n i n e t e e n | Finding Ansel [ part two ]

303 21 100
                                    

SA TAPAT NG ISANG kwartong nagngangalang 'Owl's Room', dinala ni Agnes si Cass. Iyon lang ang nag-iisang kwarto sa pasilyong iyon. Kulay puti ang pinto at may insignia ng isang natutulog na owl. Sa doorknob naman ay may nakalagay na sign na 'Do not Disturb'. "Um..." Napaturo siya sa naturang sign. "Andyan siya sa loob?"

Nakangiting tumango naman si Agnes. "Diyan tumatambay lahat ng mga may matitinding deadline. Mahirap kasi mang-distract ng mga programmers at iba ang mga mood nila lalo na kapag ilang araw na silang hindi natutulog. Don't worry though, mag-isa lang siya diyan, walang mang-didistorbo sa inyo."

Ngunit dahil sa sinabi nito mas nag-alala naman siya. Dahil paano naman kung ayaw siyang papasukin ng binata? Paano kung wrong timing siya at bulyawan siya bigla nito?

Mukha namang napansin ni Agnes ang pag-aalala niya dahil marahang tinapik nito ang balikat niya. "Relax. Kinaya mo naman siya ng ilang araw, siguro kakayanin mo rin ngayon. Tsaka, kung may mangyari man, sumigaw ka na lang, may laging umiikot na security guard dito."

Mabilis naman siyang napailing sa sinabi nito. Kahit naman siguro puyat ang binata ay wala naman itong gagawing masama sa kanya. "W-Wala naman sigurong mangyayari... Ah, bago ako pumasok, saan ang malapit na vending machine?"

Itinuro naman ni Agnes ang vending machine na malapit lang naman pala sa Owl's Room, nasa kabila lang kasi iyon at halos magkatapat lang ng naturang kwarto. "Para hindi na sila maglakad pa sa malayo," anito at sinamahan siyang maglakad roon.

Kumuha naman siya nang maaring makain ni Ansel at ng paborito nitong kape, dinagdagan niya pa iyon ng ibang inumin para kung sakaling ginawa na pala ng binatang lifeline ang kape ay hindi pa siya ang maging rason para biglang mag-palpitate ito.

Nang matapos siya ay siya na mismo ang nagprisintang harapin ang binata nang mag-isa. Nakangiting g-in-ood luck naman siya nito bago siya hinayaang umalis. Agad siyang pumunta sa Owl's Room at bago pa mag-iba ang isip niya ay binuksan na niya ang pinto. Mabilis lang na bumukas iyon at walang nasa loob.

Ang naroroon lang ay isang laptop at isang monitor na naka-open at kasalukuyang nagpapakita ng mga screensaver. Kung hindi pa isang Regular Show wallpaper ang nakita niya ay hindi niya pa maiisip na si Ansel ang may-ari noon.

"Sabi nila andito ka, asaan ka na naman, Ansel?" Tanong niya sa silid, habang iginagaya ang paningin sa kabuuan nito. May isang kama roon at may maliit na bar kung saan may coffee machine. May kitchen sink rin at bagong hugas na mga baso. Mukha ngang nagbabad ang iniirog niya sa kape.

Naroroon rin ang maleta ng binata at nakabukas iyon. Sa tabi ng maleta ay naroroon ang mga regalo nitong kinuha nito sa kanya. Magkapatong patong na naka-display iyon sa lamesa kung saan may mga iba pang pinagbalatan ng mga pagkain na kinuha nito mula sa vending machine.

Lumapit siya sa C.R. at kinatok iyon. "Tumatae ka ba sa loob?" Tanong niya kahit alam niyang imposible iyon dahil kung totoo man ay dapat may naririnig siyang tubig o nahihirapang daing sa loob.

Napailing siya sa sarili at naupo na lang sa upuan nito. Inisip niya kung ano man ang plano niyang sabihin sa binata, ngunit parang hindi na niya maalala ang iba roon. Nakakatawa pa ngang nag-re-rehearse siya ng tatlong araw at nakailang draft pa siya sa kanyang journal. Pero ni isa roon wala siyang maalala. "Asaan ka na ba kasi, Ansel?"

And as if to answer her question, narinig niya ang pagbukas ng pinto at pumasok ang kanyang iniirog. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil nasa baba ang paningin nito. Mukhang kakadaan lang nito sa vending machine dahil may akay akay itong pagkain. Isa lang ang napansin niya at iyon ang mukhang kailangan na kailangan nga nito ng tulog.

Mas maitim na kasi ang eyebags nito kaysa sa dati. Medyo pale na rin ang complexion nito. At kahit mukhang nagpalit at naligo man ito ay mukhang hindi naman ito masyadong concerned kung maayos ang histura nito.

Mukha kasing gusot ang suot nitong polo at hindi pa iyon nakabutones ng maayos. Kung saan saang direksyon naman ang tinutungo ng kulot nitong buhok na usually nagpu-puff out lang sa harapan. Pigil ang hiningang hinintay niyang tumingin ito sa kanya.

Hindi naman naglaon ay nakaramdam ito at dahan dahang itinaas nito ang mga mapupungay nitong mata.

"You look like shit," nakangiting komento niya. "Hello, Ansel."

Saglit lang itong nagulat ngunit mabilis pa sa alas-kwatrong nawalan ng emosyon ang mukha nito. "Oh. I'm hallucinating now. Good."

Napailing siya sa sinabi nito at mas lalo na ng kaswal lang itong bumalik sa upuan at nagsimulang tumipa sa laptop nito habang kumakain.

"Ansel, I'm real," wika niya. Mahina niya pang pinisil ang tuhod nito. "Andito talaga ako. Binisita kita kasi sabi nila may plano ka atang patayin ang sarili mo. At tama sila, kailangan mong magpahinga."

Saglit siyang pinasadahan nito ng tingin. Nag-a-alangan naman siyang tumingin dito pero pinanatili niya pa rin ang ngiti sa kanyang labi.

"Oh... um, okay," walang emosyong sabi nito. "Busy ako, Cassidy. Pwedeng mamaya na lang?"

Pakiramdam niya ay sumikip ang kanyang dibdib sa sinabi nito. Ang cold kasi nitong magsalita na parang bumalik na naman ito sa College Self nito. Na parang hindi ito nag-iwan ng isang audio love confession para sa kanya.

Ang bilis mo namang magbago? Or are you protecting your heart against me, Ansel?

Huminga siya nang malalim at binuksan na lang ang pagkain na kinuha niya mula sa vendo at nagsimula siyang lantakan iyon. "Ang plain naman ng pagkain na ito. Kelan ka huling kumain ng kanin?" Naitanong na lang niya kahit alam niyang pwedeng hindi sumagot ito.

"Kahapon, hindi ko lang din naubos kaya ipinamigay ko sa aso sa compound," kaswal na sagot ng binata. "Kapag busy ako, minsan wala akong ganang kumain. Kung hindi lang talaga magsasalita ang tiyan ko ay hindi ako kakain."

Flat pa rin ang tono nito ngunit dahil sumagot ito ay mukha namang hindi pa siya tinataboy nito. Kaya mas nilakasan na lang niya ang kanyang loob at iniabot niya rito ang inuming binili niya, mukha kasing kape na naman ang kinuha nito mula sa vending machine. "O, eto. Tea 'yan. Mahirap na at baka mag-palpitate ka kapag puro kape ang iniinom mo."

Hindi man siya tinitignan nito ay kinuha naman nito ang ibinigay niya. Binuksan rin nito ang inumin at uminom nang kaunti bago nito isinara at inilapag ang inumin sa lamesa.

Mabilis ang pagtipa nito sa sariling laptop at ma-a-amaze sana siya ngunit isipin pa lang na tatlong araw na nitong ginagawa iyon ay mas sumakit lang ang kurot ng konsensya sa kanya. Alam niyang trabaho ni Ansel iyon pero siya naman ang dahilan kung bakit bigla nitong naisip na gawin iyon.

"Ansel," sinubukan niya uling magsalita. "Can we talk?"

 "Can we talk?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon