EPILOGUE

105K 2.2K 638
                                    

ARKHE

New York City

"'TOL, TULOY BA flight mo ngayon pauwing Pinas?"

"Oo, tuloy," sagot ko agad dito kay Theo na ka-video call ko. "Nandito na 'ko sa airport. Naghihintay na lang."

"Ah, sige. Akala ko hindi ka tuloy, tangina hindi ka nagpaparamdam e. Tinatanong ka na sa 'kin nila ermat. Pati si Baron hinahanap ka na sa 'kin. Ang tagal mo na raw kasi diyan."

"Pasensiya na. Hindi na 'ko nakapagsabi. Pero pauwi na 'ko ngayon."

"Sige. Sasabihan ko sila. Kamusta ka pala diyan? Parang sobrang nangayayat ka, ah?"

"Kulang sa pahinga," dahilan ko lang sabay suklay sa humaba ko ng buhok. "Masusundo mo pa ba 'ko diyan sa Maynila?"

"Oo. Ako na susundo sa inyo sa airport. Marami ba kayong dala ni Sab?"

Napangiti ako nang mapait. Ang tagal pa bago ko siya nasagot. "Hindi ko na siya kasama. Mag-isa na lang akong uuwi diyan."

Natigilan siya. "B-bakit? Anong nangyari?"

Umiwas ako ng tingin. "Diyan ko na lang iki-kwento."

"Ayos ka lang?"

Umiling ako. "Hindi." Bumuntong-hininga ako. "Sige na. Ime-message na lang kita mamaya 'pag boarding na 'ko."

"S-sige, 'tol." Pansin ko na rin ang panghihina pati lungkot sa mukha niya. "Hintayin ko na lang chat mo. Ingat sa byahe."

Tumango lang ako, tapos binaba na 'tong video call.

Inaasahan ko nang gano'n talaga ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Maraming buwan akong nagtagal dito sa New York pero hindi ko man lang nagawang ipaalam sa kanila na mag-isa na lang akong babalik ng Pinas. Kahit ako kasi, hindi ko pa rin matanggap.

Tiningnan ko rito sa cellphone ko 'yong litrato naming dalawa ni Sab bago 'yong schedule niya ng operasyon. Masaya pa kami dito.

'You're not going to lose me.'

'Yon 'yong huling sinabi niya sa 'kin. Nag-pinky swear pa kami sa isa't isa.

Nakakapanglumo lang na hindi 'yon nagkatotoo. Hindi siya literal na nawala, pero parang gano'n na rin ang nangyari.

Hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa rin ang isa sa pinakamasakit na araw na naranasan ko sa buong pananatili ko rito.

***FLASHBACK***

"Oh, where have you been?" tanong sa 'kin ni Amanda nang makabalik na 'ko rito sa bahay nila sa New York. "I've been looking for you."

"Sorry. Binilhan ko lang ng cake si Sab." Pinakita ko 'tong maliit na kahon.

"'Di ba masama pa ang pakiramdam mo? Hindi ka na dapat lumabas."

"Ayos lang, kaya ko naman."

Ngumiti siya. "Hindi ka ba naligaw ulit pabalik dito?"

"Hindi na. Medyo pamilyar na 'ko sa mga daan. Gising ba si Sab?"

"Oo, kagigising lang. Akyatin mo na. Subukan mo kung makikipag-usap."

Tumango ako, tapos tumuloy na agad ng akyat sa kwarto ni Sab sa itaas. Hindi ko na hinubad 'tong suot kong jacket. Nilalamig pa rin kasi ako dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Ilang linggo na rin mula no'ng inoperahan si Isabela at nai-uwi namin dito sa bahay nila sa New York. Medyo nangangapa pa rin nga ako sa lugar nila. Ibang-iba sa Pilipinas.

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon