Chap. 18

887 15 2
                                    

Rojz PoV

Agad niyang ipinahawak sa kamay ko ang ballpen at inilapag ang isang kontrata saka ko ito binasa nang malakas. Nakasulat roon at nakalagay na ipapasa ni Laruzzo Lioness a.k.a. Rojz Lakiabs ang kayamanan na mamanahin niya kay Governor Alfonso Lioness papunta kay Maryan Rivero?

"Lagdaan mo na!" sigaw muli ng babaeng naka-burqa.

"Paano kung sabihin kong ayaw ko?" panghahamon ko.

Nagbigay na naman ito ng senyas. "Undress him. Remove everything he wears except his underwear!"

Bigla nila akong hinubaran hanggang sa mapunit ang damit ko at tanging natitira lamang ay ang aking boxer shorts.

"May brief ba 'yan sa loob?" tanong na naman niya.

"Wala! Hindi ako nagbe-brief! Boxer shorts lang talaga ang sinusuot ko!"

Bigla niyang tinitigan ang buong katawan ko. Umikot pa siya sa akin at tiningnan pati likod sabay pinalo ang puwit at binulungan ako. "Nice ass!"

"Pinagloloko mo ba ako? Aminin mo nga sa akin, Miss Burqa! Bakla ka ba?" pagalit kong sigaw dahil pakiramdam kong minomolestiya at pinagnanasaan ako nito.

Mas lalo akong nagulat nang hinawakan niya ang likod ko papunta sa baywang. Ramdam ko ang magaan niyang kamay. Her skin slid beneath my skin, so flawless and smooth. Mahahaba ang kuko. Palagay ko, sosyalin talaga ito. Isa yata ito sa mga nalaro ko sa kama na naniningil ng pikot!

"Bakit may tattoo kang Maryan sa likod?" tanong nito.

"It's none of your business!" matigas kong sagot. May tattoo talaga akong Maryan sa likod ko na ginigitna sa ginuhit na pakpak ng anghel.

"Let him lay in the dentist chair!" utos muli nito sa kanyang mga goon kaya't hinila nila ako at pinahiga doon sa luma at sirang dentist chair.

"Ano? Magsi-signature ka o to-torture-in kita diyan?" sigaw na naman nitong burqa girl. Ewan ko ba kung paano siya nakakahinga sa loob.

"Ipakita mo muna ang mukha mo!" Bigla siyang nagbigay ng senyas dahil napikon siya sa sagot ko.

Bigla akong tinalian ng mga goon niya. Kamay ko'y itinali roon sa armrest ng dentist chair at pati na rin ang mga paa ko. Hanggang sa tuluyan niya akong kiniliti na ikinahalakhak ko nang sobra.

Kiniliti nila nang sobra ang dibdib ko, katawan ko, at lalo na ang kili-kili at ang paa.

"Hahaha! Tama na, please! Hahaha!" nagmamakaawa akong tumatawa.

"Sige, stop it!" Agad na namang tumigil ang mga goon niyang yakuza sa pagkiliti sa akin.

"Nagbago na ba ang isip mo?"

"Hindi pa rin! Ikaw ba? Magbabago ba ang isip mong tanggalin ang suot mong burqa?"

Agad na naman nila akong kiniliti hanggang sa nagmakaawa na ako habang naiiyak sa kakatawa.

"Siguro, transgender ka talaga, hahaha! Aminin mo na, hahaha! Kasi ayaw mong ipakita ang pagmumukha mo bwahahaha!"

Sa sobrang inis niya ay muli siyang nagsenyas na itigil na ng mga goon ang pangingiliti sa akin.

"Hindi mo ba alam na isang sampal sa mukha ko kapag sinasabihan akong transgender? Boys! Tie him! FASTER!" Itinali muli ako ng mga goon niya dahil napikon itong baliw na babaeng naka-burqa.

"Anak naman ng pating. What are you doing?" sigaw nito sa isa sa mga goon niyang tila may pinagkakaabalahan.

"I am cutting my nails."

Gold Digger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon