Chap. 5

1K 18 1
                                    

Bumili na rin si Maryan ng pang-bubble party at iba pang gagamitin sa birthday niya, kasabay ang pag-hire ng mga bartender. Lagi din siyang nagpa-practice kumanta kahit nabibingi na ang mga maid niya.

Hanggang sa dumating ang araw ng kaarawan niya. Biglaan din siyang na-shock at dumating si Kaye. Sobrang daming nangyari sa mga sumunod na eksena. Pero ang pinakamalungkot na nangyari ay noong nakita niya si Max.

Pagsapit ng alas-kuwatro ay halos lasing na at nawalan na ng energy ang mga bisita sa mansyon. Kaya naman, sa backstage ay hinila roon ni Maryan papasok si Max. At nagsimula na silang maglampungan.

Sinusunggaban ng halik ni Max si Maryan sa leeg at sinimulan nitong himas-himasin ang katawan ng dalaga. Pilit na ring hinuhubaran ni Maryan si Max ng damit pang-itaas.

Hindi na nila napansing biglang pumasok ang tatay nito sa loob ng mansyon kasama ang nagpaparadahang mga bodyguard nito.

Nang ipapasok na ni Max ang kanyang kamay sa loob ng skirt gown ni Maryan ay bigla silang nahinto nang mahuli sila ng tatay nitong governor kasama ang mga bodyguard.

"Maryan!" sigaw ng tatay niya kaya nahinto si Maryan. Nanlaki at nanubig ang mga mata niya.

Dinakip naman ng mga bodyguard nila si Max.

"Maryan! We need to talk! Clean all this stuff! Hindi ko akalaing ganito kalala ang paggagamitan mo sa pera, Maryan! Hindi ko akalaing ganito ang aabutan ko sa 'yo! I trusted you, young lady!"

"Sorry, dad! I didn't mean it. Gusto ko lang ng masayang birthday without you!" ani Maryan habang bumuhos na ang kanyang mga luha.

Narinig niyang biglang sumigaw si Max.

"Maryan, tulungan mo ako! Nababali na ang mga buto ko, araaay!" sigaw ni Max kaya't hindi na nakapagtiis si Maryan at siya na mismo ang lumapit sa kasintahan saka itinulak isa-isa ang mga bodyguard, lalo na si baby.

"Bitiwan n'yo ang boyfriend ko! Bitiwan n'yo!"

Pilit itinutulak ni Maryan ang malalaking mamang bodyguard niya nang mismong ang tatay niyang governor ang nagsalita.

"Okay, boys, bitiwan n'yo na siya. Clean all this stuff, Maryan, at mag-uusap tayo mamaya after you clean all this mess!" Iniwan na sila ni Governor Alfonso at sumunod ang maraming bodyguard.

Sirang-sira na ang eyeliner ni Maryan at yakap-yakap si Max. Napansin niyang lahat ng mata ay nakatitig sa kanya. Kahit yung mga may hangover ay biglang naalerto sa pangyayari pati ang mga maid niya kaya't sumigaw siya nang malakas.

"Ano pa'ng tinitingin-tingin n'yo diyan! Lumayas na kayong lahat, mga bwisit!"

***

Pagkatapos malinis ang buong mansyon ay kinausap na ni Governor Alfonso ang anak.

"Maryan, hija! Sorry kung nataasan kita ng boses. Okay lang na makipagtalik ka, 'wag lang doon sa lalaking 'yon. He is not a family friend. Hindi ko siya kilala dahil hindi siya mayaman gaya natin."

"But, Dad, I love him. Simula pa noong high school. In fact, I kept our relationship pero dahil nahuli n'yo kami, I had to admit na I love Max."

"Nag-hire ako ng investigator to check the background of that guy at hindi ko siya gusto para sa 'yo. Kaya sa ayaw o sa gusto mo ay iwan mo siya dahil may gusto akong lalaki para sa 'yo, Maryan, at hindi siya! Don't get me angry."

"Whether you like it or not, Dad, magpapakasal kami ni Max!"

"Okay! Here's the deal. Kung pakasalan ka niya bukas na bukas ay kayo na. Hahayaan kita. But if you fail, I prefer you with the guy I want for you to marry, hija."

Gold Digger On viuen les histories. Descobreix ara