KARERA 🏃🏻‍♀️ ~ 4. SPAGHETTI AT MEATBALLS

1.1K 50 1
                                    

Humahagulgol na si Tina sa matinding pag aalala sa nakababatang kapatid. Tinulungan narin siya ng guwardya at ilang kasamahan nilang networkers doon.

Walang ano-ano pumasok sa loob ng gusali ang babaeng naka belong itim na isa sa mga nakita ni Tina na nakipaglibing kanina. Hindi maaninag ang mukha nito sa likod ng lace na belong itim na tumatakip sa mukha nito. Ang tanging naaaninag ni Tina sa likod ng belong itim ay ang pagkapula pulang lipstick nito.

"Masama kasing kinukutya ang prusisyon ng patay kapag nadaanan ka nito. Oo nga at lumilikha ng konting trapik at abala ngunit ating alalahanin na iyon na lamang ang huling pamamalagi ng patay sa piling nating mga buhay sapagkat ililibing na nga ito. Ang ginawa ng kapatid mo ay isang paglapastangan sa namayapa na." Seryosong litanya ng balong nalaman niyang Wilma pala ang pangalan.

"Ibig nyo po bang sabihin dahil sa pagkakamali ng kapatid ko kaya siya nawala? Pinarusahan ba siya sa kanyang animoy paglapastangan sa patay?"

"Hindi lahat ng kaso ay ganun. Alam mo ba kung anong klaseng tao noong nabubuhay pa ang patay na inilibing kanina at nabastos ng kapatid mo?"

"Hindi ho. Ano o sino ba ang patay na iyon?"

Hindi kaagad umimik ang balong naka belong itim. Mataimtim na pumikit at animoy may inaalalang isang napakahalagang alaala....

ISANG LINGGO ANG NAKARARAAN...

"Inday! Inday! Ano at napakabagal mong kumilos? Bilisan mo at naghihintay na ang aking mga bisita sa comedor!"

Hinihintay ni Regina ang kanyang muchacha upang siya ay bihisan sapagkat isang espesyal na piging ang inihanda ngayong gabi para sa karangalan niya ng Punong Ministro ng España. Kailangang maging perpekto ang lahat. Ang kanyang buhok, damit na isusuot pati narin ang koloreteng ilalagay sa maganda na niyang mukha. Ngunit nasaan ba itong si Inday at napakatagal? Sadya yatang sinasabotahe ng alilang iyon ang piging upang ipahiya siya. Hindi niya mapapalampas ang pagkatampalasang iyon ng alila! Tuturuan niya ito ng leksyon!

Dahan dahang bumukas ang pinto ng kanyang silid at pumasok ang alila niyang si Inday. Ngunit imbes na ang kanyang sayang seda ang dala ay isang bandehadong may takip na pilak ang dala nito.

"Anong kabalbalan iyang dala mo Inday? Nasaan ang saya kong isusuot para sa piging na alay sa akin ng Punong Ministro ng España? Baka ako ay mahuli. Tandaan mo, isang malaking kahihiyan na ang isang dugong bughaw na katulad ko ay mahuli sa sariling piging."

"Alam mo, gutom lang iyan! Isang linggo ka na kasi halos hindi kumakain kaya kung ano anong kabaliwan ang iniilusyon mo!"

"Aba at walang modong muchachang ito! Wala kang respeto sa higit na nakatataas sa iyo!"

"Ha! Dugong bughaw pala ha! May dugong bughaw bang mabaho ar ayaw maligo? Buto't balat pa dahil ayaw kumain! Tingnan mo nga ang itsura mo sa salamin!"

At iniharap ng kausap ni Regina ang huli sa malaking salaming tanaw sa ventanilla ng silid na kinaroroonan nito.

Isang mestizang babae na nasa edad treinta y cinco ang nakitang repleksyon ni Regina. Matangos ang ilong, kulay berde ang mata na may mahahabang pilikmata, balingkinitan ang katawan at naka suot ng modernong vestida na yari ng pinaka tanyag na modista sa España. Kumikislap din ang mga brilyanteng suot niya. Isang kiming halakhak ang pinakawalan ni Regina.

"Naiinggit ka sa akin muchacha! Dahil wala ka ng kariktang taglay ko!"

Humalakhak ng malakas ang kausap ni Regina. Ang nakikita nito sa salamin ay isang babaeng may edad na, na oo nga at maputi ang balat ay kulubot na. Gusot ang buhok nitong marami ng puti, naninilaw ang kulang kulang nitong ngipin ay mapanghi na ang amoy ng kulay puting kasuotan ng mga pasyente sa pagamutang iyon.

Hindi Regina ang pangalan ng pasyente.WILHELMINA REGALA ang tunay na pangalan nito at inilagak ito ng mga kaanak sa pagamutang iyon para sa mga may kapansanan sa pag iisip. Maglalabing tatlong taon na doon si Wilma. MULTIPLE PERSONALITY DISORDER at DELUSION OF GRANDEUR ang karamdaman nito sa pag iisip.

"Kung ako sayo ay kumain ka na!" At inilapag ng nurse sa lamesita sa harap nito ang rasyong pagkain nito. Inalis niya ang takip ng Spaghetti with Meatballs.

Napasigaw si Regina sa gulat. Isang napakalaking patay na daga na may malalaking mata at puno ng dugo ang tumambad sa kanya! Tinabig niya ang kamay ng alila at sumaboy ang "dugo" sa uniporme nito. Isang malakas na sampal ang iginawad niya dito.

"Aba't putang inang baliw ka ah! Halika!"

At kinaladkad ng malakas na tomboy na nurse si Wilma papunta sa Operating Room. Kahit walang pahintulot ng mga Medico ng ospital ay iginapos ng nurse si Wilma sa stainless steel na operating table si Wilma. Nilagyan ng NGT sa ilong, isang tubong kumokonekta sa bituka. At kahit hindi pa tunaw masyado ang mga gulay at patatas, carrots at gatas ay pinuwersa ng nurse sa Tube Feeding ang lahat ng pagkain at hindi niya tinigilan hanggat hindi lumolobo ang tiyan ni Wilma. Pagkatapos ay ibinalik niya ito sa kuwarto at ikinandado ang pinto.

Sumuka ng sumuka si Wilma sa loob ng silid niya. Walang ekspresyon ang mukha ay tinungo nito ang higaan at kinuha ang robe niyang manipis na. Hinugot niya ang sinturon ng robe, tumungo sa bintana, tumuntong sa bangkito at itinali ang isang dulo ng sinturon sa pasimano ng bintana at ang kabilang dulo ay ibinuhol sa sariling leeg. Matapos ang ginawang mahigpit na pagbuhol ay lumundag siya mula sa bangkito.

Natagpuan ang bangkay ni Wilma ng mga kawani ng ospital kinabukasan, lawit ang dila at luwa ang mga mata. Ang hindi nila alam ay bago nalagutan ng hininga si Wilma ay isang madamdaming sumpa ang kumawala mula sa bibig ng babae:

"ISINUSUMPA KO! MAGBABALIK AKO AT LAHAT NG KALULUWANG MAAARI KONG ISAMA AY HIHILAHIN KO KASAMA KO PAPUNTANG IMPYERNO!"

HATID atbp. 👁Where stories live. Discover now