Chapter 08

64K 1.8K 109
                                    

AUTHOR'S NOTE: This chapter hasn't been edited yet and is written in the third-person POV

**

ISABELA

"Ladies and gents, let's all welcome the artist behind these masterpieces, Ms. Isabela Rose Santiaguel."

Sa anunsyong iyon lamang nabalik sa huwisyo si Isabela.

Agad siyang lumingon sa nagsalita sa unahan at gulat na gulat nang makitang si Jewel ang naroon. Sabi na nga ba, e! May kutob siyang may kinalaman din talaga ito sa nangyaring surprise exhibit.

Pupuntahan niya na sana ito pero hindi niya nagawa dahil halos lahat ng mga bisita sa loob ay nag-umpisa nang lumapit sa kanya. She was so overwhelmed! Lahat sila ay pinupuri ang husay niya at ang ganda ng kanyang mga paintings. Hindi niya alam kung papaano magre-react. Wala nga siyang ibang masabi kung 'di 'thank you' lang.

Hindi siya sanay na ganoong karaming tao ang pumupuri sa kanya. Ang iba sa kanila ay sunod-sunod siyang tinatanong kung ano'ng inspirasyon niya sa pagpipinta, kung gaano katagal na niyang ginagawa 'yon at kung bakit ngayon lamang siya lumabas. May iba namang nagtatanong kung tumatanggap ba siya ng commissions.

There are also some photographers in the venue na kinukuhanan siya ng mga litrato. For the first time, naramdaman niyang para siyang isang sikat na artist.

No'ng unti-unti nang umalis ang mga nakapaligid sa kanya para muling lumibot sa exhibit ay nakahinga na rin siya nang maluwag. Nakakapagod din palang ngumiti nang matagal. She's not good with people pero natutuwa siya na may mga nakikihalubilo sa kanya ng gano'n.

Ilang sandali pa ay napansin niya naman si Jewel na palapit sa kanya. Ang ganda nito sa suot nitong long blush-colored dress.

Agad niya na itong sinalubong. "Jewel!"

Mabilis naman siyang niyakap ng kaibigan. "Grabe, I'm so proud!" Kitang-kita sa reaksyon ni Jewel ang saya nito. Halata ngang proud talaga ito sa mga gawa niya. "Hindi ko alam na ganito ka pala kagaling," dagdag pa nito. "Ba't 'di mo nilalabas 'tong mga paintings?"

Nakaramdam na naman tuloy siya ng hiya. She's so flattered na pakiramdam niya ay namumula na naman ang mga pisngi niya.

"Sino'ng may pakana nito?" Tanong niya na lang sa kaibigan.

"Anong sinong may pakana?"

"This exhibit. Sino'ng nag-plano?"

Natawa ito. "H'wag ka na ngang umarte diyan. I'm sure kilala mo kung sino'ng mastermind nito."

Hindi siya nakasagot. Sa totoo lang, may idea naman na talaga siya kung sino. Pero parang ayaw niya lang pangunahan kasi baka mali naman siya.

"Kilala mo na?" tanong ni Jewel.

She bit her lower lip. "Si Arkhe?"

"Siya nga!" May pag-yugyog pa talaga ito sa braso niya. "My God, ang swerte mo! Sa tagal kong kakilala si Arkhe, ngayon ko lang siya nakitang nag-effort nang ganito pag dating sa babae. Patay na patay talaga sa 'yo 'yung balasubas na 'yon, eh."

Diyos ko, she doesn't know what to say. Hindi siya makapaniwala kahit na may kutob naman na siya. That guy, gagawin talaga nito lahat, e.

Pinahid niya ang noo niya sabay balik ng tingin kay Jewel. "Pa'no ka niya kinausap tungkol dito?"

"Ayun, kinwento niya sa 'kin na nakita niya ang mga paintings mo at hindi siya matatahimik hangga't hindi niya naipapaalam sa buong mundo kung ga'no ka kagaling. Nagpatulong siya sa 'kin na maghanap ng venue at asikasuhin ang lahat ng mga kakailanganin dito. Tapos alam mo ba, kinausap niya rin ang ilan sa mga bodyguards mo para makuha 'yung iba mong mga paintings sa bahay at madala rito."

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon