Chapter 07

67.7K 1.8K 82
                                    

AUTHOR'S NOTE: This chapter hasn't been edited yet and is written in the third-person POV

**

ISABELA

Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang makipag-kasundo si Isabela sa certified playboy na si Arkhe.

Wala naman siyang pinagsisihihan sa ginawa niya. Actually, parang hindi niya nga gaanong sineryoso ang naging deal nila na iyon. Kilala niya kasi ang sarili niya. Alam niyang hindi siya basta-basta mahuhulog sa isang kagaya ni Arkhe Alvarez.

Pero aminado siyang nag-eenjoy siya sa mga nangyayari kahit papaano. Maraming beses na rin silang nagde-date ni Arkhe mula noong dinala niya ito sa mansion nila. Panay ang kain nila sa labas at pagpunta sa iba't ibang lugar. May isang beses pa nga na sinama siya nito sa isang gig nito sa La Union. Na-impress siya nang muli na naman itong mapanood na mag-DJ. He's cool. Pakiramdam niya mas lalo niya pa itong nakikilala dahil mas nae-exposed na siya sa mundo nito.

She admits she's really having a great time. Masarap kasing kasama si Arkhe dahil palabiro ito at masiyahin. Para bang hindi ito nauubusan ng kwento sa katawan. Somehow, naiibsan ang pagkainip niya sa mansion. Ni hindi niya na nga namalayang hindi pa ulit siya nakakapasok sa art room niya para mag-pinta. Masyadong nauubos ang oras niya kay Arkhe.

Alam niya sa sarili niyang wala naman talagang patutunguhan ang ginagawa nilang dalawa dahil engaged na siya kay Morris. Naisip niya na lang na enjoy-in na lang talaga ang company ni Arkhe at sulitin ang natitirang taon niya bilang dalaga.

Ngayong araw nga ay may lakad na naman sila ni Arkhe. Inimbitahan kasi silang dalawa ni Jewel para manood ng isang ballet performance kung saan tutugtog nang live ang orchestra group nito. It's already 4PM at mamayang ala-syete ng gabi mag-uumpisa ang show.

In a few minutes naman ay susunduin na rin siya ni Arkhe sa mansion kaya abala na siya sa pag-aayos ngayon ng sarili.

She's currently fixing her big-curled hair nang bigla siyang makatanggap ng video call. It's from her sister, Amanda.

Mabuti naman at nagkatugma na ang oras nila. Ilang beses na kasi siyang tinatawagan ng kapatid niya pero hindi niya masagot-sagot dahil nga kasama niya si Arkhe.

Mabilis na niyang inabot ang cellphone niya at sinagot ang tawag. "Hey."

Ang lapad ng ngiti ni Amanda sa kabilang linya pero agad din iyong nawala nang mapansing ayos na ayos siya. "Are you going somewhere?"

Umiwas siya ng tingin. "Uh, yes. Manonood ng show."

"Again? The last time I tried to call you, parang 'yan din ang iniwan mong message sa 'kin. Really, what's keeping you busy these past few days?"

"Wala naman." Tipid siyang ngumiti. "Sunod-sunod lang talaga ang mga pinupuntahan ko ngayon." Sumandal siya sa kinauupuang vanity chair sa loob ng kanyang silid. "Why are you calling? May problema ba?"

Pansin niyang napabuntong hininga ito. "I had a meeting with the Reverentes last week."

"And?"

"They want you and Morris' wedding to happen in three months."

Kumunot agad ang noo niya. "I thought late next year pa?"

"Yeah, pero wala na rin naman daw kasing ibang dahilan para patagalin pa. Gusto na nilang magkaro'n ng full responsibility sa lahat ng mga properties natin. At gusto ka na rin kasing pakasalan agad ni Morris."

"And you immediately said yes?"

"Why not? I mean, mas magiging madali na para sa 'tin kung magkakaroon na tayo ng katulong sa pagpapatakbo sa mga kompanya. My husband and I can no longer manage everything, Isabela. Tsaka para may makasama ka na rin at may mag-alaga na sa 'yo. You know I'm worried na mag-isa ka lang diyan sa Pilipinas."

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon