Chapter 20

62.7K 2.1K 621
                                    

ISABELA

"Is he there already?" Tanong ko kay Lukas na nagaabang sa labas ng kotse.

Umiling lang naman ulit siya sa 'kin.

Tsk, binalik ko ang pagkakasandal ko rito sa upuan sa loob ng sasakyan. Mukhang hindi na talaga darating si Arkhe. It only means wala na talaga siyang pakialam kung mapahamak ako. Hindi katulad dati na isang tawag ko lang, nandiyan na siya. Binabaan niya pa nga ako ng telepono kanina e.

I tried calling him again pero hindi na siya sumasagot. Ang tagal na naming naghihintay ni Lukas dito sa tapat ng bahay niya. Ito siguro ang napapala kapag nagsisinungaling.

Hindi totoong mag-isa ako at may sumusunod sa 'kin na hindi ko kilala. Gawa-gawa ko lang 'yon para makita ulit si Arkhe. Alam ko kasing hindi naman siya basta-basta papayag na makipagkita sa 'kin.

I'm so desperate right now. Simula no'ng gabing nakita ko siya na hinalikan si Nikola, hindi na ako natahimik. Dinagdagan pa ng kapatid ko — kinwento ko kasi kay Amanda ang nangyari, at imbis na palakasin niya ang loob ko, sinabihan niya na naman ako na h'wag nang ipagpilitan ang sarili ko at bumalik na lang sa New York para ituloy na ang pagpapagamot. Ayoko.

I don't want to quit this early. Oo, sobrang nasaktan ako no'ng makita ko si Ark na may hinahalikan na ibang babae, pero hindi naman pwedeng umiyak at magmukmok lang ako ng isang buong linggo. I have to do something. At ito na nga — umarte na lang ako na napapahamak para lang puntahan niya ako at makapag-paliwanag na ako. Kaso, mukhang palpak naman ang plano ko. Hindi siya dumating.

I rested my head here on the car chair's back and closed my eyes. Naiiyak na naman ako. Ngayon tuloy kailangan ko na namang mag-isip ng ibang paraan para makausap si Ark.

"Miss Isabela," bigla namang tawag ni Lukas sa bintana nitong kotse. "I think he's here."

Ang bilis kong nabuhayan ng dugo! Sumilip agad ako sa likod. Meron ngang sasakyan na paparating!

Inayos ko na ang loosely braid kong buhok pati na ang suot kong blouse at long skirt, at bumaba na ng sasakyan. Sakto naman na huminto na rin 'yong kotse malapit dito sa pinagpaparadahan namin. Lumabas mula roon si Arkhe.

Hindi ko napigilang hindi mapangiti nang malapad at salubungin siya. "Dumating ka! Akala ko wala ka na talagang pakialam kung mapahamak ako."

But he looks pissed again. Mukhang na-realize niya na agad na gumawa lang ako ng kwento kasi obvious naman na maayos ang lagay ko at may kasama pa akong bodyguard ngayon.

He slam shut his car door and stared at me with his jaw clenched. "Ano na naman ba 'to, Isabela?"

Napayuko ako. "S-sorry. Gusto lang naman kitang makita ulit at makausap."

"Ang galing mo talagang manloko e, 'no? Alam mo ba kung sino 'yong kinailangan kong iwan para lang mapuntahan ka, ha?"

Hindi ako sumagot. Biglang kumirot ang dibdib ko kasi parang kilala ko na kung sino 'yong tinutukoy niya.

"Tapos ngayon hindi ka magsasalita? Talagang gustong-gusto mong ginag*go ako."

"Arkhe, hindi. Don't talk like that, I just wanted to see you and explain."

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong higitin sa braso ko! Hinila niya ako at dinala papasok sa gate ng bahay niya. Pipigilan nga dapat siya ni Lukas pero sinenyasan ko na lang ito na pabayaan na muna kami.

Inis akong pinaupo ni Arkhe rito sa wooden bench malapit sa pinto at tumapat siya sa 'kin. "May sasabihin ka? Magpapaliwanag ka? Sige, magpaliwanag ka na. Pero pagkatapos niyan, h'wag ka na uling magpapakita sa 'kin."

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon