KARERA 🏃🏻‍♀️ ~ 5. WILMA

1K 39 1
                                    

"Iyan ang kwento ng patay na kinarera ng iyong kapatid. Isa siyang maligalig na nilalang noong nabubuhay. Walang naka uunawa. May matindi siyang sakit sa pag iisip kung kaya nakalikha siya ng iba't ibang personalidad na binigyang buhay niya sa kanyang isipan lamang. Wala sa alin mang buhay niya ang totoo. Kailanman ay hindi siya naging ina, o isang mataas na tao na nabibilang sa alta sociedad. Halos buong buhay niya ay inilagi niya sa mala impyernong kulungang iyon! Sadyang malupit ang tao. Kayat hindi siya titigil at hindi siya mapipigilan kahit na ng kamatayan sa paghahasik ng lagim sa mga buktot na nilalang."

"Pero...pero ano naman ho ang koneksyon ng istorya niya sa kapatid ko? Alam nyo ba kung nasaan ang kapatid ko?"

Biglang kinutuban si Tina. Baka ang babaeng ito ang kumuha sa kapatid niya!

"Nasan ang kapatid ko? Nasaan si Mayette? Ikaw ang kumuha sa kanya ano?! Ilabas mo ang kapatid ko!!! Nasaan siya?!!!"

Naghihisterikal na si Tina at akmang susugurin ang babaeng naka belo ng itim! Napigilan lamang siya ng mga kasamahan niyang networkers doon.

Marahang umusad palabas ng gusali si Wilma. Walang sinumang nakapigil sa balo. Lumingon ito kay Tina at sa mga kasama nito na nagkukumpulan sa isang sulok ng opisina. Unti unti nitong iniangat ang itim na belo mula sa mukha nito habang sinasabing:

"Paglabas ko dito, makikita mo ang bastos mong kapatid. Ngunit huli na. Isasama ko na siya! Bwahahahahaha!!!"

At tuluyan ng naalis ang itim na belong tumatakip sa mukha ng babae. Halos mabuwal ang lahat sa gimbal ng tumambad sa kanila ang anyo nito. Anyong walang pasubali na isa itong baliw na nilalang na hindi na parte ng mundo ng mga buhay!

"Diyos ko! Mahabaging langit!"

"Diyos ko! Mahabaging langit!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
HATID atbp. 👁Where stories live. Discover now