SISIW 🐥~ 2. ANG NAKANGISING BANGKAY

1.2K 53 0
                                    

Napakadilim ng buong bahay! Bakit tila walang ilaw na nakasindi? Ang natatandaan ni Willy, binuksan niya ang mga ilaw sa corridors ng ikalawang palapag ng bahay. Nang sa gayon kung sakaling magising ang mahal niyang si Cita para mag banyo o mauhaw at naisin nitong kumuha ng tubig upang inumin ay may tanglaw ito sa kanyang daraanan. Sinulyapan muna ni Willy ang maamong mukha ng kabiyak. Mahimbing ang tulog nito. Napagod marahil sa ginawa nilang pagniniig kanina. May ngiti ito sa labi habang natutulog na nagpaligaya sa lalaki. Masaya si Cita sa piling niya. Iyon lamang ang mahalaga kay Willy.

Tumayo ang medico upang buksan muli ang mga ilaw sa labas ng silid nila. Medyo hindi agad nag adjust ang paningin nito sa dilim kung kaya't marahan niyang kinapa ang switch ng ilaw sa kuwarto at ng makapa ito ay agad na binuksan.

Ngunit hindi ito sumindi.

Inulit ulit ni Willy ang pagbukas sara ngunit kadiliman parin ang nakapaligid sa kanya. Baka walang kuryente, naisip niya habang pababa ng hagdan patungo sa unang palapag.

Pagtapak niya sa puno ng hagdan ay may narinig siyang mahina at tila impit na pag iyak. Tila nasa likuran niya lamang ito! Kahit saan siya pumunta ay tila nasa gawing likuran parin niya ang mahinang pag iyak na kinalalaunan ay may halo ng pagsasalita.

"Sino ka? Ano ang ginagawa mo sa pamamahay ko? Magpakita ka kundi ay tatawag ako ng alagad ng batas!"

"Huhuhu! Tulungan mo ako! Alisin mo ang ngiti sa mukha ko! Huhuhu! Hindi ako masaya! Ayokong ngumiti!"

Hindi maunawaan ni Willy ang sinasabing iyon ng umiiyak na tinig. Nakadama siya ng takot ngunit agad din namang nawala iyon! Lumingon siya at nagpalinga linga ngunit wala siyang nakitang kahit na sinong tao sa loob ng bahay niya!

Nang aakyat na sana siya pabalik sa kanilang silid, isang malamig na bagay ang dumampi sa kanyang batok. Tila isang napakalamig na kamay ang humaplos sa kanya. Bigla ang naging lingon niya. Ganun nalang ang gulat at sindak niya ng tumambad sa kanyang harapan si Cita! Duguan at maputla. At ang halos ikawala ng katinuan niya ay ang mukha nito! Hiniwa ng kutsilyo ang mahkabilang gilid ng bibig nito abot hanggang tenga. Animoy isang nakakahindik na habambuhay na ngiti ang nakapaskil sa mukha nito!

HUWAAAAAAGGGG!!!

Napabalikwas si Willy mula sa higaan. Nanginginig ang kanyang buong katawan! Isang masamang bangungot lamang pala, salamat sa Diyos! Tagaktak ang pawis niya. Nakalma lamang siya ng mahawakan ang natutulog na kabiyak sa tabi niya. Sumulyap siya sa kanyang orasang pambraso. Menos kinse para alas cinco na pala! Mag uumaga narin pala. Nag desisyon si Willy na mauna ng bumaba sa kusina upang ipagluto ng almusal ang asawa. Paniguradong kikiligin na naman ito at masisiyahan.

HATID atbp. 👁Where stories live. Discover now