KARERA 🏃🏻‍♀️~ 3. BULOK

1K 47 0
                                    

"Huwag kang lalapit! Sino ka? Demonyo! Demonyooo!!!" Halos mapatid ang katinuan ni Mayette sa labis na takot habang papalapit ang babaeng naka itim na may ngising demonyo. Mapupula ang mga mata nito at maputla ang kulay ng mukha. Kita din ni Mayette na naka usli sa mahabang manggas nito na naaagnas na ang mga kamay nito. Ganun din ang mga paa nito na nabubulok na na kita sa laylayan ng itim na sayang suot nito.

Huwag kang lalapit sa akin! Ate Tinaaaaa!!! Tulooong!!!"

Ngunit kahit anong sigaw ni Mayette ay walang ibang taong nakakarinig sa kanya. Mistulang abandonado ang opisinang iyon.

Isang dipa na lamang ang layo ng babaeng naka itim sa kanya. Wala ng malamang gawin si Mayette kung kaya't ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata, kasabay ng usal ng dalanging pagmulat niya ay wala na ang masamang pangitaing iyon!

~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~•

SAMANTALA...

Matapos bayaran ang mga orders na kanyang binili ay nakangiting humarap sa lobby si Tina upang puntahan ang nakababatang kapatid. Ngunit ganun na lamang ang pagtataka niya ng wala ito sa sofang kanina lamang ay kinauupuan nito. Saan naman kaya pumunta ang babaeng iyon? Sinubukan niyang tingnan sa c.r. pero wala doon. Tinanong din niya ang security guard kung napansing lumabas ito ngunit wala naman daw napansin ito. Nalilito na si Tina dahil kilala niya si Mayette. Hindi siya basta iiwan nito at may pangako pa nga siya dito na ililibre niya ng sago at kwek kwek bago sila umuwi. Tuliro ang isip na lumabas ng opisina si Tina. Nagpalinga linga siya sa kahabaan ng kalsada ngunit walang Mayette na nahagip ang kanyang paningin.

Isang babaeng naka belo ng itim na malamang ay isa sa nakipag libing kanina ang lumapit sa kanya.

"Nandoon lang iyon sa pinag iwanan mo. Nagpatiuna kasi sa patay kaya kinarera siya. Walang respeto."

"A-anong..?"

Ngunit wala na ang babae paglingon niya dito.

Dali dali siyang pumasok muli sa opisina na nangingilabot ang buong katawan.

~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~•

"Hindi ka totoo! Na heat stroke lang ako. Pagdilat ko wala ka na...wala ka na..." sunod sunod na usal ni Mayette habang mariing nakapikit ang mga mata.

Nang tila maramdaman niyang wala na ang kakaibang kilabot sa katawan niya ay marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. At tama siya! Wala na nga ang babaeng nakasaya ng itim na may naaagnas na mga kamay at paa. Nagha hallucinate lamang siya. Marahil ay dahil sa init ng araw. Nasa ilalim parin siya ng mesang pang opisinang iyon kaya inilabas niya ang kanyang katawan at dahan dahang tumayo. Babalik na sana siya sa sofa kung saan siya iniwan ng Ate Tina niya ng pagpihit niya ng katawan ay:

"AKO BA ANG HINAHANAP MO???"

At bumungad sa kanya ang mukha ng babaeng naka itim na saya, isang pulgada lamang ang layo sa sarili niyang mukha. Nanlilisik ang mapupulang mata nito na halos sumabog ang mga ugat, bumubula ang bibig nito na may madidilaw na ngiping halos mapunggal na sa gilagid na kinakakabitan. Amoy na amoy ni Mayette ang nakasusulasok na amoy nito, amoy ng naaagnas na laman ng tao.

At bigla itong tumawa ng ubod lakas at idinikit ang bulok na bibig sa bibig nya at hinigop ang lahat ng hangin sa baga niya!

HATID atbp. 👁Where stories live. Discover now