t w e n t y | Cornered in the Owl's Room [ part two ]

468 26 117
                                    

Dear Ansel,

Um, hello, Ansel. Ansel. Yeah, Ansel.

It's so weird saying your name kahit dito pa sa papel. Wala lang ang cool mo kasi, yung feeling na kapag sinabi ko ang pangalan mo dapat may special permission ako sa kung sino. But oh well, not like you'd ever get the chance to read this anyway.

Sooo. Ansel. (Paulit ulit ba, lol.) Ano. I like you. Crush kita, okay na? Hayyy.

Andali-daling sabihin sa papel pero ang hirap hirap sabihin sa personal. Andami ko nang pasimpleng pagpapansin pero parang wala namang effect sa'yo. Kung meron man ay salamat naman at 'di mo ako kinoconfront tungkol doon dahil baka himatayin ako.

So, yun, thanks for letting me admire you from a distance. Hindi ako tutulad sa mga fansclub mo, promise. Dito lang talaga ako, pa-cute lang ng konti. I mean, of course, gusto ko ring maging tayo kung posible pero alam ko namang 'di possible, e. Ang layo mo kaya, like kung pagtatabihin tayo baka isipin pa nila yaya mo ako.

Pero, yes, Ansel, you would never read this anyway. Kaya dito na lang ako magsasalita. Mas madami pa nga ata akong masasabi dito kaysa kung magkaharap tayo. Because you know, baby, (gosh, baby daw), lagi akong parang ano kung nasa harap mo ako. Kaya dito na lang, kunwari mas matino.

Ayun wala lang, happy valentines, crush. Been crushing on you for two years. Tibay, di'ba? Sabi nga nila. Iba raw ang nagagawa sa tao kung in love siya. In love ako, sa'yo, ayee. Ang gulo ng letter na ito, ang saya talaga na hindi mo mababasa.

So, ano nga ba? Bakit kita naging crush for two years? Bakit hindi since first year tayo at doon naman kita unang nakilala? Ganto kasi 'yan, e. Allergic ako sa mga taong gwapo pero barumbado sa pag-uugali. I mean, you gotta admit that you're intimidating, overconfident, and basta 'di ko ma-reach.

Tapos andami-daming babae ang nagkakandarapa sa'yo na kulang na lang magsabunutan sila sa hallway once na parehas silang bumati. Ang galing, di'ba? So, paano mo na-transform ang medyo hater mo to someone who loves you (feel ko may kantang ganto, yee).

Paano nga ba? Ano... Ang simple actually. Tinuruan mo lang ako ng Analytic Geometry. Maalala ko pa iyon at kung 'di mo na maalala, ikwekwento ko sa'yo. May group work si Greta noon sa additional subject na inenrolan niya kaya nung ako lang nakita mo non, busangot agad ang mukha mo. Hindi ka naman umalis, though.

Basta iniwan mo lang ang bag mo at bumili ka ng pagkain. Shookt ako kasi ang akala ko ipapahanap mo pa sa akin si Greta or basta ka lang mag-wa-walkout pero hindi, andyan ka. Tapos bumalik ka pa and without saying anything binigyan mo ako ng pastillas. 'Di ko gets kung bakit pero paborito ko iyon, ewan ko nga kung super observant ka lang na pati ganoon na kaliit na detail alam mo.

Sinubukan kong magtanong sa'yo kung bakit mo ako binigyan pero ikaw na mismo ang nagsalita, sabi mo bayad sa intrusion at baka 'di ako komportable sa'yo. Aba, ewan ko, nagulat lang ako. Akala ko may sasabihin kang snarky or sarcastic pero hindi. Kaya sinabi ko na lang na okay lang at dahil kanina pa ako tapos kumain, ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa assignment namin sa A. Geom.

Hindi ko talaga maintindihan iyon, e. Paulit ulit ding dinidiscuss sa akin ni Greta, pero alam mo naman siya, ang gulo niya mag-explain. Minsan akala ko gets ko na, tapos pagkatapos, hindi pa pala. Kaya minsan, give up na siya tapos ibibigay na lang niya sa akin yung sa kanya, kopyahin ko na lang raw.

You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]Where stories live. Discover now