Chap. 22

816 17 1
                                    

Umaga na at ang himbing ng tulog ng dalawa nang magmulat ng mata si Rojz. Bumangon ito sa kama na tila nangangatog pa ang mga tuhod tumayo dahil sa mga nangyari kagabi.

"Wait! Saan ka pupunta?" putol-putol na tanong ni Maryan na namaos na rin ang boses.

"Sa banyo, malamang," matigas na sagot ni Rojz.

"Sabay tayo!"

"Huh? Baka may mangyari na naman sa loob. Pagod na ako, Maryan. Halos ubusan mo na ako ng lakas at nakailang rounds na tayo," naiiyak na sambit ng binata.

"Talagang may mangyayari. Don't worry, huli na 'yang sa banyo," nakangising sinabi ng dalaga nang pagtayo nito ay muntikan ding madapa dahil sa bumigay na ang tuhod. Napakamot na lang sa ulo si Rojz at binuhat ito papasok sa banyo.

Pagkatapos nilang maligo, habang nagdadamit ay ginamit ni Maryan muli ang laptop niya.

"Ano na naman ba'ng ikinabi-busy mo diyan?" tanong ni Rojz.

"Binook kita at ako papunta sa airport dahil uuwi tayo sa Pinas. I know na wala kang pera, Rojz, kasi nilibre ka lang ng kaibigan mong si Doc Archer na mag-celebrate doon sa Hilton Hotel. Kaya 'pag nag-extend tayo dito sa motel or hotel na 'to, dagdag charge pa. Kaya kung ako sa 'yo, tanggapin mo na ang alok ni dad na maipasa sa 'yo ang mana para makasabay sa mga kaibigan mong rich, you know!"

"No need because I am a billionaire, Maryan."

Agad napatingin si Maryan kay Rojz at tiningnan ito mula ulo hanggang paa at tumawa.

"Pfft! The way you dress and act? I don't find you as a billionaire. Kasi ang isang bilyonaryo, unang tingin ko pa lang, mase-sense ko na. Marami na akong na-meet because your dad and my dad as a governor and soon to run as a senator encountered different rich men dahil malapit siya sa presidente ng Pilipinas."

Nagtimpi si Rojz at kunwari ay binawi ang sinabi. "Okay, you got me there. Hindi ako billionaire. I live in squatter's and slum area and Archer paid the charge sa private Hilton Hotel room sa Tokyo."

"Buti naman at inamin mo. Bale, sagot ko na ang ticket mo papunta roon."

Hindi makapagsalita si Rojz na tila na-bad trip sa dalaga At pinagmasdan niya ang buong kuwarto. Ang daming damage at kalat pagkatapos nilang magtalik nang sobra. Basag lahat ng mga vase sa loob, pati ang TV.

"Hindi ko napansin na parang binagyo ang kuwarto."

"Who cares? Hayaan mo ang hotel housekeeper na ayusin 'yan." Itinapon ni Maryan ang isang ginamit niyang tissue habang nagme-makeup.

"Para saan 'yon?" ani Rojz. Nang pupulutin niya ito ay pinigil siya ng dalaga.

"''wag mong pulutin 'yan! Hindi natin trabaho ang mamulot niyan kundi ang mga hotel housekeeper."

"Hindi porket trabaho nila 'yan, Maryan, ay pwedeng magtapon ka nang magtapon ng maraming basura sa gusto mo. Nahihirapan din ang mga 'yan dahil hindi nila gusto ang trabaho na 'yan tapos inaabuso mo?" nanggigigil na sinabi ni Rojz.

"Stop it! You're talking nonsense."

Biglang may kumatok. Tumayo si Rojz at binuksan ito. Dalawang hotel housekeeper na pinamimigay ang dalawang maleta na ipinadala ng goons ni Maryan.

Medyo naawa si Rojz dahil ang babata pa nito kaya't tinanong niya sila. "You'll be the one to clean all this mess inside my room?" Umoo naman ang mga ito. Inabutan ito ng binata ng maraming dolyar. "Clean our room, fix the damages, eat, and party using that money." Sobrang natuwa ang dalawang housekeeper.

Tumayo na si Maryan na nakaitim na vest at paldang abot sa binti at umalis na sila.

Nasa taxi na sila papunta sa airport dahil sa flight nila sa Pilipinas.

Gold Digger Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt