Chapter 7

3.1K 108 19
                                    

Katrina's POV





"Ang ganda talaga ng kaibigan mo. May boyfriend na ba sya?" Pa-sekretong sabi ni Keanu habang naglalagay ako ng mga plato sa mesa.

"Tanungin mo kaya para malaman mo." Grabe sya. Simula ng makita nya si Adriana kanina sa palengke hindi na sya mapakali. Panay pa ang tanong ng kung ano-ano. Tapos panay rin ang puri kesyo maganda kesyo sexy kesyo mukhang artista daw.

Hay wala, nasapawan na naman ang ganda ko.

"Ayoko, baka kasi meron mapahiya lang ako."

"Ai ewan ko sayo. Buti pa maupo kana dyan." Iniwan ko sya at pinuntahan si Adriana na nakaupo sa rocking chair ng lola ko. "Tumayo kana, kakain na tayo."

"Come here." Hinila nya ang kamay ko kaya napa-kandong ako sa kanya.

"Ai.. Ano ba." Tili ko sa pagkabigla. Pasulyap kong tiningnan si Keanu, nakatingin ito sa amin na parang naaaliw. Ang laki ng ngiti, akala yata nya nagbibiruan kami. Gigil kong kinurot ang kamay ni Adriana. "Baliw ka talagaaa.." Hindi ko na sya binigyan ng pagkakataon na maka-isa pa at umalis na sa hita nya.

Diretso akong tumakbo sa mesa at umupo. Bahala ka jan.

"Close talaga kayo noh?" Aliwng sabi ni Keanu na halatang walang alam sa nangyayari.

Close? Tssee...

Kung alam nya lang ang totoo. Wala talagang makakatulong sa akin kahit pa minamanyak na ako ng kurimaw na yan. Baka nga ako pa ang mapagkamalang manyakis.

"Wow, mukhang masarap ang niluto mo babe ah." Puri nito at umupo sa tabi ko. "Thank you."

"Babe?" Napalitan ng pagtataka ang kanina'y nakangiting mukha ni Keanu. Oh di ba, shockera sya. Tinawag lang ako ng babe nyan ah, ano pa kaya kapag nalaman nya ang totoong nararamdaman ni Adriana sa akin. Baka maisipan nyang maging pari na lang dahil sa pagkadismaya.

"Babe as in baboy. Yun." Sabi ko para wala ng maraming tanong. Kinuha ko ang pork barbeque at nilagay sa plato nya. "Sige kumain ka na." Singkit mata ko namang binalingan si Adriana. Babaeng to, tatlong araw syang hindi nagparamdam tapos ngayon aakto na parang walang nangyari. "Ikaw ano, sinigang na manok o nilagang baka?"

Pacute itong ngumiti. "Uhmm.. Both." Pssss.. Both mo mukha mo. Ewan ko ba kung bakit puro may sabaw ang pinaluto nya. Pwede namang adobo o kaya caldereta.

"Ayaw mo bang kumain ng barbeque miss Adriana? Siguro diet ka noh?" Hanep, miss?

Feeling ko maa-out of place ako ngayon, feeling ko lang naman ha.

"No, i just don't like oily food." Maarte ring sagot ng katabi ko.

Umismid ako. Arte!

"Talaga? Kaya pala ang fit mo. Nag-gigym ka rin ba?"

"Yeah, every friday. Ikaw din ba?"

"Oo, twice a week ako sa gym. Healthy living kasi ako." Nagpapasikat na sabi ni Keanu.

Ano kayang konek ng oily food sa pagiging fit? Eh ako nga halos oily food ang mga kinakain ko pero fit naman ako ah.

"Eheerrrmmm.. Eheerrmm." Kunwaring kumakati ang lalamunan ko. "Kain na kaya tayo. Mamaya na yang chikahan." Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng apat na chicken barbeque. Kumuha rin ako ng bowl ng sinigang para kay Adriana. "Yan, kumain ka na."

"Where's my rice babe?" Nakatingin ito sa kanyang plato.

"Maid lang?" Turo ko sa sarili. Grabe pati kanin ako pa ang kukuha.

"Ako na miss ---."

"Hep. Ako na." Pigil ko kay Keanu. Kinuha ko ang sandok sa kamay nya. "Kumain ka na Keanu, nakakahiya bisita pa naman kita."

The story of Katrina discovering her gender identity *pak* (gxg) Adri❤KatWhere stories live. Discover now