KARERA 🏃🏻‍♀️ ~ 2. LINDOL

1.1K 50 0
                                    

Sa wakas ay nakarating narin sa malamig at airconditioned na opisina ng networking company ang magkapatid na Tina at Mayette. Halos sumalampak si Mayette sa sofa sa tapat ng airconditioner habang abala ang kanyang ate sa pagkuha ng mga orders ng kanilang mga customer. Medyo maraming orders na nakalap si Tina dahil alam naman natin ang mga Pinoy, basta pampaputi eh talagang pinagkakagastahan nila ito.

Habang nagpapalamig at hinihintay ang kanyang nakatatandang kapatid ay nakaramdam si Mayette ng kakaibang pakiramdam. Yun bang parang may nakatingin sa kanya at nagmamatyag sa bawat galaw niya. Nagpalinga linga siya sa paligid. Wala namang kahit sino sa mga naroon ang nakatingin sa kanya. Lahat ay abala sa pagkuha ng orders, ang iba ay kausap ang kani-kanilang upline o downline o dili kaya ay may kasamang bagong recruit. Sumulyap si Mayette sa Ate Tina niya. Nakatalikod ito sa kanya at isinisilid sa paper bag ang mga nakuhang orders.

Walang ano ano'y naramdaman ni Mayette na yumayanig ang buong paligid. Malakas ang dagundong. Oo sigurado siya! Lumilundol!

"Ate Tinaaaa!" Sigaw ni Mayette. Hindi niya malaman ang gagawin dahil sa napakalakas ng yanig ng lupa. Nakita niya ang isang lamesa na pang opisina na malapit lamang sa kanyang kinaroroonan. Dali dali siyang pumailalim sa lamesa at inilagay ang dalawang braso sa ibabaw ng ulo niya. Nanatili si Mayette sa ganoong posisyon hanggang sa humupa ang pagyanig ng paligid.

Nakiramdam muna si Mayette sa kanyang paligid. Tumigil na ang paglindol. Ngunit wala siyang marinig na boses ng tao sa paligid niya. Tila siya nasa isang abandonadong gusali na nag iisa. Imposible naman dahil wala namang pupuntahan ang kanina lamang ay ke dami daming tao. At ang Ate Tina niya. Nasaan ang kapatid niya?

Lumabas si Mayette sa ilalim ng lamesa. At tama ang kutob niya. Walang katao tao sa loob ng gusali! At ang ate Tina niya! Wala ang ate niya. Tila isang ruins ang gusaling iyon. May mga bitak bitak ang sahig at parang biglang naluma ang pinka istruktura nito.

"Ate Tina! Nasaan kaaa? Ateee!" Sigaw niya sa kapatid. Ngunit nanatiling nakabibingi ang paligid. Wala ang ate Tina niya. Walang kahit sinong taong makita si Mayette.

Sa gilid ng mga mata ni Mayette, isang anino ang kanyang naramdamang gumagalaw na papalapit sa kanyang kinaroroonan. At nang kanyang lingunin ay halos mabuwal siya sa matinding takot!

Isang babaeng naka suot ng itim na mahabang damit ang titig na titig sa kanya. Naka ngisi din itong parang isang demonyo na marahang lumalapit sa kinaroroonan niya!

HATID atbp. 👁Where stories live. Discover now