Chapter 17

57.3K 1.8K 467
                                    

Author's Note: Hello, loves. Just a gentle reminder — please make sure na nabasa niyo muna ang Behind the Tattoos and To Live for Love bago itong EIW since sobrang connected sila. Ayokong malito kayo. Thanks! :)

***

ARKHE

"Boss Arkhe, ang ganda ng ngiti natin diyan ah?"

Napangisi na lang ako sa banat sa 'kin nitong si Uno, 'yung isa sa mga bartender ko rito sa Third Base. Kanina pa pala ako tinitingnan ng ungas.

"Ano ba 'yang tinititigan mo sa laptop mo?" dagdag niya pa. "Babae ba 'yan?"

"Oo, chiks. Bakit?"

"Kaya pala ang lapad ng ngiti mo. Akin na lang 'yan, boss. Wala akong babae ngayon e."

"G*go!" Tinaasan ko siya ng gitnang daliri. "Hindi pwedeng hingin, akin 'to."

"Tsk, sayang. Sige, kapag may extra ka na lang." Patawa-tawa pa siya habang palabas na rito sa opisina ko sa likod bitbit 'yung mga niligpit niya.

Parang gag0 talaga ang p*ta. Natawa na lang din ako sabay balik ng atensyon dito sa tinitingnan ko sa laptop.

Picture kasi ni Koko 'tong nandito.

Nililipat ko galing sa cellphone ko 'yung mga kuha ko sa kanya no'ng pumasyal kami sa Enchanted Kingdom. Hindi ko pa naman girlfriend 'tong babaeng 'to, pero sabihin na nating malapit na rin do'n. Tinamaan na 'ko e.

Matalik siyang kaibigan ni Desa. Si Desa nga pala 'yung girlfriend ni Baron ngayon. Sinwerte ang hayop, nakahanap ng true love. Matagal-tagal na rin sila. Hanga nga ako sa tatag ng relasyon ng dalawang 'yon, ibang klase.

No'ng una, hindi ko naman talaga masyadong trip 'yong bestfriend ni Desa na si Koko. Nikola nga pala ang totoo niyang pangalan. Nagandahan lang ako no'ng pinakilala sa 'kin ni Desa sa coffee shop. Barista kasi 'yon. Hiningi ko agad 'yung number, pero sa isip-isip ko no'n, chill lang ako. Tamang landi lang.

Kaso habang tumatagal na nakikilala ko siya pati nakakasama ko siya, parang nag-iiba na pakiramdam ko. Sobrang cute niya rin kasi tsaka parating nagpapatawa. Ang saya niyang kasama sa totoo lang. Gano'n na ulit 'yung gusto ko, 'yung walang problema. 'Yung kaya akong pasayahin tsaka 'yung alam kong makakasundo ko sa lahat ng bagay.

Tapos nito lang nga, niyaya kami ni Desa at Baron na pumunta sa E.K. Parang double date daw. Ang saya ko no'n. Doon ko naisip na t*ngina, parang nahuhulog na 'ko, ah. Ang daling mahalin ni Koko.

Sumandal ako rito sa inuupuan ko ngayon sabay tingala sa kisame.

Ilang araw ko na rin 'tong pinag-iisipan. Parang hindi kasi ako makapaniwalang nakakaramdam na naman ako ng ganito.

Apat na taon na mula no'ng gaguhin at iwanan ako ni Isabela. Simula no'n, hindi na ulit ako pumasok sa matinong relasyon. Puro landi na lang ulit ang pinaggagawa ko sa buhay. Pero ngayon dito kay Koko, pakiramdam ko kaya ko na uling mag-seryoso. Gusto ko siyang alagaan.

Mukha rin namang hindi ako mahihirapan na maging kami. Nabanggit kasi sa 'kin ni Baron na type din daw ako ni Nikola. Ang daldal ng hayop na 'yon. Alam ko dapat yata sikreto lang ni Desa at Koko ang tungkol do'n pero sinabi niya pa rin sa 'kin. Natatawa na lang ako 'pag naaalala ko. Akalain mo 'yon, marunong pa rin pala akong kiligin?

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon