Chapter 1

10.7K 176 26
                                    

Katrina's POV

"Katrina..." Napahinto ako ng marinig ang nakakairitang boses . "I'm really sorry. Please?"

Hinarap ko ito. "Adriana pwede ba ayoko na, sa iba ka na lang mag-pa home service."

"No, i want you. Please stay?"

"Di ka ba nakakaintindi ng tagalog? Ha? You want me to elaborate it in english. Ano?" Kunti na lang masasabunutan ko na tong maarteng babae na to eh. Kakasira ng araw.

Tumawa ito. Pucha, pinagtitripan talaga ako nito eh. "Sorry, i just find it funny." Tinikom nito ang bibig pero parang natatawa parin ang mukha. "Oh my god, i can't help it." Natatawa na naman ito at humawak pa sa tiyan.

"Nakakatawa. Ha ha ha.. Alam mo kung pagtatawanan mo lang naman ako pwes aalis na'ko. May pahabol-habol ka pang nalalaman dyan. Tabi!" Binangga ko ang balikat nito at tinungo ang elevator.

"Wait, please i'm really sorry." Hinawakan nito ang braso ko. "Dodoblihin ko ang bayad ko basta wag ka lang umalis. Please Katrina?" Nagpapacute pa ang mukha nito. Ang totoo nakakainsecure ang kagandahan at kasexysihan nya. Kung ganito lang ako kaganda panigurado may asawa na akong mayaman ngayon.

"Magkano?" Walang pagdadalawang isip kong wika. Marami akong ginagastusan ngayon kaya wala ng hiya-hiya to.

"10 thousand. Is that ok?" Nakangiti nitong sabi. Infairness hindi mayabang ang pagkakasabi nya ha.

"Wala ng bawian yan. Gusto ko cash."

"Sure." Hinawakan nito ang kamay ko at hinila pabalik sa kanyang condo. "Lets go."

Pagkapasok namin sa loob sinet ko na ulit ang panglinis ko sa mga kuko. Kung hindi lang sana nya ako hinatak kanina habang nag-aayos ng kilay nya di sana di kami magkakabangga ng noo.

"Uhm mamaya na yan, kumain muna tayo. Iinitin ko lang muna ang pizza."

"Aba may pakain ka pang nalalaman ha." Umaliwalas ang feeling ko sa narinig. Tamang-tama gutom na'ko.

Sumunod ako sa kusina. Umupo ako sa silya at pinagmasdan ang ginagawa nito. Naka- fitted sando ito at sobrang ikli ng short kaya nakikita ko ang hubog ng kanyang katawan. Grabe, wala talagang kataba-taba ang katawan.

"Like what you see?" Di ko namalayang nakalapit na pala ito sa tabi ko.

"H-ha?" Napakurap-kurap ako. Ang lapit ng mukha namin. Shit, baka naamoy nya ang hininga ko.

"Sabi ko maganda ka." Ngumisi ito at bumaba ang tingin sa labi ko.

Shit, sabi ko na nga ba nalanghap nya ang hininga ko.

Bigla akong napaiwas ng mukha. Nakakahiya, kumain pa naman ako ng boy bawang kanina.

"Katrina, i like ---."

Tinakpan ko ang bibig ko. "Dun muna ako ha." Dali-dali akong bumalik sa sala nya.

Bumuga ako ng hangin sa kamay ko, oo nga amoy bawang.

Umupo ako sa sofa at inikot ang mga mata sa paligid. Sa tingin ko mayaman talaga si Adriana, ang gara ng condo halatang mamahalin ang mga gamit.

Sa isang buwan naming nagkakilala ngayon lang ako nakapunta dito. Kapag nagpapalinis o nagpapaayos naman kasi sya dati sa salon lang, pero ngayon bigla nyang naisipan magpa-home service.

Akala ko talaga nung una mata-pobre sya. Lagi kasing naka-english, buti nga ngayon marunong ng makibagay.

Ding dong... Ding dong....

Tumunog ang doorbell. Napatayo naman ako. "Adriana may tao yata."

Sunod-sunod na ang tunog ng doorbell. "Adriana?" Mukhang hindi naman nya ako naririnig kaya pinuntahan ko na lang ang pinto.

The story of Katrina discovering her gender identity *pak* (gxg) Adri❤KatWhere stories live. Discover now