t w e n t y | Cornered in the Owl's Room [ part one ]

374 23 67
                                    

P.S. Huhu xD ma-mi-miss ko poe sila xD last chapter na po dis with two parts. May extras pa po after pero deym i miss dem na poe agad.

Also, play this song while you listen poe at ito ang pinaka-soundtrack ng buong update po

HINDI PA RIN tumigil ang binata sa pagtitipa at sa mabilis nitong mga matang nagpapalipat lipat sa laptop at sa monitor. "Sige lang. Hindi ko lang maipapangako na maririnig ko lahat kasi busy talaga. It's your choice if you still want to talk to me," sagot nito makalipas ang isang minuto na parang saglit pa nitong pinagisipan kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

Tumango naman siya dahil at least makikinig pa rin ito. "Well, first things first," panimula niya. "Gusto kong mag-sorry sa'yo. Ginawa ko ang pinaka-worse na cliche sa mga romance na nabasa ko at iyon ang masaktan sa isang bagay na noon mo lang naman ginawa.

"I pushed you away without meaning to... Iba ang pagkabasa ko sa ginawa mong pag-alis ng dalawang araw. Well, I mean, pwede kong i-defend ang sarili ko kung bakit ko naramdaman kung ano man ang naramdaman ko noon pero..." Huminga siya nang malalim at binuksan niya pa ang kape na binili niya para rito. Uminom siya at kahit mapait ay linunok niya lang. "Ewan ang tanga ko pala kasi naman e... ang assuming ko na wala ka namang gusto sa akin, na nakikisama ka lang ganoon. I mean, haller, bakit ka magkakagusto sa akin?" Itinuro niya pa ang sarili. "Na-insecure ako agad sa simpleng sinabi ni Greta tapos kahit nagpaparamdam ka na d-in-ismiss ko lang kasi nga ewan."

Tinapunan niya ito ng tingin at hindi pa rin ito nakatingin sa kanya. Napailing na lang siya.

At least, naririnig pa rin naman nito ang madramang litanya niya. "So, ayun, I'm really sorry, Ansel. I went ahead of myself and that's not cool. Dapat ang una kong kinompronta sa bagay na iyon ay ikaw. Hindi 'yung inunahan kita. Sorry ulit, okay?" Nakangiting tinignan niya ito.

Deadma pa rin ang binata at naka-focus lang ito sa ginagawa. Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy muli, "At... ang ewan mo. Bakit ka mag-iiwan ng confession kung aalis ka naman pala at magmumukmok lang dito? Dapat kung gusto mo talagang mag-cut ties ay umalis ka lang. 'Yung malinis na pagalis. Para na namang yung love letter scene ito e, 'yung nagpunit ka ng love letter na dalawang piraso lang? Ikaw naman, ayusin mo naman kahit konti. Ganyan ka ba ma-inlove? Nasasaltikan ka sa utak?"

Napapailing lang siya at tinapunan muli ito ng tingin. Mukha namang namula ito at dahil maputi ay napansin niya iyon. Napangiti naman siya at nakikinig naman pala sa kanya ang binata. "Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo?"

Matamang tinitigan niya ito at hindi naman ito sumagot. Wala na ang mini-blush sa mukha nito at wala na rin ang emosyon. Pinaningkitan niya ito ng mata at hindi rin siya nagsalita. Nagsimula siyang magbilang, pabaliktad mula sa sampo.

Nang wala pa rin itong sinabi ay huminga siya nang malalim. "Mahal din kita. Obvious ba? Hindi naman siguro kita iiyakan kung hindi, di'ba?" Sarkastikong litanya niya bago napapailing na tumayo.

Mukhang busy talaga ito atsaka nasabi niya naman na lahat ng gusto niyang sabihin. Kung mas uunahin pa rin nito ang trabaho nito ay wala na sa kanya iyon. Kung mas importanteng matapos ni Ansel iyon ay aalis na lang siya. Saka na lang siguro siya babalik. Tutal, mas magaan naman na ang pakiramdam niya. "Ayun lang, sige aalis na ako. You look busy," tumayo na siya at nagsimulang maglakad.

"That's a load of bullshit, Caz," narinig niya namang usal nito na nagpatigil sa kanya. Nagpanting naman ang kanyang mga tenga at agad niyang hinarap ito.

You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon