Chapter 5

3.3K 117 8
                                    

Katrina's POV




"Mamsh sige na sumama ka na sa amin. Isang beses lang to sa isang taon eh." Pangungumbinsi parin ng bakla na si Sacramento a.k.a Scarlet. Birthday nya ngayon kaya magpapainom.

"Hindi ba kayo papasok bukas? Mukhang magwawal-wal talaga kayo eh noh?" Nasisilaw ang mata ko sa sabog nilang make up at nguso.

Humalakhak naman si Pedro a.k.a Paige. "Helloooo, parang hindi sanay. Susuka pero hindi aabsent mamsh." Di parin tapos magkilay tong baklang to.

"Bahala kayo basta kapag bukas ako ang unang dumating dito pagkakalbuhin ko talaga yang mga ulo nyo." Inunat ko ang katawan ko sa sofa. Sign of aging na yata to, ang sakit ng mga kasukasuan ko kelangan ko na yata ng massage. Este hilot, hilot mula sa kamay ni boy Balite.

"Ai mamsh muntik ko ng makalimutan. Kanina di ba inutusan mo akong bumili ng mga clip sa mall, nakita ko kasi si Adriana may kasamang lalaki. Boyfriend nya yata yun kasi panay ang halikan nila kahit maraming tao." Napantig ang tenga ko sa sinabi ni Ricardo a.k.a Rossana. Muntik na akong malaglag sa sofa dahil sa pagmamadaling umupo.

"Sigurado ka bakla?" Di naman halatang na bigla ako sa lakas ng sigaw ko.

"Sure na sure mamsh, 100 percent sya talaga yun.  Pero snobera sya ha, nakita nya ako pero di man lang ako pinansin."

"Kung ako rin naman yun di kita papansinin. Baklang to, magsuot ka ba naman ng leggings na yellow." Kutya ni Scarlet at nagsimula na nga silang mag-kantyawan.

Tumayo ako, nagpalakad-lakad at nag-isip.

Sigurado naman akong hindi gagawa ng kwento si Ricardo. Wala naman syang ka-alam-alam sa amin.

"Shadap!!" Sigaw ko para tumahimik sila. "Anong oras mo sya nakita Cardo?"

"Ala una po aling Flora."

Ala una? Teka, katxt ko lang sya kaninang alas dose ha.

'Naku Adriana, mukhang naghahanap ka yata ng sakit ng ulo. May pa i really like you ka pang nalalaman kurimaw ka.'

"Tinatawa nyo?" Saway ko sa mga bakla.

"Ok ka lang ba mamsh? Kinakausap mo ba ang sarili mo o may di kami nakikita na ikaw lang ang nakakakita?" Nakangising tudyo ni Scarlet. Bigla naman akong napahiya sa na isip.

"Nakalimutan mo yatang uminom ng gamot mamsh." Segunda naman ni Rossana.

"Tsee.. Magsilayas na nga kayo. Elock nyo ng maayos ang pinto bago kayo magliparan." Kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na ng salon.

Naglakad ako papunta sa may sakayan. Tulala at naiisip parin ang sinabi ni Ricardo. Si Adriana may kahalikan na lalaki? Akala ko ba babae ang gusto ng bakulaw na yun.

"Katrina."

Napahinto ako ng marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong lumingon. "Oh Keanu."

Nakangiti itong lumapit sa akin. Kaklase ko sya noong high school at isa sa masugid na manliligaw ni Sophie. Ilang beses na rin kaming nagkita dito sa maynila kaya feeling close na kami.

"Kumusta?" Lumabas ang pamilyar nitong dimples sa kaliwang pisnge.

"Ok lang, ikaw kumusta?" Pinasadahan ko ito ng tingin mula paa hanggang ulo. "Naks, ang gara ng porma ah, business suit."

"Kagagaling ko lang kasi sa trabaho. Teka, uuwi ka na ba?"

"Oo."

"Sumabay ka na sa akin, ihahatid na kita."

"Sigurado ka?" Ayus, makakatipid ako ng pamasahe.

"Oo naman. Tara." Magkasabay kaming naglakad papunta sa pulang kotse na nakapark.

The story of Katrina discovering her gender identity *pak* (gxg) Adri❤KatWhere stories live. Discover now