bawat hakbang.

Dinala siya ni Maryan sa yatch nito na pagmamay-ari ng amang governor.

"Wow! Ano kayang surprise 'to babe? I feel like I am behind the water. Fresh air at hampas ng alon," ngiting mangha ni Max habang naka-blind fold pa rin.

Hanggang sa makarating na sila sa single table na may dalawang upuan with candles at roses na petals, at mga nakatayong mini orchestra-ng banda na may kanya-kanyang dalang violin.

Agad inalalayan at pinaupo ni Maryan ang kanyang boyfriend, saka siya pumunta sa kabila upang siya naman ang umupo. Sinenyasan at binulungan niya ang mga lalaking may hawak ng violin na kapag tinanggal na ni Max ang blindfold nito ay saka nila ipe-play sa mga violin nila at instrument ang kanta sa baba.

***

"You can now take off your blindfold, babe," ani Maryan sabay pinungayan ito ng mata.

Pagkaalis na pagkaalis ni Max ng blindfold niya, nagulat na lang siya nang marinig ang romantic live sound ng violin orchestra. Nasa gitna sila ng dagat, sa isang yatch. Malamig na simoy ng hangin. Tahimik at hampas ng alon lang naririnig. Napaka-romantic ng scenario. Talagang hindi niya ini-expect. Hindi niya akalaing mangyayari iyon sa buhay niya, na makadapo mismo sa isang yatch nang pasurpresa. At doon pa sila magde-date ng girlfriend niya nang biglaan.

"Wow! I can't imagine this to come, babe. Thank you!" Pagtayo na pagtayo niya upang bigyan ng halik ang girlfriend ay pinigilan ito ni Maryan.

"Oops! Stop muna, Max. Gusto kong malaman mo muna kung para saan ang lahat ng surpresang ito," nakangiting lambing ni Maryan.

"Okay, it's up to you. Ano naman 'yon." Umupo na lang si Max at naghihintay.

Pumalakpak bigla si Maryan kaya't dumating itong maraming waiter na may mga dala-dalang mamahaling pagkain: lobster, crabs, beef steak, at iba pang masasarap na pagkain para ilapag sa mesa ng dalawa.

"Okay, babe. Rate this date."

"Maryan, babe, sobra-sobra na 'to. Nakakahiya na sa 'yo. Nag-hire ka pa ng orchestra."

"Of course! I'm rich and famous because I am the daughter of the millionaire governor. You're here today, babe, dahil may ibibigay ako sa 'yo." Sabay kindat ni Maryan at mas lalong pinungayan niya ito ng mata.

Iniluwa ng magaganda niyang de-nail polish na kamay ang isang maliit na bobonggahing box at saka ito binuksan ito. May laman itong singsing. Tumayo siya't lumuhod sa harapan ni Max.

"Will you marry me, Max?"

"Whoa! This is too much. Di ba, dapat lalaki ang nagpo-propose? Parang may mali, eh!"

"'Wag ka nang magpakipot pa. Four years na tayo, right? Besides, ito ang uso ngayon. Ang babae na ang nagpo-propose."

"Sorry, Maryan, pero nire-reject ko ang offer mo dahil may mahal na akong iba?" seryosong sagot ng binata kaya nandilim ang paningin ni Maryan at isinara agad ang maliit na box. Tumayong saglit at umupo saka tinalasan ng tingin ang binata.

"At sino namang hampaslupa 'yan? Umamin ka nga sa akin! Are you cheating on me? Why are you not contented with me, ha?!" Matalas ang tingin ni Maryan habang tumutugtog pa rin ang orchestra na mas lalong nagpapa-intense sa pagtitimpi niya.

"Look, Maryan. Four years nga tayo pero under open relationshit. Kung sino-sino ang nakakatikim sa 'yo habang tayo pa dahil gusto mo ako pero ikinakahiya mo ako. Secret boyfriend mo lang ako, di ba? Kung hindi tayo nahuli ng tatay mo noong birthday mo, hindi mo ito gagawin dahil ayaw mong mag-break tayo, pero huli na. May mahal na akong iba at si Camille 'yon."

"Imposibleng tatanggi ka sa proposal ng one of the most popular hot child in the city, you jerk! And who the fuck is Camille?! Iyan ba yung bff ni Bes Kaye? At saka, ano ngayon if nasa open relationship tayo? Gusto mo rin naman, ah! Dahil kung kani-kaninong puwerta ng babae ka nakakapasok. Gosh! And lahat naman ng nakaka-sex ko ay puro blue-blooded. Hundred percent na mayayamang guy ng school! Safe from AIDS! Hindi ko basta-basta ipinapamigay ang katawan ko sa cheap and dirty random guys sa school maliban sa 'yong isang hamak na anak lamang ng OFW! Masuwerte ka pa nga at pinatulan kita kahit alam kong gold digger ka lang! So don't you dare na isama ang isyu ng open relationship! Ano'ng meron kay Camille? Dahil ba magaling siya sa kama, Max? Dahil ba doon, ha! Lahat naman, ibinigay ko sa 'yo, ah! I am even giving you the best head and catching all your crabs! My gosh!" inis na timpi ni Maryan na tila nanginginig na ang mga labi sa galit at nag-eyeroll.

"No. She is a virgin. Minahal ko siya kahit walang sex dahil hindi 'yan ang basehan ng pag-ibig para sa akin. At saka, sawa na rin ako sa pagiging mayabang at matapobre mo. Gaya nito. Akala mo naman kung sino ka, eh kaban lang ng bayan ang ginagamit ninyong mag-ama sa properties ninyo!"

Sa sobrang pikon ni Maryan ay napatayo siya at nag-hand signal kaya't yung mga nagba-violin ay nauwi ang tugtugan sa Bumble Bee. Ininom niya ang hawak niyang baso ng wine ngunit hindi niya ito inubos lahat at tumingin sa binata.

Nagulat na lang si Max nang itinapon ni Maryan ang natitirang wine ng baso niya sa pagmumukha nito. Nagtimpi na lang ang binata.

Iniwasan muna ni Maryan si Max. Tumayo siya't lumapit sa may bakod ng yatch para magpahangin. Nagulat siya dahil sinunggaban siya ng yakap ni Max.

"Babe! I'm sorry."

Ngumiti naman si Maryan sa sinabi ni Max. "You know, babe, paparating na naman ang isang bagyo sa lugar at bayan natin kaya my dad and I are expecting for a big donation from all around the globe. And that's the reason why I wanted to marry you kasi malaking pera na naman ang mabubulsa ni Papa galing sa donation ng disaster. Kaya tanggapin mo na ang offer kong magpakasal na tayo because I can buy you!"

Habang mahigpit pa rin ang yakap ni Max sa kanya at nilalambing pa rin siya ay sinagot siya ito nang pabulong. "I'm sorry again, babe, but I can't marry you. But I will love you so hard!"

Natigil na lang bigla ang tugtugin ng orchestra nang malakas at sinipa ni Maryan si Max palabas ng yatch nito. Kaya naman nahulog ito sa tubig at lumutang na galit na galit habang pinagmamasdan ang dalaga sa taas ng yatch.

Sumigaw naman ni Maryan sa kanya. "Pagpiyestahan ka sana diyan ng mga pating! Letse! Let's move it na! Sabihin sa captain ng yatch na 'to!"

Gold Digger Where stories live. Discover now