s e v e n | Ziplining

401 34 102
                                    

"ANSEL, WHAT THE heck?" tanong ni Cass sa binata nang na-realize na niya kung saan siya nito dinala. Hindi kasi nito sinabi sa kanya kung saan sila pupunta, basta ang sinabi lang nito ay magdamit siya nang komportable at kahit mag-light makeup na lang siya. Hindi na siya nagtanong at ngayon pinagsisihan na niya iyon. She should have put two and two together para na-realize niya na sa zipline pala sila pupunta.

"What?" na-amuse namang tanong ng binata nang nakalapit na ito sa kanya. Saglit kasi siya nitong iniwan para kausapin ang staff na naroroon.

"Pwede bang panoorin na lang kita?" tanong niya rito, sinubukan niya pang ngitian ito at baka umobra ang karisma niya kung mayroon man siya.

"Oh no," flat na tonong sagot nito. "Sasama ka sa akin. Ayokong mag-isa."

"Huwaw. Anong pinagsasabi mo diyan?"

Binalingan niya ulit ng tingin ang zipline. Mukhang mataas ito at malayo ang distansya mula sa starting point at sa ending point. Lumakas ang kabog ng kanyang puso at naramdaman niya agad ang pag-nginig ng kanyang mga paa. "Please?"

"Nope," sabi pa rin nito. "Halika na."

Kinuha na nito ang kamay niya at pinagisipan niya kung ano pa ang pwede niyang sabihin para mabago ang isip nito. Nang naroroon na sila sa platform, mas napakapit na lang siya sa kamay nito. Bahala na ito kung ano ang gusto nitong isipin.

"You're trembling," mahinang usal nito at ikinulong nito ang mga kamay niya sa sarili nitong mga kamay. Napatingin siya rito at wala namang ekspresyon ang mukha nito. But judging from his actions... it seems like he's trying to calm her down. This is... nice. "Takot din ako sa heights dati, Caz. Kaso na-bored akong matakot sa heights."

Ano raw? Pwede ba yun?

Pinaningkitan niya ito ng mata. Kakaiba rin ang boredom nito, ano? Ganyan ba talaga ang mga matatalinong tao? Hindi ma-satisfy ng mga maliliit na bagay?

"A-Anong ginawa mo?" naisip niya na lang itanong. Mukha kasing hindi magandang itanong ang mga una niyang naisip.

"Ano pa nga ba? Nag-zipline, nag-sky dive... anything na makakatulong," sabi nito at dahan dahan nitong binitawan ang kanyang mga kamay. "And now it's you turn. Ang first step mo ay ang zipline."

"Pero--"

"Wag kang mag-alala, matibay ang equipment nila. Dumadaan iyan sa maraming test bago nila ipinapagamit. Hindi ba, Ate?"

Tumango naman ang staff na naroroon at hawak hawak na nito ang protective gear. Pasimple pa nitong inilagay ang ilang hibla ng buhok nito sa likod ng tainga nito. Well, what to expect kung may poging biglang kumausap sa'yo?

Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili pero nanginginig pa rin siya. Kahit siguro huminga siya nang malalim ng maraming beses ay wala pa ring mangyayari.

"F-Fine, I'll try it. Sasama ka ba sa akin?" tanong niya rito. Gusto na niyang hawakan ulit ang kamay nito para manghingi ng lakas, kahit konti lang.

Nakangiti naman itong tumanggi na ikinagulat niya. "Bago ka humirit, just trust me, okay? Basta 'pag andoon ka na sa kabila, makikita mo muli ako roon." At para mas i-assure pa siya nito, mahinang pinisil nito ang balikat niya.

"Seryoso? Matapos ng pep talk mo, 'di ka sasama?" 'di pa rin makapaniwalang sabi niya. Ako lang ang magbubuwis ng buhay? Ang sama naman ng mokong na ito.

"Just trust me."

Huminga siya nang malalim. "Fine. 'Pag namatay ako, Ansel, ikaw ang una kong mumultuhin," banta niya rito at marahang natawa lang ang binata. "Sige, tawa ka pa."

You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]Where stories live. Discover now