HATID 🧟‍♀️~ 3. ANG DALAWANG BANGKAY

1.4K 127 0
                                    

Aalog alog ang naglambing taba sa katawan ni Mrs. Ablaza habang umaakyat ng hagdanan ng may kalakihang bahay pagkauwi galing sa lamay ni Bong. Labintatlong baitang ito at hingal hippopotamus na ito bago marating ang pinaka-huling baitang. May dala pa itong isang malaking bandehado na puno ng kanin at may isang buong litsong manok sa ibabaw. "Toppings." Iyan ang tawag niya sa hilig niyang istilo ng paghahain ng sariling pagkain. Pagdating sa silid ay agad na hinubad ang cochong baliktaran na step-in at sumampa sa kama. Gutom na gutom na siya at dalawang pirasong galletas lang ang nakain niya sa burol. Nagsimula na niyang lantakan ang litsong manok at kanin. With matching gravy pa. Yum!

Ang dalawang bodyguard ay naghahapunan narin sa may kusina habang nilalandi ang mga ito ng hayok sa lalaking mga katulong ni Mrs. Ablaza. Bawal kasi sila mag day off kaya bihira sila makakita ng lalaki. Abala ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa kung kaya't hindi nila napansin ang aninong dumaan sa likuran nila, patungo sa pinaka puno ng hagdan at unti unting umakyat patungo sa ikalawang palapag ng bahay.

Sa silid ni Mrs. Ablaza, maririnig ang pagngasab nito sa isang buong litson manok na noo'y nangangalahati na. Mistulang baboy kung kumain ang matabang babae. Sumasapak ito sa bawat pag baba ng panga. Ligayang ligaya ito sa ginagawang pagsabsab kung kaya't hindi nito namalayan ang may kalakasan din namang ungol-atungal na nanggagaling sa labas ng naka-awang na pinto ng silid nito. Dahan dahang bumukas ang naturang pinto. Napatigil sa pagnguya si Mrs. Ablaza dahil nakadama siya ng kakaiba at matinding lamig na nanunuot sa buong katawan niya. Naramdaman ni Mrs. Ablaza ang isang maitim na presensya sa gilid ng kama niya. Nanatiling namumuwalan ang bibig nito na unti unting lumingon sa gilid ng kama na malapit sa pinto. Medyo naniningkit pa ang mga mata habang dahan dahang iginagalaw ang ulo sa gawi ng pinto ng silid.

Nanlaki ng husto ang mga mata at puno ng nanguyang litsong manok ay bumuka ang bibig upang magpakawala ng baradong sigaw kasabay ng pagtalsik ng noo'y sanay lulunukin ng pagkain.

Sa gilid ng kama ni Mrs. Ablaza sa tapat ng pinto ay nakatayo ang kanina lang ay dinalaw na bangkay ni Bong. Hindi ito multo, hindi espirito o kaluluwa ng yumaong si Bong kundi ang mismong labi nito. Halos himatayin sa sindak si Mrs. Ablaza ng dahan dahang humakbang ang mga paang walang sapatos at naka medyas lamang patungo sa kinaroroonan niya. Unti unting bumuka ang bibig ng bangkay at kitang kita ng matabang babae ang alambre na ipinangtahi sa gilagid ni Bong dahil namatay itong nakanganga at inabutan ng rigor mortis na hindi naitikom ang bibig. May bulak pang natanaw ang babae na sumusungaw sa bibig ng patay na siyang ipinalaman dito upang umusbok ang hupyak na nitong pisngi. Nanginginig na sa labis na sindak si Mrs. Ablaza habang may gustong bigkasin ang amoy formalin na bangkay ni Bong.

"Aah-khak! Hinah-tid ka kah-kah-ya nasun-dan kih-ta. Isasa-mah kih-ta sa hukay!"

"HINDEEEE!"

👁👁👁👁👁👁👁👁👁👁👁👁👁

Kinabukasan...

Umuugong ang balita sa pondahan sa tapat ng bahay ni Wilma. Tanghali na noon ng magising siya dahil nga sa pagod at puyat ng nakaraang araw na siya ding araw ng libing ni Bong. Nagmamadaling naki-usyoso si Wilma sa kumpulan ng mga chismosa at mataray na hinawi ang mga naghuhuntahan sa katanghaliang tapat.

"Anong kaguluhan ito? Ha? Tanghaling tapat ah!" Pagmamalinis pa nito.

"Naku eh ito talagang si Wilma. Saksakan ng kontra bida!"

"Wala kang alam?!"

"Natagpuan daw si Mrs. Ablaza sa kuwarto niya. Patay na! Matigas na ang balyena! At ito ang nakapagtataka! Natagpuang patay at embalsamado na!"

~ END of HATID ~

A/N: Huwag pong kalimutang pindutin ang ⭐️ sa ibaba upang ipakita ang inyong pagsuporta at pagka-enjoy sa istoryang ito ni Wilma. Malaking inspirasyon po ito sa may akda. Maraming salamat po.

🌸TATIM🌸

HATID atbp. 👁Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon