Chap. 24

741 18 1
                                    

Umalis na sina KC at Jose. Panay lotion si Maryan na tila iritang-irita na talaga at super nanggagalaiti nang biglang lumabas si Rojz galing sa banyo ngunit hindi nakatapis. Naka-shorts na ito di tulad ng dati.

"Hindi ko ba sa 'yo nasabing bawal din ang lotion?" anang binata habang tinutuwalyahan ang ulo.

"Tagal mo kasi sa banyo! Daig mo pa ang babae! Ogre! Hindi ka man lang sa akin naawa, pinagpipiyestahan ako rito ng mga langaw at di nakakapagpalit!" sagot ni Maryan habang hawak-hawak niya ang duster na kulay puti na bigay ni Rojz.

"Ayun pala eh! Nagsayang ka pa ng lotion dahil matatanggal din naman 'yan 'pag naligo!"

Di na ito pinansin ng dalaga at dumiretso sa banyo sabay binangga niya nang malakas si Rojz sa baywang.

Habang nakahiga si Rojz na naghihintay sa papag na kama ay biglang dumating si Maryan na ikinagulat nito dahil wala itong bra na suot. Kaya't tumalikod na lang si Rojz para hindi maakit dahil ang balak niya sa dalaga ay matuto ito sa buhay mahirap.

"My ghaadd! Wala man lang foam ang kama? Diyos ko naman, Rojz! Yung spinal cord ko! At saka, hayop talaga! Unan natin talaga 'yang mga sako na 'yan? Okay ka lang? Diyan ba talaga ako matutulog?" iritang sigaw ni Maryan na tila sinabugan ng granada ang dibdib sa galit.

"Oo! Matuto kang mamuhay nang ganito! Ikamamatay mo ba kung makatulog ka sa isang kama na walang papag, at unan ay gawa sa sako?"

"You're such a disgusting human. Taong grasa! Pulubi, pobre! Whatever you call! At saka, magkatabi ba talaga tayo sa kama?" nakangising tanong ni Maryan ngunit hindi siya sinagot ni Rojz.

Hanggang sa dahan-dahan siyang gumapang at niyakap niya nang mahigpit ang binata kahit nakatalikod ito sa kanya.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Rojz nang maramdaman niyang naidikit sa kanya ang utong sa dibdib ni Maryan.

"Do you wanna make love again, hon. My pussy needs your tongue," pang-aakit na kindat ni Maryan dahil akala niya ay doon sa pang-aakit na paraan niya maisasama si Rojz sa ama.

Ngunit nasawi ito nang iniwas ni Rojz ang kamay nito sa kanya.

"Doon ako sa plywood na sofa matutulog. Hindi ngayon ang oras para makipaglandian kaya tigilan mo ako, Maryan! Hindi mo ako maaakit. 'Yan tandaan mo! Dahil alam ko naman na sipping ang ginagawa mong sandata para mapaikot mo ang isang lalaki. Kaya gusto kong ipaalam sa 'yo habang maaga pa na hindi na sa akin tumatalab yan. Sorry ka, nasabi mo na ang alas mo." Ginantihan ito ng kindat ng binata sabay iniwan ito ni Rojz at pumunta sa sala.

Sobrang nainis si Maryan at nagwala't sumigaw na lang sa galit hanggang sa nakatulog na umiiyak na naman.

Paglabas ni Rojz ay natawa siya sa sarili. "Akala mo, ha! Haha! Pero ang sarap mo pa ring kainin," sabi niya sa sarili habang nagpipigil lang tumawa.

Kinaumagahan . . .

Maryan PoV

Ang sarap pa naman ng panaginip ko na nakasakay raw ako sa unicorn at nag-fo-float sa rainbows nang biglang nalunod ako sa toilet bowl. Di ko maintindihan kung bakit napunta roon ang panaginip ko.

Pagkagising ko ay napasigaw ako dahil binuhusan ako ng hinayupak na 'to ng may yelong tubig.

"Hoy, Maryan! Gising ka na! Ipapagluto mo pa ako ng almusal!"

Sobrang nabwisit talaga ako sa ogre na 'to! Sarap dukutin ang mata kaya't sumigaw rin ako.

"Paano ako makakapagluto eh basang-basa na 'tong duster na binigay mo dahil sa stupid ice bucket challenge mo? My god! Wala akong ibang damit kundi ito lang walanghiya ka, buwisit!" Agad pumasok si Rojz sa kuwarto.

Gold Digger Where stories live. Discover now