Epilogue

1.2K 25 1
                                    

Makalipas ang apat na taon . . .

"Dismissal time," sabi ng isang prof kaya't tumayo na si Maryan habang nakapalibot sa baywang niya ang kanyang fur coat.

Nagma-Master na siya ng Law sa Ateneo pagkatapos niyang pumasa at naging dean's lister sa kurso niyang PolSci.

Ganoon pa rin siya. Super mayaman at eleganteng tingnan ngunit ibang-iba ito sa Maryan na matapobre, nagpapasikat, at fuck girl. Ginagalang na siya ngayon dahil kilala na siyang philantrophist sa dami ng natutulungan niya at iba't ibang charity niya.

Isiniwalat din niya sa buong mundo ang kalokohang ginagawa ng mga presidente sa Spratlys island na ikinasanhi ng mas lalo pa niyang kasikatan kaya't scholar na siya sa pinapasukang paaralan.

Isa na siya ngayon sa pinakamayamang tao sa Pilipinas.

Naipakulong din niya si Don Lighi Totnak at may mga anak na rin ang alaga niyang unggoy na sina Madonna at RonJeremy.

Masakit lang sa kanya ay tuwing nakikita niya ang kanyang pusa na ipapanregalo sana sa kanya ni Rojz na si Kimkim.

Tila nahihirapan pa rin siyang kalimutan ang mga alaala ng asawa niyang si Rojz. Tila buwan-buwan ay dinadalaw niya ang castle sa Germany at tumitingin sa mga bituin habang pakiramdam niya ay isa na roon si Rojz.

Habang pauwi na siya at sasakay na siya sa customize o pinalaking Lamborghini na naiwan sa kanya ni Rojz ay nagulat siyang may nakaabang sa kanya.

"Hi, Maryan! Para sa 'yo." Bigay ni Henry ang chocolate at rosas.

"Eto na lang ang tanggapin mo. Rosas lang 'yan." Kasabay ni Denis na ibinigay ang chocolate at teddy bear.

"Kayo na namang magkambal? At saka, kung may tatanggapin ako, mas gusto ko yung kay Henry kasi hindi nasusukat ang yaman sa binibigay ng isang nagmamahal," iritang sagot ni Maryan.

"Salamat, Maryan. Tayo na ba?" ngiti muli ng matipunong tisoy na si Herny kaya napa-eyeroll si Maryan.

"Maryan, balita ko, may anak ka. Ako na lang ang pakasalan mo dahil tatanggapin ko ang anak mo bilang anak ko na rin. Basta lang mapasaakin ka," ani Denis.

"'Wag kang maniwala diyan. Di yan marunong mag-alaga ng bata. Ako talaga, Maryan, nakapag-alaga na ako dahil may anak ako sa naanakan kong si Riza," singit muli ni Henry.

"Ano ba! Di ba kayo titigil diyan? Mga baliw!" sigaw ni Maryan kaya't tinanggal niya ang suot-suot niyang salamin.

"Ang ganda mo pa rin, Maryan," nakangising sinabi ni Denis.

"Kaya nga, mag-asawa ka nang muli. Ayaw namin na nalulungkot ka sa pangungulila mo sa asawa mong si Laruzzo."

Sisigaw na sana si Maryan sa galit dahil nasasaktan pa rin siya kapag nababanggit ang asawa ngunit biglang dumating sina Yaya Kuracha na karga-karga ang anak niya.

"Senyora, umiiyak na si baby Ruru!" anang mayordoma.

"Wow, ang kyut naman ng baby mo," nakangising sinabi ng dalawang kambal na sina Denis at Henry.

May sumunod at lumapit sa kanila. Si Aling Cecelia na ngayon ay yaya rin ni Maryan at karga-karga nito ang pangalawang anak ni Maryan na si baby Mar dahil kambal ang anak niya kay Rojz.

Agad nagulat ang kambal na sina Denis at Henry dahil pinag-aagawan nilang alagaan ang anak ni Maryan ngunit kambal din pala ang anak nito.

"Ano'ng tinitingin-tingin n'yo diyan? Kung iniisip n'yong aalagaan n'yo sila isa-isa, well, no! Sinasabi ko na sa inyo, Denis at Henry, busted na kayong dalawa! Tara na mga yaya!"

Gold Digger Where stories live. Discover now