Chapter 04

81.1K 2.2K 148
                                    

AUTHOR'S NOTE: This chapter hasn't been edited yet and is written in the third-person POV

**

ISABELA

For the fifth time, muling tumunog ang cellphone ni Isabela.

Hindi niya na tiningnan. Nagpatuloy lang siya sa tinatapos niyang painting. Alam na rin naman kasi niya kung sino 'yong nag-text, eh. It's Arkhe. Kahapon pa siya nito kinukulit. Gusto na namang makipag-kita. Hindi niya na nga alam kung ano pang pwede niyang i-rason para lang makatanggi.

Ilang sandali lang naman ay inabot niya na rin ang phone niya na nakapatong sa kalapit na mesa — hindi para reply-an si Arkhe kung 'di para tawagan si Jewel. Ngayon niya lang ito magagawang kontakin pagkatapos nitong ipamigay ang number niya.

She dialed her number at makalipas ang ilang ring ay sumagot na agad ito. "Uy! Isabela. What's up?"

May pa-what's up, what's up pa itong nalalaman. Tipid na lang siyang napangisi. "Bakit mo pinamigay ang number ko?"

"H-ha?"

"Binigay mo ang number ko kay Arkhe at sinabi mo ring nasa art exhibit ako no'ng isang gabi. 'Di ba sabi mo sa 'kin, lumayo ako sa kanya because he's a certified playboy?"

"Sorry! Sorry na, h'wag ka nang magtampo. E kasi naman, sobrang kulit ni Arkhe! Ayaw niya 'kong tantanan sa kahihingi ng number mo. Kaya binigay ko na. Tsaka Isabela, I think he's really interested in you. Don't you wanna give him a chance?"

Napakunot siya ng noo. "What are you saying? No'ng huling beses tayong nagkita, kung anu-ano ang sinabi mo tungkol sa kanya. I don't get you, Jewel. You mean, gusto mo 'kong mabaliw kagaya ng ibang mga babaeng napaiyak niya? 'Yun ang sabi mo sa 'kin."

"Ok, ok, Isabela, look. Arkhe's my friend, too. Sinabi niya sa 'king gusto ka niya no'ng unang beses ka pa lang niyang nakita sa club. And I realized na, ba't nga ba hindi ko siya tulungan. Malay natin, baka ikaw na pala 'yong magpapatino sa kanya at makakapagpatigil sa kanya sa pangbabae."

"So you're using me?"

"Hindi naman sa gano'n. I-try niyo lang. Okay naman 'yon si Arkhe eh. He's cool."

Napasandal na lang siya sa kinauupuan. "Alam mo bang kinukulit niya 'ko simula no'ng nagkasama kami sa exhibit? He wants us to go on a date!"

"Oh, good! Great start 'yan. Ibig sabihin, you can have a chance to know him better."

Ano raw! Takang-taka na talaga siya. Nilayo niya ang phone mula sa tainga niya para tingnan kung number nga ba talaga ni Jewel ang natawagan niya. Tama naman. But she's acting so weird! Hindi niya alam kung bagong gising ba ito o ano.

She just tapped the end call button nang hindi man lang nagpapaalam. Ang gulong kausap ni Jewel. Pakiramdam niya tuloy inuuto na lang siya nito.

Jewel is her only close friend. Nakilala niya ito sa isang orchestra concert na dinaluhan niya noon. Mabilis silang nagkasundo marahil dahil parehas silang artist. Isang part-time violin player kasi si Jewel. But the love for arts is the only thing they have in common. Pagdating sa ibang bagay, magkasalungat na sila. May pagka-introvert kasi siya. At si Jewel naman, masyadong outgoing. May mga ugali rin ito na hindi niya gaanong gusto. Tulad ng pagiging balimbing at walang isang salita. She really can't believe na pinamigay nito ang number niya at kinokombinse pa siyang i-entertain ang isang lalaking nakilala niya lang sa club.

Binalik niya na ngayon sa pagkakapatong ang cellphone niya sa mesa. Pero ilang sandali lang ay nag-ring na naman ito. Akala niya nagca-call back si Jewel kaya sinilip niya, but no. It's Arkhe again.

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon