Chapter 31

56.7K 1.6K 205
                                    

ISABELA

KINABUKASAN, ANG LUNGKOT ko kasi hindi natuloy ang plano namin ni Arkhe na magpunta sa beach.

Inatake na naman kasi ako ng sakit ng ulo kanina pagkagising. What's worse, hindi ko pala nadala ang gamot ko. Akala ko nailagay ko sa bag ko, pero wala.

I texted Lukas to check if I left the meds in my room, at ayun nga, naiwanan ko nga roon. Hindi ko yata namalayan dahil sa kakaisip ko sa pagpapakilala sa 'kin ni Arkhe sa pamilya niya.

Ang sama tuloy ng pakiramdam ko kaninang umaga at ang lungkot ko pa dahil nga nasira ang plano namin.

Nanghingi naman na ako kay Ark ng ibang gamot sa sakit ng ulo kahit na kinakabahan ako na baka makahalata siya. Hindi ko na kasi talaga kaya, pumipintig sa sakit. Pinainom niya 'ko ng gamot pero nagtaka na siya kasi nung nasa Clark daw kami, nahilo naman daw ako roon. Bigla siyang napaisip kung ano na raw ang nangyayari sa 'kin. Syempre nilusutan ko na lang siya ulit.

Pinagpahinga niya rin ako kanina sa kwarto niya bago kami bumyahe. Pero saglit lang. Noong medyo umayos na ang pakiramdam ko, sinabihan ko na agad siya na umuwi na kami. Kinakabahan kasi ako baka kung ano pang mangyari sa 'kin kapag nagtagal pa ako sa kanila. Kabadong-kabado na nga ako kanina nung inatake ako at wala 'yung gamot ko, eh. Mas kumportable ako sa bahay namin dahil nandoon lahat ng kailangan ko.

Si Lukas, nag-aalala na rin sa 'kin. Parang nagi-guilty siya kasi hindi rin daw niya na-double check kung dala ko ba ang gamot ko. Though I told him it's fine and he has nothing to worry about now. Pauwi na rin naman na kami ni Arkhe at makakapag-pahinga na rin ako. Besides, nawala na ang sakit ng ulo ko dahil ilang beses din akong naka-idlip sa byahe.

Ngayon naka-park muna kami saglit sa nadaanan naming gasoline station. Nauuhaw na kasi ako, bumili kami rito sa convenience store.

"Sab," tawag na ni Ark pagkabalik sa 'kin. Nagulat pa ako nang bigla niyang iangat 'tong neckline ng suot kong dress habang nakaupo ako rito.

"Ayusin mo damit mo," sabi niya. "Baka makitaan ka."

"Oh, sorry." Inayos ko rin kaagad. Ang baba kasi ng neckline nitong damit.

"Wag mo nang susuotin 'yan sa susunod," dagdag niya pa tapos binigay na sa 'kin ang pinabili kong tubig.

Natuwa naman ako kasi binuksan niya na agad 'tong bote. "Thank you."

"Kumusta na pakiramdam mo?"

"Better now."

"Kaya mo na?"

Tumango ako at ngumiti. "Kaya na. Nawala na ang sakit ng ulo ko." Sabay inom ko rito sa tubig.

Ngumiti lang din siya at umupo na sa tabi ko. Binuksan niya 'yung bote ng binili niyang Mountain Dew. "Sorry, napuyat ka kagabi sa party kaya yata sumakit ang ulo mo pagkagising."

"Hindi, ah. Hindi naman ako sobrang napuyat, eh. Baka nagkataon lang na sinaktan ako ng ulo."

"Kanina ko pa nga iniisip kung bakit ka talaga nagka-ganyan. Hindi ka naman kasi nabigla ng gising." Bumuntong-hininga siya. "'Di bale, konti na lang, makakauwi na rin tayo sa inyo. Wag ka nang mag-alala."

"Wag ka na ring mag-alala kasi umayos naman na ang pakiramdam ko. Kaya ko na." Nangalumbaba ako rito sa pahabang mesa pagkatapos. "Ark, I'm still sad."

"Bakit? Dahil pa rin do'n sa hindi tayo natuloy mag-swimming sa beach?"

Tumango ako. "It's my fault, nasira ang plano natin."

"Tsk, sinabi ko na kaninang h'wag mo na masyasong isipin 'yan. Babalik na lang ulit tayo sa Nasugbu sa susunod. Madadala rin kita sa Jupiter." Nginitian niya ako at kinurot ang pisngi ko. "Wag ka nang malungkot."

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon