Chapter 13

77.3K 1.8K 155
                                    

ISABELA

My legs still feel weak. Hindi pa nga ako bumabangon kahit na kanina pa 'ko gising. Naka-tagilid lang ako ng higa rito sa kama habang nakayakap naman si Arkhe sa 'kin mula sa likuran ko. He's still asleep.

Parang nagrereplay sa utak ko lahat ng mga ginawa namin. I still can't believe we've already become one. Wala akong pinagsisisihan sa nangyari. Masaya ako, pero hindi ko rin maiwasang hindi malungkot. Hindi ko kasi alam kung ano na'ng mangyayari sa 'min pagkatapos nito.

Reality check, I'm still engaged at nakatakda pa rin akong ikasal sa ibang lalaki. Ang sakit isipin na in the end, magkakahiwalay at magkakahiwalay rin naman kaming dalawa ni Ark.

Umikot ako paharap sa kanya ngayon. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog siya nang mahimbing.

After making love with him, mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang hindi ko na kaya na tatlong buwan lang kaming magiging ganito. I love him too much now.

Bigla na lang tuloy akong naluha. Masyado akong nagiging emotional dahil sa mga fears and worries na tumatakbo sa isip ko kanina pa. Pinahid ko na lang agad ang mga pisngi ko para hindi masyadong mapansin ni Ark.

Pinagmasdan ko ulit siya pagkatapos. Then I gently traced the outline of his lips using my finger. Hindi naman siya nagigising. Kumukunot-kunot lang 'yung noo niya. Tulog na tulog talaga siya.

Binalutan ko ng kumot ang katawan ko at bahagyang pumatong sa ibabaw niya. I rested my chin on his chest and looked up at him.

"Arkhe..." I called in my bedroom voice. "...Ark."

"Hmm..."

"Wake up."

Unti-unti siyang dumilat at sumilip sa 'kin.

Ngumiti ako nang mapait sa kanya.

Ngumiti rin naman siya pero agad ding nawala 'yon no'ng makita niya na nang maayos ang itsura ko. Parang biglang nawala ang antok niya. Napabangon siya sabay haplos sa pisngi ko. "Umiiyak ka ba? Bakit?"

"Nothing." Tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Sab." Pilit niya 'kong sinisilip. "Bakit, anong nangyari?"

"Wala."

"Pwede ba namang wala, e bigla kang umiiyak. Tumingin ka nga sa 'kin." Inangat na niya ang mukha ko. "Kausapin mo 'ko nang maayos."

Tiningnan ko na rin naman siya. Kaso parang mas lalo lang akong naiiyak. I kept wiping my cheeks.

"Ano'ng nangyari?"

Umiling-iling ako. "Nothing. I just miss you."

"Miss? Magkasama naman tayo ah?"

"Ewan ko. Basta parang namimiss lang kita."

"Tsk, hindi ako naniniwala. Alam kong may ibang dahilan. Ano ba 'yon?" Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mga pisngi ko para mas makita ako nang maayos. "Ayaw mo ba nung ginawa natin? Galit ka?"

"No, hindi 'yon."

"E ano?"

I bit my lower lip. "Natatakot lang ako."

"Saan?"

"Kapag nawala ka na sa 'kin."

Natigilan siya.

Kitang-kita ko 'yung mga balikat niya na bumagsak, at hindi siya nakasagot.

Niyakap ko na lang siya ulit at humiga sa dibdib niya. "I love you, Arkhe, I don't want to lose you." Tumuloy-tuloy na ang pagluha ko.

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon