Chap. 14

726 16 1
                                    

Lumipas ang isang taon, namulubi na sila at isang yaya na lang ang natitira—si Yaya Kuracha. Ngunit ang ipinagtataka ni Maryan ay kompleto pa rin ang mga bodyguard ng tatay niya.

Kaya't sa isang hapagkainan, isa lang ang bulb ng ilaw na ginagamit niya at nakita ang Yaya Kuracha niyang kumakain ng pancit canton. Hindi niya napigilang maluha.

"Senyora, okay lang ba kayo?" tanong ni Kuracha.

"May okay bang umiiyak?" galit na sagot ni Maryan.

"Oo, tears of joy," nakangising sinabi ng yaya kaya agad tumayo si Maryan at nag-walk out sa inis ngunit nagsalitang muli si Kuracha.

"Maryan, may sasabihin ako sa 'yo."

Napatalikod si Maryan dahil simula't simula pa lang ay trusted na niya at paborito niyang yaya si Yaya Kuracha. Ito lang ang yaya niyang super malapit sa kanya dahil sa ito rin ang nagsusulat ng mga Kamasutra na binabasa at kinukuwento kay Maryan simula nang magdalaga ito.

Bumalik si Maryan. "Ano 'yon, yaya?"

"'Wag n'yo po sana itong sabihin sa papa n'yo, pero nakita ko noong dinalhan ko siya ng kape, may mga tinitingnan siyang mga account na patunay na marami pa rin kayong pera. May nakita akong isa na may anim na zero tapos yung pangalan niya. Nakatapos naman ako high school at nakakabasa ako. Sa palagay ko nga po, senyora, ay parang tinatago lang niya sa inyo na may pera pa siya o kayamanang natitira sa bangko niya. Gusto niya lang kayong pahirapan."

Agad napaisip at nabuwisit si Maryan.

"Hindi totoo 'yan, Yaya Kuracha. Mahal ako ni Dad. Paano niya ako gustong pahirapan, ha?"

"Di ba, sabi mo, ampon ka lang? Hindi ka ba nagtataka? Lahat ng kasamahan kong kasambahay ay umalis pero yung mga bodyguard ay marami pa rin."

Mas lalong lumungkot ang mukha ni Maryan. "Kaya nga po. Paano n'yo po nalaman? Kahit kailan, napaka-chismosa n'yong yaya." Napaisip siya patungkol sa 69 bodyguards, kabilang si Baby.

"Concern lang ako. Alam ko kung nasaan ang dokumento. Kung gusto n'yo, tulungan ko kayo kung paano n'yo pepekein ang mana at maipasa sa iyo ito kung sakaling mamatay si Don Alfonso," nakangising sinabi ni Yaya Kuracha.

"Hindi. Hindi ko 'yan magagawa sa ama-amahan ko! Hindi ko siya ipagpapalit sa pera!" At nilayasan ni Maryan ang yaya niya.

***

Kinaumagahan . . .

Pagkatapos bumaba ni Maryan at buksan ang garage ay nagulat siyang wala na ang Rolls Royce niyang kotse kaya't nagsimula na siyang magwala.

"Yaya! Nasaan ang kotse ko?!" sigaw na tanong ni Maryan.

"Senyora! Ibinenta na po ni Gov!"

"What the fuck! This can't be! Where is dad?!"

"May business trip daw po siya sabi niya."

Walang magawa si Maryan kaya't pumasok siya sa university campus. Ayaw niyang um-absent dahil running for dean's lister siya kaya nag-commute at naglakad na lang siya.

Ngunit lahat ng makasalubong niya sa campus ay pinagtatawanan at pinag-uusapan lang siya dahil first time nila itong makitang naglalakad at hindi nakakotse. Kilala nila kasi si Maryan bilang mayaman at social brat.

Hanggang sa nakita ni Maryan ang mga Fancy Girl at lumapit ito.

"Nasaan na ang mga utang n'yo!" galit niyang sigaw.

"Keribels lang, Maryan. Wala pang kita yung negosyo ko, 'no?" sagot ni Ritchie.

Inabot naman nina Paola at KC ang mga utang nila habang wala pa si Kaye dahil absent yata ito.

"Naiinis ako sa mga pakialamera at chismosa, Maryan. Masyadong matunog muli pangalan mo sa campus dahil sa nagiging pobre ka na raw!" ani Paola at ni KC.

Hindi na ito pinansin ni Maryan.

Sumapit ang gabi at uwian na. May night classes si Maryan kaya worried siya na wala siyang kotse.

"Maryan, tara! Sabay ka na sa amin. Nasaan ba yung Rolls Royce mo?" ani Paola at Ritchie na panay nakakotse.

"Dinala ko lang sa shop at may inaayos. 'Wag n'yo na akong alalahanin," hindi totoong sagot ni Maryan hanggang sa sila na lang ni KC ang natirang naghihintay sa may shed.

Naiinis at panay text pa rin si Maryan kay Max para sunduin at ihatid siya sa mansyon. Masaya naman siya nang mag-reply si Max at hintayin na lang daw itong dumating dahil may tatapusin lang daw.

"Bes, alis na ako. May emergency sa bahay. Di na ako sasabay sa inyo ni Max," paalam ni KC at pumara ng jeep saka sumakay rito.

Inabot na ng ilang oras at hindi pa rin dumadating si Max. Kinakabahan na rin si Maryan, lalo na't hindi ito marunong sumakay ng jeep at hindi niya alam ang sasabihin o mga gagawin niya.

Hanggang sa nilapitan siya ng anak ng nakasiping niya noon na si Paul. Anak ng ex-mayor.

"Babe, tara sabay ka sa akin. Mukhang wala pa naman yung kupal mong boyfriend. Sige na, tara na!" Nagulat na lang si Maryan dahil hinihila nito ang braso niya.

"Ayoko! Bitiwan mo 'ko!"

"Aarte-arte ka pa diyan eh natikman na kita ! Halika ka na! 'Wag pakipot!"

Pilit na hinila ni Paul si Maryan sa loob ng kotse niya. Gustong sumigaw ni Maryan ngunit gabing-gabi na at wala nang tao sa paligid.

Hindi siya makapanlaban dahil sa malakas ito. Kaya't nang mabitiwan ni Paul ang kamay niya ay agad siyang tumakbo nang mabilis.

"Tulong! May humahabol sa akin!" sigaw ni Maryan.

Walang pakundangan din ang paghabol ng binata.

"Gusto mo ng takbuhan! Mas maganda 'yan para wala ka nang kawala sa akin! Paglalaruan muna kita bago kita kainin!" nakangising sinabi ng binatang gutom sa laman.

Habang tumatakbo si Maryan nang mabilis ay napagod na siya sa kahihingi ng tulong. Bigla tuloy siyang bumangga sa matigas na dibdib ng isang lalaki.

Nakahinga na rin siya nang maluwang. "Gusto po ako gahasain ng lalaking iyon na humahabol sa akin. Parang awa n'yo na, tulungan n'yo ko."

Agad naman naglabas ng baril na pistol ang lalaking ito at pinagbabaril si Paul.

Noong una ay masaya pa ang dalaga ngunit kinilabutan na nang paulit-ulit binabaril ng mamang ito si Paul hanggang sa mamatay na ito.

"Halika, sumama ka sa akin!" sabi ng malaking mama.

"Putsa! Not again."

"Ano'ng sabi mo? Halika na!" anang mama.

"Sino ka ba at bakit mo ako niligtas?"

Gold Digger Where stories live. Discover now