e i g h t e e n | Open Mic Night [ part two ]

296 23 98
                                    

HATINGGABI NA NG umuwi si Cass sa cabin nila. Kaunti lang ang tama niya dahil hindi na siya uminom pagbaba niya mula sa stage. Nanatili pa rin siya sa beach dahil kinausap siya ng iba pang naunang nag-open mic. At sa pananatili niya roon saglit siyang nakalimutan ang pinoproblemang binata.

Nang makarating siya wala pa rin ang sasakyan nito. Hindi na bago iyon dahil sa mga nakaraang araw kaya hindi na lang niya pinansin. Masasanay rin naman siya. Ngunit nang buksan niya ang ilaw sa cabin doon lang nagkaroon nang pagkakaiba.

Hindi lang kasi ang sasakyan ni Ansel ang wala roon. Wala na rin ang maleta nito at nakaayos na rin ang kama nito. Bukod roon, nalinis na rin ang mga kalat na iniwan niya. Pati ang mga regalo nito sa kanya ay wala na rin.

Nanlulumong napaupo siya sa kama nito. Parang bulang nawala ang pagkalasing at pagod niya. Ayos na sa kanyang inindyan siya nito ng dalawang araw, ngunit ang biglang mas literal na pag-a-alsabalutan nito? Syempre, hindi. Bukod sa walang maghahatid sa kanya pauwi ay hindi naman niya gustong umalis ang binata nang tuluyan.

"Bwisit ka naman, Ansel," naiinis na sabi niya sa kama ng binata. "Paano ako uuwi?"

Huminga siya nang malalim at kahit naluluha na ay tinapunan niya ng tingin ang kabuuan ng cabin para makita kung may naiwan pa ba ito. Kahit ano pa iyan. Basta malaman niya lang kung bakit bigla itong umalis.

Hindi naman nang-disappoint ang binata dahil may nakita siyang flash drive sa lamesa. Agad siyang tumayo at nilapitan ito. Walang kahit anong lable roon ngunit alam niyang wala naman siyang dalang flash drive. Mukhang pwede rin iyong isaksak sa phone niya.

Kaya nanginginig man ang kamay niya ay isinalpak niya iyon sa phone at isa lang ang file na naroroon. Isang audio file na may titulong: To Caz.

"Ano naman 'to?" Napapailing na lang na binuksan niya ang audio file. May ilang segundo ang nakalipas bago niya narinig ang boses ng binata.

"HI, CAZ," panimula ng audio clip. "Ano nga pala... Audio confession 'to. Love confession. Mahirap na kasi baka itapon mo ulit or worse punitin mo. Yes, alam ko ginawa ko sa'yo noon at 'wag kang mag-alala, I've been beating myself up over that for long. At kaya hindi ako nagpakita sa'yo ng dalawang araw ay kasi gusto kong malaman kung totoo na ba. Iba ka kasi. I don't like you at first.

"Hindi ka katulad ng mga naging ex ko na nakakausap ko sa mga matatalinong discussion or well, better appearance-wise. And we have history, Caz. Kaya kailangan kong i-assure ang sarili ko na kapag ikaw na, okay na, ready na ready na talaga. Well, it didn't work out that well, I guess.

"Atsaka narinig ko pala kay Greta 'yung pinag-usapan niyo at hindi ko i-de-deny 'yon. Totoo 'yon. My feelings die after two weeks when I date someone. Why? It's because of your love letter. You cursed me with your pretty and sincere words, Caz. Alam ko magtataka ka, paano ko na-brought up ang love letter mo, ganito kasi 'yon. Pina-xerox ko. Natuwa ako sa'yo at na-appreciate ko ang love letter mo.

"Pero syempre ng oras na iyon, wala akong interes na makipag-date at ayaw talaga kita noon. Inisip ko nga na destroyer of peace ka kasi nakikigitna ka kung kasama ko ang kakambal ko. But, nang nagtagal, I thought you're okay but you're acting like a lovesick puppy. I like you better ngayon na wala kang interes sa akin at nakakausap kita nang maayos. At 'yung about sa love letter mo dati, buti xi-ne-rox ko, pinagbutihan mo kasing punitin, e. Anyways, my point is... Dahil sa love letter mo nahihirapan akong makipagrelasyon kasi hindi maabot ng mga exes ko ang sincerity mo," saglit itong tumahimik at marahang natawa.

"To simplify, I love you, Caz. Maniwala ka man sa akin o hindi. Mahal kita, mahal na mahal kita. Ang cute mo kasi. Ang sarcastic mo. At ikaw lang ang may ganang manghampas sa akin," saglit na tumatawa na lang ito. Mahina. Marahan. Sumusuko.

You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]Where stories live. Discover now