Chapter 8

3.8K 120 39
                                    

Katrina's POV




3 weeks later...





"Katrina!" Malakas na tawag ni nanay sa labas sabay pokpok ng kung ano sa pinto.

"Grrrrrr...." Bumalikwas ako ng bangon pero hindi parin umaalis sa higaan. "Bakit po nay?" Sigaw ko. Aga-aga naman oh.

"Tirik na ang araw, hindi ka ba papasok? Aalis na ako."

"Oo lalabas na. Sige na ako na ang bahala dito." Humiga ulit ako at kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan.

Tumahimik na ang paligid umalis na siguro si modra.

Hayy.. Dumapa ako at iniscroll ang cp ko.

Bwesit. Walang silbi. Wala man lang naligaw na text. Globe na lang talaga ang may ganang magparamdam sa akin. Saklap.

May naalala na naman ako.

"Wag ka ng magpapakita." Inis kong hinagis ang cellphone ko sa unan. Ano na kayang nangyari sa kurimaw na yun? Imagine tatlong linggo syang missing in action, ang sabi limang araw lang syang mawawala. Limang araw mukha nya!

Huh!

'Ano bang paki ko? Bahala sya. Ang sarap ng buhay nya tapos poproblemahin ko? Manigas sya.'

Bumangon na ako at tinungo ang banyo para maligo.

Mga 10 minutes tapos na ako. Wala ng almusal-almusal. Bibili na lang ako ng pagkain sa labas ng salon.

Pagkarating ko sa salon naabutan ko sina Pedro at Ricardo na naglilinis ng mga salamin.

Dumiretso ako sa loob ng maliit kong office at hindi muna sila inabala.

Nakakatamad.

Nanghihina ang katawan ko, feeling ko lalagnatin ako. Wala akong ganang kumain tapos minsan sumasakit pa ang ulo ko.

"Mamsh." Pumasok si Pedro at kumuha ng upuan. "Jowa mo andyan."

Parang may ispring ang pwet ko at automatiko akong napatayo. Nagpakita na rin ang kurimaw..

"Prank lang. Ito naman akala mo talaga may jowa." Hindi sya tumatawa ha. Seryoso talaga sya sa pagkakasabi.

Pakiramdam ko tuloy binuhusan ako ng malamig na tubig sa ulo. "P-prank mo mukha mo. Bwesit." Nagkunwari na lang akong may pinupulot sa sahig para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Shemmsss, chakness, chokness NAKAKAHIYA.. Buti na lang hindi ako lumabas agad.

Bwesit na bakla to.

Ng makaalis si Pedro kinuha ko naman ang cellphone ko.

Nag-isip ako.. Gagamitin ko muna ang utak ko. Hindi naman sa naaapektuhan ako sa pagkakasabi ni Pedro na akala mo talaga may jowa ha.

I'm just intrigue, intriguing? Ah basta naiintriga ako kung nasaang lupalop na si Adriana ngayon. 3 weeks my god! Walang tawag o text?

Ano kayang drama nya? Sige sabihin na natin na nasa ibang bansa parin sya pero nakakapanibago naman. Hindi nya ba ako naiisip? I mean, syempre nagpaalam sya sa akin bago umalis. Di ba dapat ipapaalam nya rin kung ligtas ba syang nakarating sa destinasyon nya.

Pero hindi talaga ako naaapektuhan ha. Tamang pagtataka lang naman, tsaka hindi naman masamang mag-alala ka sa kakilala mo. Hello.

Kaya heto tatawagan na baka sakaling may masamang nangyari, wag naman sana.

Susubukan ko lang naman kung mag-riring..

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago dinial ang number nya..

The story of Katrina discovering her gender identity *pak* (gxg) Adri❤KatWhere stories live. Discover now