Chap. 11

887 15 1
                                    

Malungkot na masaya si Maryan kaya tinawagan muli niya si Ritchie.

"'Musta na, gurl! Kumusta ang one-night stand n'yo ng midget vice governor?"

"Isa pa, Ritchie, ha! Malilintikan ka na talaga sa akin!"

"Uy, pikon! O, siya sige. Napatawag ka, bakla?"

"Gusto ko palang malaman kung may kilala kayong home visit na private doctor."

"Ay, sorry, Maryan, ha! Wala eh, pero wait lang. Tanungin ko itong sina Paola at KC kasi magkakasama kami rito sa arcade game." Nagtanong naman si Ritchie. "Ay, may kilala raw si KC. Teka, besty, ibigay ko yung linya sa kanya." At inabot ni Ritchie ng cell phone kay KC.

"Yes, Maryan, may kilala ako. Anong klaseng doctor ba ang hanap mo?"

"Veterinarian? Doctor sa mga hayop like Doc Aga?" ani Maryan habang hinihimas ang kawawa niyang alagang unggoy.

"Mayroon akong kilala! Si Doctor Archer Labrador. Yung hunk na doctor na baliw."

"Pakshet ka naman, KC, ha! Ang dami mong ire-recommend sa akin, yung baliw pa, ha? Ang nice mo!" inis na sinabi ni Maryan.

"Joke lang. Basta sabihan ko na lang siya. Kailan ang sched? At saka worried kami ni Paola! Kumusta na ang estado ni Gov?"

"Wala! Okay na! May pera na ako pampiyansa para kay Dad. Sasabihin ko sa 'yo yung sched mamaya." Ibinaba ni Maryan ang cell phone at naalala si Kaye kaya tumawag lang ito sa kaibigan para lang pag-trip-an at asarin ito ukol sa bago nitong love life. Naikasal kasi ito sa kilalang sintu-sinto o kaya ay kulang-kulang sa campus.

Pagkatapos i-check ni Maryan ang karton na bigay ni Don Lighi Totnak na vice governor, laman nito ay pulos limpak-limpak na salapi at dolyar kaya napangisi ang dalaga at tinawagan si Baby.

"Hello! Pumunta ka rito at buhatin n'yo 'to saka ibigay sa ating accountant!"

***

Makalipas ang isang linggo . . .

Tumawag ang hepe kay Maryan upang ipaalalang ngayon ang laya ng kanyang ama. Kaya't inutusan din ni Maryan ang mga bodyguard nito kasama si Baby na sunduin na ang ama sa presinto at iuwi na sa mansyon.

Agad naalala ng dalaga na birthday pala ng boyfriend niyang si Max kaya balak niya itong surpresahin. Pagkalabas niya sa gate ay nasilayan na naman niya ang taong grasang nagtatambay roon.

Dahil sa good mood siya ay pinag-trip-an muli niya ito.

"Well, hi there, hobo! Alam mo, masaya ako ngayon dahil makakalaya na si Dad. I was never expecting na only a penny can solve the problem kaya ito. Ito lang sa ngayon ang laman ng wallet ko. 25 pesos, bigay ko na sa 'yo dahil magwi-withdraw ako ngayon to buy something for my boyfriend. Ipangsugal mo na 'yang peso na 'yan gaya ni dad, ahahaha!"

Tawa ni Maryan hanggang sa napatigil siya dahil pinandilatan siya nitong taong grasa na nasa harapan niya na tila hindi sang-ayon sa sinabi.

"Hmmp! You're such a kill joy, you poor hobo. Anyway, here you go!" Itinapon ni Maryan ang 25 peso roon sa tabi at iniwan na niya ito.

***

Pagkatapos niyang mag-withdraw sa ATM account niya ay dumaan siya sa isang Red Ribbon store at nag-order ng Oreo cake with one piece of candle at pinasulatan niya ng 'Happy birthday, Max and Happy 8-years Anniversary'.

Sumakay muli siya sa kanyang munting mahal na Rolls Royce at nag-isip-isip muna kung tatawagan niya ang kasintahan o susurpresahin na lang.

"Hmm . . . Maybe I'll surprise you na lang. Surprise birthday sex na rin, hehehe!" ani Maryan sa sarili at ni-play sa kotse niya ang kantang Birthday Sex by Jeremih.

Gold Digger Where stories live. Discover now