Chapter 37

58.6K 1.8K 150
                                    

ISABELA

HINDI NA AKO natigil sa pag-iyak mula nang iwanan ako ni Arkhe dito sa kwarto ng ospital.

Pakiramdam ko galing ako sa isang matinding bangungot. Alam na niya! At hindi man lang ako nakapag-paliwanag nang maayos dahil sa kalagayan ko ngayon.

Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina para pakalmahin, pero hindi ko magawa. Ang bigat sa dibdib na makita siyang gano'n.

I knew it, he'd really get hurt and mad. Sino ba naman kasing hindi masasaktan sa ginawa ko. Naglihim ako nang matagal sa kanya. Naiparamdam ko na hindi ko siya kailangan sa laban ko.

Pero wala naman akong intensyon na gano'n. Hindi ko ginustong iparamdam sa kanya na ayaw ko siyang kakampi. Sasabihin ko na nga talaga dapat sa kanya ang totoo e.

I planned it all yesterday and had him meet me at a park so I could confess everything. But I didn't expect this would happen to me. What's even worse, sa iba niya pa narinig ang tungkol sa sakit ko.

Pinahid ko ngayon ang mga luha ko at pumikit na lang para magpigil. I feel like breaking down, everything's just too much right now. Halo-halo na ang sakit na nararamdaman ko, sumasabay pa 'tong ulo ko.

Ilang saglit lang naman ay narinig kong bumukas ang pinto. Akala ko bumalik na si Arkhe, pero si Amanda pala ang pumasok.

Pinilit ko agad na ibangon ang katawan ko mula sa kama. "Where's Arkhe?"

"He's just outside. Don't worry." Lumapit siya sa 'kin at inalalayan ako para bumalik naman sa pagkakahiga.

I shut my eyes tight again. "I thought he already left me. Galit siya sa 'kin."

"Hindi siya galit. Nabigla lang siya sa mga nalaman niya."

"Kitang-kita ko kung paano siya nanghina kanina sa pag-amin ko. Bakit ko raw nilihim. Alam kong may parte sa kanya na galit siya." Tinakpan ko ang mga mata ko kasi napaiyak na 'ko ulit, hindi ko na naman mapigilan. "Amanda, sasabihin ko naman na talaga dapat sa kanya lahat e. Hindi ko lang inaasahan na mababaril ako."

"I know. Don't cry." Pinunasan niya ang mga pisngi ko. "May mali rin naman ako. Masyado akong nadala, hindi ko naisip na nandito lang din siya at pwede niyang marinig ang pinag-uusapan namin ni Lukas. Kahapon pa lang, hindi na siya matahimik. Kulang na lang magalit na siya sa 'kin dahil ayokong aminin ang totoo."

Tiningnan ko siya. "Umiiyak pa rin ba siya sa labas?"

Tumango siya. "Naabutan ko siyang umiiyak. I'm sorry pero sinabi ko na lang din sa kanya ang iba niya pang kailangang malaman para malinawan na siya at matahimik."

"W-what do you mean? Pati 'yong ginawa ko para lang makabalik dito sa Pilipinas?"

"Yes. He needs to know already." Bumuntong-hininga siya. "Naaawa na ako sa kanya, sa itsura niya kanina. Masyado na siyang mahihirapan kung hindi pa niya malalaman lahat-lahat."

"What did he say?"

"He was devastated. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit 'to nangyari sa 'yo. Dapat daw pala sinundan ka na lang niya dati sa Amerika."

Pumikit ako at muling napaiyak. "Wala naman siyang kasalanan e. Ako ang may kasalanan. Masyado ko talaga siyang nasaktan dahil sa paglilihim na ginawa ko."

Bigla niya naman akong niyakap. "Shh...stop crying. He'll be fine. He just needs time to process everything, but he'll be fine."

"Paano kung iwan niya na 'ko?"

"That's impossible. Mahal na mahal ka niya, ramdam ko 'yon kanina habang magkausap kami. Kaya sige na, tumahan ka na at h'wag mo na muna 'to masyadong isipin. Pinapagod mo lang ang sarili mo e. You haven't even recovered from your gun shot wound yet. I know you're still weak."

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon