Chapter 6

3.3K 111 14
                                    

Katrina's POV



"Tagay pa." Lasing na sigaw ni Konyo. Bibili lang sana kami ng softdrinks kanina kaya lang hinarang kami ni Donna, may-ari ng malaking tindahan dito. Birthday nya ngayon kaya  nagkakasiyahan ang mga kapitbahay namin. May nagvi-videoke pa at sumasayaw.

Iniwan pa naman namin ang mga tambak na plato sa lababo. Ang plano ko sana si Adriana ang paghuhugasin ko para makaganti ako sa ginawa nyang pananantsing kanina.

Inagaw ko ang hawak nitong baso at pabagsak na nilapag sa mesa. "Tama na. Aalis na kami." Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Adriana. "Gabing-gabi na, umuwi na tayo."

"No, it's ok. I'm having fun." May tama na rin yata. Namumula na ang mukha nito. Uminom ba naman ng tanduay na tubig lang ang cheser.

"Kj naman to si Katrina. Dis is da pirts taym we mit a girl layk u miss Aramina." Bwesit.

"Adriana." Pagtatama ko. "Tumigil ka na nga Konyo. Aalis na kami."

Hindi naman nakinig ang katabi ko at kinuha ang baso na may lamang alak. Tinungga nya agad ito. "Woooh!!!" Buga nito matapos malasahan ang matapang na alak. Yan, sarap.

"Isa, lumayo ka sa akin." Hinampas ko si Bartolome. "Dun ka." Turo ko sa malayong mesa. Lalapit pa eh.

"Katrina mamaya na kayo umalis. Marami pang pagkain sa loob." Mabait na turan ng nanay ni Donna.

"Ai wag na po madam. Alas dose na rin po kasi tapos uuwi pa tong kasama ko." Magalang kong sabi. Hawak-hawak ko parin ang isang kamay ni Adriana, mahirap na baka matangay pa ng mga sanggano dito.

"Naku, oh sya ikaw ang bahala. Kumuha ka na lang ng pagkain bago kayo umalis, baonan mo ang nanay mo ha."

"Opo. Salamat po."

"Wan mor?" Alok na naman ni Konyo. Mukhang nagkaka-intindihan na yata tong dalawa.

"Sure, one more." Nakangising sagot ni Adriana.

Gigil kong kinagat ang ibabang labi ko. Grrr... Pasaway.

"Yuuunnn.." Nagsalin na naman ito ng alak. "Por u miss. Tagay." Abot nito ng baso kay Adri.

Tawa ng tawa ang mga kasama namin sa mesa. Parang wala ng bukas kung makatawa.

"Come on sit down." Mahinang hinila ni Adriana ang kamay ko.

Tiningnan ko ang mukha nya, namumungay ang mga mata at talagang tinamaan na. "Isang shot na lang tapos uuwi na tayo." Umupo ako.

"Fine." Kagat labi itong ngumiti at tinanggap ang baso.

"Kat." Hanging bulong ni Ronnel sa tabi ko.

Bigla akong kinilabutan. "Ba't ka bumubulong gago." Pinahid ko ang tenga ko. Bwesit. Dumikit pa yata ang hininga nya.

"May boypren ba yang chicks na kasama mo?"

"Tomboy yan kaya wag ka ng mangarap." Pumapak ako ng chicharon at uminom ng T-ice.

"Hindi naman yan totoo eh. Sinungaling ka, mukha ka pa ngang tomboy kesa sa kanya." Humagikhik ito. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga nya.

"Eh kung ipakain ko tong bote sayo?" Tinalikuran ko sya at tiningnan ang kasama ko. "Ano tara na."

Hindi naman ito nagprotesta at tumayo na din. "Yeah, lets go."

Hay mabuti naman. "Sige mga sunog baga, uwi na kami."

"Ano ba yan Katrina. Isha pa." Di ko na sigurado kung saan nakatingin si Konyo. O duling na yata dahil sa kalasingan.

"Thanks guys. Have a great night." Kumaway si Adriana sa lahat.

The story of Katrina discovering her gender identity *pak* (gxg) Adri❤KatOn viuen les histories. Descobreix ara