SISIW 🐥 ~ 5. ANG MANGINGIBIG NG BANGKAY

1.1K 50 0
                                    

ANG NAKARAAN...

"Hayup ka Willy! Ang sabi mo ay magmemeryenda lamang tayo sa bananaquehan ni Aling Matang bakit ngayon ay dito mo ako dinala sa mansyon mo! May pinaplano kang masama sa akin ano?"

"Wa-wala Cita! Kaya lamang kita dinala dito at upang mag alay ng wagas na pag ibig sa iyo." Sabay luhod sa isang tuhod si Willy at inilabas ang maliit na kahon na naglalaman ng isang brilyanteng singsing.

Napalitan ang galit ni Cita ng abot abot na ligaya.

"Talaga Willy? Pakakasalan mo ako? Kahit mahirap lamang kami?"

"Wala akong pakialam sa estado ng buhay mo Cita. Unang kita ko pa lamang sa iyo ay inibig na kita."

At masuyong tinanggap ni Cita ang pag ibig ni Willy. Nagpaalam ito saglit na uuwi upang ipagbigay alam sa mga magulang ang magandang balita. Sa daan patungo sa kanilang tahanan nakasalubong ni Cita ang tambay at siga ng kanilang lugar na si Bong. Ito ang bagong kinakasama ng byudang si Wilma nang mamatay ang asawa nito sa sakit na cancer. Lasing na naman si Bong sa alak at lango pa sa ipinagbabawal na gamot.

"Hik! Kamusta ka Cita? Napakaganda mo talaga! Halika nga dito. Pahalik naman...uuuhhmm!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Bong na siyang nagpagalit dito ng husto.

"Abat suplada ka ahhh! Aruy!"

Isang malakas na pagtuhod ang iginawad ni Cita sa kaselanan ng siga. Ibayong sakit ang dinanas nito. Tatakbo na sana si Cita nang mahila ni Bong ang buhok nito.

"Lagi kang masungit at nakasimangot akala mo kagandahan ka ah!"

Akmang sasampalin ulit ng babae ang siga ngunit mabilis na nahugot nito ang beinte nuwebe sa bulsa at tatlong sunud sunod na saksak ang tumama sa tiyan ni Cita. Nang makitang lugmok at duguan na ang babae ay nataranta ang siga. Hinila ang agaw buhay na babae st saka inundayan pa ng isang saksak sa puso. Namatay na dilat ang mata at nakasimangot ang babae. Sa sobrang inis ng praning na lalaki, hiniwa nito ang magkabilang pisngi ng bangkay upang magmukhang nakangiti ito.

"Putang ina kang babae ka! Eh di natuto ka ring ngumiti!"

BANG!!!

Isang putok ang nagpasabog sa bao ng ulo ni Bong magmula sa likod.

Mabilis na tumalilis ang salarin.

Dalawang bangkay ang ibinurol ng sumunod na gabi. Ngunit bago pa makarating sa tahanan ang bangkay ng babaeng pinaslang, isang taong armado ang humarang sa punerarya at sapilitang kinuha ang labi. Walang nagawa ang kawani ng punerarya kundi ibigay ang bangkay at tanging ataul na lamang ang ihatid sa magulang ng nasawi. Nailibing ng lahat ang pumaslang sa babae na walang nakakaalam na si Bong kundi ang bumaril sa huli, hindi pa rin natatagpuan ang bangkay ng babae.

SA KASALUKUYAN...

Labis na sindak at hindik ang nadama ng kapulisan sa natunghayan nang magiba ang pinto!

Si Willy! Ang manggagamot na si Dr. Willy Coronel! Sabog ang bungo at nananatili pang nakasubo ang dulo ng 9mm sa bunganga nito habang yapos yapos ang naaagnas ng bangkay ni Cita, ang babaeng pinakaiibig at inalayan ng pangakong pag iisang dibdib.

Inusig ng bawat tuka ng sisiw ang konsyensya ng maling salarin. Dahil patay na si Bong at wala ng makamundong pakiramdam ng pag usig ng konsyensya, naipasa ito sa kasabayang salarin ba siyang pumaslang sa tunay na pumatay sa babae.

             ~ END of  SISIW ~

HATID atbp. 👁Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon