Chapter 25

63.6K 2K 476
                                    

ARKHE

"UHM, HEY," BATI agad sa 'kin ni Isabela nang sagutin ko 'tong tawag niya sa cellphone ko. "I'm sorry, but where are you now?"

"Malapit na diyan. Pasensya na, na-traffic ako."

"Oh, okay! I'm just worried, akala ko hindi ka na darating. I'll wait for you here. Ingat ka sa pagda-drive."

"Sige." Binaba ko na 'tong tawag at dumiretso lang sa pagmamaneho.

Naka-pangako ako sa kanya na magkikita kami ngayon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama na 'tong ginagawa ko o may patutunguhan ba 'to. Pero gusto kong subukan. Ang laki ng mga bagay na napagtanto ko nitong mga nakaraang araw.

Unang-una, ang labo nung sa amin ni Koko. Sinabihan ko siya na kung ayaw niya talaga, h'wag na lang siyang magparamdam ulit sa 'kin para alam ko rin kung titigil na ako.

Tapos ayon nga, pagkauwi ko galing sa kanila no'ng gabing uminom kami, hindi na nga siya nagparamdam. Kaya tinanggap ko na siguro, ayaw niya talaga sa 'kin at hindi talaga kami pwede. Hindi na ako nagpumilit.

Pangalawa, sobrang laki ng pagkukulang ko kay Isabela. Ito talaga 'yong hindi nagpapa-tahimik sa 'kin ngayon. Kaya ginu-gusto ko ring makipagkita sa kanya.

Nagsimula lahat 'tong pakiramdam na 'to nong binuksan ko na 'yong envelope na binigay ni Baron.

Nasa loob pala no'n 'yong listahan ng ilan sa mga taong pinapatay nila Morris. Halos lahat ng importanteng impormasyon tungkol sa baho ng mga Reverente, nahagilap ni Medel. Ang hirap paniwalaan pero totoo pala talagang kayang magpapatay ng taong 'yon. Ibig sabihin, posibleng totoo rin yong paliwanag sa 'kin ni Isabela.

Tangina mas lalo akong nanliit nong naisip kong ako pala 'tong may mas malaking kasalanan. Bigla akong naliwanagan, e. Parang nabuksan 'yong isip ko. Hindi naman sa nawala na lahat ng sakit at galit na naramdaman ko, pero nabawasan.

Ang bigat ng sinakripisyo ni Isabela kung sakaling totoo ngang hiniwalayan niya lang ako para hindi ako mapahamak. Sobrang tapang niya na ginawa niya 'yon. Gano'n niya ako ka-mahal.

Tsk, bakit ba kasi masyado akong nagpalamon sa sama ng loob. Pinersonal ko lahat imbis na alamin ko muna kung ano ba talaga ang totoo. Galit na galit pa ako, samantalang siya naman pala 'yong dapat magalit dahil masyado akong naging matigas.

Ngayon, ewan ko kung paano ako makakabawi. Aminado kasi akong medyo may takot pa rin akong ibigay ulit ang buong ako sa kanya. Hindi na ako katulad ng dati, ang dami ng nagbago sa 'kin. Pero gusto ko uling subukang sumugal. Uunti-untian ko muna, hindi ko bibiglain lahat. Basta susubukan ko.

ILANG SAGLIT PA, nakarating na rin ako rito sa tapat ng bahay nila Isabela.

Tinext ko na siya tapos inayos ko 'tong buhok ko saglit, tsaka ako bumaba ng kotse. Dito ko na siya sa labas hihintayin.

Mayamaya lang naman bumukas na rin 'tong malaking gate nila. Nakita ko na siya na naglalakad palabas, may kasamang isang lalaking. Natatandaan ko, ito rin 'yong kasama niya ro'n sa birthday ng anak ni Jewel.

"Hi!" Bati niya agad sa 'kin.

Ngumiti lang ako nang tipid.

"I'm sorry, ang tagal ko ba?"

"Hindi, sakto lang."

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon