SISIW 🐥 ~ 3. ANG KAPITBAHAY NG BANGKAY

1.2K 53 0
                                    

Nagsusumiksik sa isang sulok ng comedor ng bahay niya si Willy. Nanginginig sa takot. Halos nag histerikal ito at atakihin sa puso. Ang buong akala niya ay nagising na siya sa bangungot niya kagabi! Ngunit paanong...? Paanong nakita na naman niya ang bangkay ng babaeng may permanenteng ngiti? Kung hindi lamang at nakita niyang tulog ang pinakamamahal sa kanilang silid ay aakalain niyang si Cita ang bangkay ng babaeng nakangiti na nagpapakita sa kanya.

Matapos ang halos kalahating oras na pagsusumiksik sa sulok at pilit na pinaliliit ang sarili ay nag angat na ng kanina'y nakasubsob sa pagitang ng dalawang tuhod na ulo si Willy. Dahan dahang iminulat ang mga mata at luminga linga sa paligid, inaalam kung may naka amba pang lagim. At nang makasigurong wala na ang nagpapakita sa kanyang bangkay ay tumayo si Willy. May kumislap sa mata niya na bihirang makita ng karamihan. Sanay ang mga taong nakakasalamuha niya sa isang tahimik, hindi palasalita ngunit napakatalinong manggagamot. Bihira sa mga kalugar niya ang naging pasyente niya. Karamihan ay mga dayo, may ilang banyaga pa nga. Dahilan ito sa hindi naman pangkaraniwan ang pinagkadalubhasaan ni Willy. At ang ilan pa nga, bagaman ay mayayaman at kayang magbayad ng napakalaking halaga ay nahihiyang masabing kumokonsulta sila o ang kaanak at mahal sa buhay kay Willy upang magpagamot. Isang mahusay at dalubhasang manggagamot ang lalaki ng mga taong may sira at diprensya sa pag iisip.

Kumislap ang galit at poot sa mga mata ni Willy kapalit ng kanina lamang ay takot at sindak.

May sumasabotahe sa kanya! May gustong manggulo sa pagsasama nila ng kanyang mahal na kabiyak na si Cita! At kung sino man ito ay alam niyang isa lang ang layon nito. Ayaw nitong lumigaya siya! Agad na tinungo ni Willy ang cabinet sa itaas ng lababo. Kinuha niya ang pinakamatalim na kitchen knife. Hindi siya makapapayag na may maging balakid sa habambuhay nilang sinumpaang pagsasama ni Cita! Pipigilan niya ito. Kahit pa muli siyang pumatay!

SAMANTALA SA LAMAY NG BIKTIMA NG PAMAMASLANG...

Presente parin ang balong si Wilma sa ikalawang gabi ng lamay ng biktima ng pamamaslang. Una, nakakalibre siya ng agahan, tanghalian, meryenda at hapunan. Unli kape pa.

Maya maya, nagpabalik balik ang tingin ni Wilma mula sa dalawang sisiw na nagtutukaan sa ibabaw ng salamin ng kabaong ng babaeng pinatay papunta sa malaking bahay na tila mansyon sa kabila ng mataas na bakod ng magarang subdivision sa tapat ng simpleng bungalow. Makailang ulit sumulyap sa ataul papunta sa malaking bahay ang nakasuot parin ng itim na belong si Wilma. Kapagdaka'y nagsalita sa malakas na boses:

"Hindi rin marunong makipag kapwa ang kapitbahay nilang nakatira sa malaking bahay na iyan ano? Naturingang siya ang pinakamalapit na kapitbahay ng biktima hindi man lang makiramay kahit sandali dito."

Nagbulungan ang mga nakikiramay sa mga magulang at pamilya ng nasawi. Tama nga naman ang tinuran nitong babaeng naka belong itim na kung tawagin ay "Wilma". "Naturingang kapitbahay hindi man lang makiramay. Paniguradong hindi naman malaking kabawasan sa kayamanan niya ang isang libong mai-abuloy man niya. Naturingang doktor pa naman. Suplado at matapobre." Sari-saring opinyon at kuru kuro ang nabuo sa malabnaw na pag iisip ng mga chismosang kapitbahay ng nasawi habang ngumunguya ng libreng galletas at humihigop ng malagihay na kape.

Biglang pinutol ng malakas na tinig ni Wilma ang pagpapalitan ng kuru kuru ng mga sawsawera at chismosa ng Wilatap:

"Nakasilip sa bintana ng Mansyon ang kapitbahay na matapobre! Naimbestigahan na ba ng kapulisan ang manggagamot na iyan? Kitang kita mula sa bintana niya anumang kaganapan dito sa kinalulugaran ninyo!"

HATID atbp. 👁Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt