s i x | Vacant Expression

426 36 49
                                    

ANG LAST DAY ng Spyware at Anti-virus convention ng Google na pinupuntahan ni Ansel ng mga nakaraang araw ang kinailangan niyang ikansela para kay Caz. Maaga siyang lumalabas para sa convention dahil mga dalawang oras ang layo niyon mula sa Villa, ngunit ngayon naroroon siya boredly scrolling through his social media feed.

Kanina pa kasi nasa CR ang dalaga at kung hindi lang siya sanay kay Greta ay baka iniwan na niya ito. Speaking of that twin sister of his, kinuha naman nito in exchange ang plano niyang kuning trip sa Palawan. Ngayon nga ang flight nito at ng nobyo nito. Okay lang sa kanya iyon dahil ilang beses naman na siyang pumunta sa Palawan.

He sighs.

It's not like he didn't want to be there. The Villa was promising. Hindi niya pa naman naikot iyon ngunit kinabisado niya ang guidebook at alam niyang maganda ang makikita niya. May mga aktibidades din siyang gustong subukan basta lumabas lang ang dalaga sa CR nila.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa dalaga. Malaki na rin kasi ang ipinagbago nito. Noon, ni hindi siya nito matignan ng hindi namumula ang kanyang mukha. Hindi rin niya ito makausap dahil hindi niya alam kung ano man ang maari niyang masabi rito. Kahit naman hindi niya subukan ay para itong robot na biglang binuhusan ng tubig makaisang kataga lang siya.

Surprisingly, she's more confident now. Hindi na ito hesitant na tignan siya at kausapin siya. Inaaway pa nga siya nito.

Kung magiging totoo siya sa sarili, mas gusto niya ang bersyon na ito ng dalaga kaysa sa kung sino ito noon. He liked the fact that she was being confident and that she can talk to him without the barrier of being her crush.

Napailing na lang siya. Napagusapan naman na nila kahapon, hindi na niya kailangan pang isipin pa.

Sakto namang lumabas na ng CR ang dalaga. Naka-shorts ito at may suot na simpleng flowery white shirt, which was an interesting and still surprising sight to him. Never niya pa itong nakitang mag-suot ng damit na hindi lampas ankles nito.

Tumayo na siya. "Kanina ko pa iniisip na mag-barge in at ang tagal tagal mo sa loob."

Mukhang nag-effort ito kahit hindi nito gustong ipahalata. Nadagdagan kasi ng glow ang mukha nito kung ikukumpara niya ito sa oras na nakita niya ito ng mga nakaraang araw. Well, technically, hapon na niya ito nakikita, malamang hindi na fresh ang makeup nito. Mukhang hindi naman ito nag-e-efort na mag-retouch, hindi katulad ng kakambal niya na kada tatlong oras ay nag-re-retouch ng makeup nito.

Napasimangot ito. "Well, excuse me."

Binigyan niya lang ito ng tipid na ngiti. "Anong plano natin ngayong araw?"

Malawak ang ngiting nilampasan siya nito para kunin ang guidebook. Itinuro nito ang lahat ng activities na gusto nitong gawin ngayong araw. Isang beses niya lang tinignan ang mga iyon at pakiramdam niya mababagot na siya.

Sa halip na magkomento, ngumiti na lang siya. Siya naman ang nag-offer na samahan na ito. "Okay, looks exciting."

"Ows?"

Tinignan niya ito. Hindi ba siya convincing? "Of course not," nasabi na lang niya at mukhang hindi naman siya makakapagsinungaling dito. "Pero kung iyan talaga ang gusto mong gawin ngayon, alangan naman pigilan pa kita. Sasama lang naman ako."

"Alright, good one," tinapik nito ang balikat niya. "Tara na?"

GUSTO NANG BAWIIN ni Ansel ang sinabi niya rito. Bagot na bagot na kasi siya at kailangan na niya ng adrenaline rush. Kailangan niya lagi ng brain activity lalo na kung wala siya sa trabaho. Sanay siyang laging may brain activity. Kung wala, mamamatay siya sa boredom.

You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]Where stories live. Discover now